Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Sean kanina. Seryoso ba siya? Hanggang ngayon hindi pa rin matigil sa pag humerentado ang puso ko! Parang tumakbo ako ng ilang kilometro. Pinagloloko ba niya ako o ano? Hindi ako makapaniwala, nagugulat pa rin ako sa kaniyang ginagawa. Noong unang salta ko naman sa kumpanya niya, ganiyan siya umasta sa akin, na animo'y iritado sa bawat galaw ko. Bakit ganito naman ngayon? Ayoko mag assume nang kung ano-ano pero parang may gusto siya sa akin? Pero, imposible! Hindi niya tipo ang tulad ko, lalo na hindi ako mayaman. Wala akong kaya! Isinabay na ako ni Sean papunta sa birthday ni Aldrich. Saktong pinapasabi raw ni Aldrich na hindi na niya ako masusundo dahil naro'n na sa bahay nila ang mga kaibigan niya, kaya isinabay na lang ako ni Sean. To be ho

