Parang nabuhusan ako ng malamig na tubig. Tumigil ako sa paghinga. Di ko alam ang nararamdaman, halo-halo but I know something. I'm in pain.
"W-what?" Mali lang siguro ako ng rinig.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tuluyan na akong hinarap. Wala siyang emosyon. I want to read his eyes but he won't let me. Yumuyuko siya o tumingin sa ibang direksyon.
"You heard me. Maghiwalay na tayo." Tumalikod siya at nagsimulang maglakad.
"T-teka, J-Johnny!" Hinabol ko siya. Pumunta ako sa harap niya para pigilan siya. "I-I don't know what to say... Why?"
"Di ba pwedeng maghiwalay lang tayo na di na sinasabi ang dahilan?"
"Ano ang dahilan mo? Bakit ganito? Bakit biglaan? Okay naman tayo-" nilagpasan niya ako. "Johnny!" Hinawakan ko siya sa braso at pinilit na pinaharap sa akin. "Saan ako nagkulang? O may nagawa ba ako? Did I do something wrong? We were okay but- Johnny!"
Naglakad siya papalayo. Hinabol ko na naman siya.
"Johnny! Please talk to me!" Huminto siya at hinarap ako.
"May bago na ako." Umiling ako.
"I know you couldn't do that. Kilala kita, Johnny di mo magagawang mag-"
"Nasisiraan ako dahil sayo. Dahil sa family background mo."
Napatigil na ako sa pangungulit. Tumalikod siya at umalis.
Why I didn't see this coming? Bakit di ko naisip na pwede niya akong hiwalayan dahil sa pamilya ko?
I'm in pain.
Hinawakan ko ang dibdib ko. Ang sikip. Di ako makahinga ng maluwag. Parang may mabigat.
Those time we spend together. Its only just a memories now.
"Queen." Nagulat ako nang may umabot ng panyo sa harapan ko. Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Luther. Ngayon ko lang napansin na tumutulo na pala ang luha ko.
"What are you doing here?"
"Master, don't want to see you like this."
"Hiwalay ma kami ni Johnny." Di pa niya binababa ang panyo. "Bakit kapa nandito? Hiwalay na kami ng master mo."
"Di pa nga kayo. Hiwalay na agad." Mahina akong natawa at bigla ring natigilan. Then I realized.
"W-what do you mean? I thought your master is Johnny?" Nanatili siyang seryoso. Nanlaki ang mata ko. "W-wait. Who is he?"
"My master wants you to go home and I'm taking you home."
"No." Hahawakan sana niya ang kamay ko. Iniwas ko yun. "No!" Sabay takbo ko papalayo sa kanya.
Sino pala siya? Kanino siya nagtra-trabaho?! Wala na akong kilala na kahit sino. Nakaramdam ako ng kaba. Di ako lumingat patuloy lang sa pagtakbo. Maraming naglalarong senaryo sa isipan ko na maaring gawin sa akin ni Luther pag nakuha niya ako. Umipon ako sa maraming tao.
Maraming nagtitinda at maraming taong bumibili. Tumingin ako sa likuran at nakita ko pa si Luther na para bang may hinahanap. Bago pa niya ako makita ay pumasok na ako sa isang tent. Nakatingin lang ako sa pinto habang umaatras.
Di naman niya ako makikita rito, tama?
"Miranda Victoria Cateñeho." Nangilabot ako sa babaeng nagsalita mula sa likuran. Agad akong humarap sa kanya.
"Who are you?"
"I'm expecting you here. Please have a seat." Sabay turo niya sa upuang nasa harapan niya. Tumingin muna ako pinto kung sakaling makita ako ni Luther dito. "Di ka niya makikita rito."
"How can you be so sure?" May pagdududa kong tanong.
"Manghuhula ako, spiritista-"
"A witch." Pagpuputol ko. Tumawa siya. Ngayon ko lang napansin na iba ang kulay ng mata niya. Ang isa ay itim ang isa ay hazel.
"You can say that. Pwede naba kitang hulaan?"
"Wala kang mahuhulaan sa akin at alam ko na ang hinaharap ko." Ang hinaharap ko ay mag isa ako sa madilim na mundong ito.
"Do you know exactly?" Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. Di ako umupo at naging alerto lang ako kung sakaling makita ako ni Luther. "You're a demon's bride."
Napatingin ulit ako sa kanya. Demon's bride? This lady is crazy.
"You must be mistaken. Bago lang ako-"
"Jonathan Imperial broke up with you 15 minutes ago. I know."
"So? and I'm not someone's bride."
"Pag isipan mo. Sino pa bang lalaki ang lumapit sayo bukod kay Jonathan?"
"Wala na."
"Are you sure?" Saan ba patungo ang usapang ito?
"Si Luther. Siya lang." Ba't ko ba sinasagot ang babaeng to?
"Pwede ka bang maupo? Di ka niya mahahanap dito." May pagdududa man pero umupo ako. "Can I hold your hand?"
Binigay ko sa kanya ang kamay ko at hinayaan siyang gawin ang gusto niyang gawin. I'm tired. I don't want to think. I just want to rest.
"You have a bond with a demon." Tiningnan ko lang siya. "He asked you for marriage and you say yes." Demon? Baka ang ibig niyang sabihin ay si Jonathan?
"You are right. Jonathan asked for-"
"No. I mean the demon asked you for marriage." Natawa naman ako. Sinong demon?
"Imposible, si Jonathan-"
"There a possibility that the demon disguise as your boyfriend." Doon pumasok ang kaba ko. Naging alerto ako. Naalala ko ang reaksyon ni Johnny tuwing kakausapin ko siya tungkol sa kasal. "The demon might asked you something or do just to get you." I don't want to believe her but I got this feeling that she's telling the truth. I'm a person that believes in demon, angels and God.
"Like what?" Umalis siya sa upuan at may hinanap sa book shelf niya. Nang makuha niya ang isang libro ay may hinanap siya sa mga page nayun.
"Just five things. First he can get you by saying yes for marriage. Did he asked you for marriage?"
"I don't know if that's the demon but Jonathan asked me for marriage and I said yes."
"Second if you accept the things that he gave." Ang singsing at damit. Nung nasa mall kami bumalik siya na iba na ang damit. Di ko alam kung si Johnny yun o ang demon pero ang singsing...
"A ring and a dress." Tumango siya.
"Third, if he fulfill his promise."
"Promise? Si Jonathan maraming pinangako sa akin pero nawala yun sa salitang 'maghiwalay na tayo'."
It's still hurts.
"Ano bang pinangako ni Jonathan?"
"Marami. Sa sobrang rami. Di na ako makapaniwala na naging tanga ako sa mga pangakong yun."
"Did he promised to not leave you?"
"Yes."
"Then the demon will not leave you."
"W-wait." natatakot na ako. Nangingilabot. What have I done? Bakit may demon na sumusunod sa akin? "I- I don't know what to do. Di ko alam kung-" hinawakan niya ang kamay ko.
Pumikit siya at may sinabi na kung ano-ano. Then it just a lighting. I remembered.
"Huwag mo akong iwan." Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. "Please... Ayokong mawala ka... Ikaw nalang ang karamay ko sa lahat. Please stay."
"I will stay, I promise." Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng kamay niya sa buhok ko. "You've been through a lot this day. Now sleep." Then I sleep.
"s**t! Huwag mong sabihin na ang kasama ko nung gabing yun ay ang demon?!" Binitawan ako ng babae. Nanatiling tahimik ang babae habang ako ay parang maiiyak na sa takot.
Natatakot na akong mag isa.
"Forth, if he get your virginity." Napaupo naman ako ng tuwid.
"Hindi pa niya nakukuha. I'm still virgin."
"That's good to hear. Lastly, if he reveal his identity."
"Reveal his identity? He's a demon. Alam ko na yun, kaya bakit pa siya mag aalalang ibigay sa akin ang identity niya?"
"If he gave you his identity it only means one thing. You are his world. He trust you more than any one else."
"Why me? What did I do to make him go after me?"
"You ask him, dear."