"Where are you going?"
"Emergency." Napatango naman ako. Umalis na siya.
Pinagpatuloy ko ang panunuod ng movie sa bahay. Nag absent ako ngayon kasi sabi niya ngayon lang free time niya pero mukhang matatapos nayun dito.
Nag iisa na naman ako dito sa bahay. Anong gagawin ko dito?
I feel alone again. Hindi dapat ako makaramdam ng ganito. It's not healthy.
Napatingin ako sa kwintas ko. Nandoon ang singsing na binigay ni Johnny nung gabing yun. It feels different but safe.
Sa nakalipas na araw ay naging abala si Johnny. Wala na kaming oras sa isa't isa di na niya ako naihahatid o masusundo man lang and I understand that.
He's busy and I'm trying to be busy.
"Miranda, give this to maam Liana." Sabay abot ng papeles sa akin. Tumango ako at agad na pumunta sa office ni maam. Kumatok ako bago pumasok.
"Maam, pinapabi-" naputol ang sasabihin ko nang makita si maam Liana na may kausap sa telepono.
"Yes, tita. I will. Thank you. Bye " nakangiti niyang sabi. Humarap siya sa akin na di pa nawawala ang ngiti niya. "You know. I talked to Mrs. Imperial. Do you know her?"
"Uh...yes." Ina siya ni Johnny.
"She's asking me for dinner." Tumango naman ko. Wala naman akong kinalaman doon. "She wants me to meet her son." Nakuha niya ang interes ko. Mas lalong lumaki ang ngiti niya. "Do you know in my world, fix marriage is always, ALWAYS be part of us. In short Mrs. Imperial wants me to marry her son, Jonathan Imperial."
"Di papayag si Jonathan." sigurado ako doon.
"Jonathan Imperial is only a prince. At ang hari at reyna lang ang laging nasusunod sa mundo ko. Sabihin na natin ayaw ni Jonathan pero di kaba maaawa sa kanya? Mapag uusapan siya ng lahat kung pipiliin ka niya over me. I'm perfect and you are...you know...you only have a family in jail." Sabay tawa niya na para bang napakanakakatawang biro ang sinabi niya. "Everyone will discriminate you. No one will accept you because YOU. HAVE. NOTHING."
Umalis ako sa opisina at dumiretso sa banyo. Agad nag uunahang tumulo ang luha ko. I don't want to be this s**t! Kaylan pa ba matatapos ang paghihirap ko?! All I want is me being free for all the pain.
Pinahid ko ang luha ko. Lagi nalang ganito. Ba't di pa ako nasasanay? They always discriminate me but I'm always giving them a chance even though they didn't say sorry.
"I'm tired of everything."
Si Johnny. He didn't- No. Johnny don't want me to worry so he didn't tell me. Ito ang pinagkakaabalahan niya? Kung papaano niya maipaglaban ang relasyon namin? I must help him. Di lang siya dapat ang lumalaban pati narin dapat ako!
Tumunog naman ang cellphone ko.
From: Johnny
I'm here outside. I'll wait for you.
Huh? Ba't nasa labas siya? Di ko pa out. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ang sarili ko. Ayokong mag alala siya kapag nalaman niyang umiyak ako.
Lumabas ako ng building at nakita ko nga siya. The man I love.
"Hi." Sabay salubong ko sa kanya ng yakap. Kumunot ang noo ko nang makita ang mga mata niyang mapupungay. Mukhang pagod na pagod siya. May dark circles pa sa ilalim ng mata niya. "You okay?" Sabay hawak ko sa mukha niya. Putla pa siya. Ilang araw na ba siyang walang tulog. "Ang putla mo. Are you sick?"
"No. I'm fine." Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa mukha niya. Binaba niya yun.
"You should go home and rest."
"I... I can't do that." Alam ko ang nasa mga mata niya. He's tired, not just physically but mentally.
"You can. Please, rest. Okay?" Lumayo ako sa kanya at aakmang aalis na ako, pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin naman ako sa kanya. Nagungusap ang mata niya.
"Lets have date. Ilang araw na tayong di nagkikita."
"It's fine. I know your busy. Maybe next time?"
"No. I want now."
"Johnny, you can rest. Kung free time mo ngayon. Use that to rest." Malambing kong sabi.
"No. Lets have date, please?"
I have this bad feeling about this. Napatingin ako sa kanya. I think its really important. Di lang date ang magaganap. I know... something is going on but I can't point it out.
"Okay."
Di na niya ako pinabalik sa builat agad na niya akong isinakay sa kotse. Di ko alam kung saan kami mag de-date pero alam kong di sa mall kasi malayo ang mall sa tinatahak naming daan.
Tumigil kami sa isang resort. Nagbayad siya at pumasok na kami. It's breath taking. Pagkapasok mo palang bubungad na sa iyo ang asul na dagat.
"Wow..."
"You're hungry?"
Nakakita ako ng park sa gilid ng resort. May mga cottages, restaurants. This is relaxing. But i don't have clothes so I will not go for swimming.
"Mira, do you want to eat?" Napatingin ako kay Johnny.
"No...uhm... Ikaw? Nagugutom ka? Kain tayo."
Umiling siya at ngumiti. "Are you happy?"
"Yes and overwhelmed. Di mo pa ako nadadala sa ganito."
Hinawakan niya ang kamay ko. Napakahigpit ng hawak niya doon.
"I love you."
"I love you too, Johnny."
Kumain kami bago namin nilibot ang resort. Napag alaman ko na may swimming pool pa pala. Ang ganda ng pool nila. Magkahawak kamay lang kami ni Johnny habang nag uusap ng kung ano-ano. Minsan napapahigpit ang maghawak niya sa kamay ko at minsan ay napapatigil siya.
Alam kong may gumabagabag sa kanya at alam kong ayaw niyang pag usapan yun.
May mini plaza rin sila. May DJ sa stage at maraming nanunuod. May nagpe-perform rin.
Nanuod kami. Natapos ang mga banda sa isang kanta.
"Tinatawagan ang mga mag-asawa, magkasintahan diyan na lumapit sa gitna. This song is for you." Saad ng DJ.
Di ko pinansin ang sinabi ng DJ at nakinig lang ako sa kanta ng mga nagba-banda.
We and Us
By: Moira Dela Torre.
"Rainbow notes upon the wall,
Dancing children under rainfalls,
Perfect sunset set to ten then we begin again."
Simula palang ng kanta ng kakarelax na.
"There's a ribbon in the sky,
Painting rivers in the moonlight,
Moving pictures say the word of a story that begins"
Napapikit ako sa kanta.
"I'll hold your hand and wipe your tears,
We'll laugh until we run of years."
"May I have this dance?" Napadilat ako. Ngayon ko lang napansin na sumasayaw na palang ang mga couple sa gitna.
Tinanggap ko ang kamay ni Johnny at pumunta kami sa gitna. Niyakap niya ako habang sumasayaw.
"Cause no matter if our blue skies turn to grey,
There's a ray of sun that's bound to light our way
And although the roads are rough,
I'll get through it just because...
I have my you, you have your me,
No matter what may come,
We'll have our we and us."
"I have you. I love you, Mira."
"I love you too, Johnny." Lumayo siya ng konti.
"I will get you back." Naramdaman ko nalang ang labi niya sa labi ko. Nalimutan ko ang sinabi niya at ito nalang ang naisip ko.
Siya, ako. Di kami maghihiwalay. We will get through of this.
"Cause no matter if our blue skies turn to grey,
There's a ray of sun that's bound to light our way
And although the roads are rough,
I'll get through it just because...
I have my you, you have your me,
No matter what may come,
We'll have our we and us."
"This is the best date ever." Saad ko. Naglalakad kami ngayon sa tabi ng dalampasigan. We are waiting for the sunset. "I hope it won't be the last." Saad ko.
Napatigil naman siya sa paglalakad. Tiningnan ko siya. Wala siyang pinakitang emosyon pero ang mata niya, may nakikita akong lungkot.
"You okay?" Saad ko. Napatingin siya sa araw. Tiningnan ko rin yun. Malapit na itong bumaba. Na para bang magtatago na ito sa ilalim ng dagat. "It's beautiful."
Haharap na sana ako sa lanya ulit pero niyakap niya ako. Tinago niya ang mukha niya sa leeg ko.
"I'm glad I did this to you." Saad niya. Napatingin ako sa araw na dahan dahang bumababa. Napangiti ako. My first sunset with him.
Humigpit ang yakap niya habang unti-unting nawawala ang araw at nang nawala na ay unti-unti ring nawawala ang paghigpit ng yakap niya.
"Maghiwalay na tayo."