CHAPTER 3

1162 Words
The days past by so fast. Si Johnny para niya akong nililigawan ulit. Bulalak tuwing ihahatid niya ako at sa pag uwi ay bulaklak naman. Ngayon ay nagyaya siyang mag date. Ramdam na ramdam ko talaga ang pagmamahal niya at sa mga araw na lumipas malinaw na sa akin ang kinabukasan ko. Nakikita ko ang sarili ko na inaalagaan ang mga anak namin at lagi ko siyang sasalubungin ng yakap sa isang simpleng bahay sa isang simpleng buhay. Sigurado na ako. Si Johnny ang future ko. Wala akong trabaho ngayon kaya pahinga muna pero para sa akin ang makadate si Johnny ang pahinga ko. Makasama ko lang siya nabubuhay na ako. "Ready?" Sinalubong niya ako sa sala. Tumango ako. Hinawakan naman niya ang kamay ko at ginaya sa sasakyan niya. Maraming beses na kaming nag date ni Johnny at sa bawat date namin di niya napapalyang pasayahin ako. "Mag mo-movie tayo." "Oo naman." Gusto ko ang naisip niya. Huminto kami sa isang mall bago kami nagmovie ay kumain muna kami. Nang oras na ng movie ay wala kaming sinayang na oras at agad kaming pumwesto sa paborito naming upuan. Sa may gilid sa taas na walang taong makakakita sa amin at makakaestorbo. "Nakita ko na ang trailer nito. Sigurado akong magugustuhan mo." Tumango naman ako at napangiti nalang. Inakbayan niya ako. Nagsimula ang kwento sa isang batang boses. Mga nasa teenager na siya. "Ikinasal ako sa taong mas matanda sa akin." Napakunot naman ang noo ko. Paedophile lang?! Akala ko ba magugustuhan ko ito? "15 na taon ang agwat namin sa isa't isa. When he asked me to marry him I gladly say yes. Because before I died all I want is to marry the man who cared to me all of my life." Nabago doon ang pananaw ko sa palabas na ito. Isa siyang teenage girl na gusto lang na normal na buhay na malayo sa hospital. May cancer siya at alam niyang malapit na ang katapusan niya. Crush niya ang gwapong doctor na nag aalaga sa kanya. Nagustuhan niya ito sa nakalipas na taon dahil ang doctor lang ang nagpapalasap sa kanya ng isang normal na buhay. Niyayaya siyang lumabas ng doctor. Nang nalaman niyang may girlfriend na ang doctor ay galit siya rito. Nasabi niya ang nararamdaman niya at syempre ang doctor nag iba ang tingin sa kanya. Alam niyang umiiwas sa kanya ang doctor. Lumalala ang sakit niya at alam niyang malapit na ang oras niya. At alam niyang katapusan na niya. Alam niyang di na gusto ang nararamdaman niya sa doctor at mas higit pa doon. Nagulat nalang siya isang araw inaya siya ng doctor na magpakasal. Di siya pumayag dahil alam niyang napipilitan naman ang doctor. "If you love me. You'll stay." "Doc..." "Don't let go." "Napipilitan ka lang." "Magpakasal ka sa akin. Lumaban ka sa ganoong paraan makakasama mo pa ako ng matagal bilang asawa mo." She sad yes. Humaba pa nga ang buhay niya. Sa first anniversary nila ay dinala siya ng doctor sa isang isla. Ang islang yun ay napakaganda ng pagsakit ng araw at ang paglubog nito. "Gusto kong pumunta sa ganyan." Nasabi ko nalang. Siguradong makakalimutan ko ang problema ko diyan. Lumabas na kami ng sinehan pagkatapos. May plano pa sana kaming mag arcade kaya lang may tumawag sa kanya at nagmamadali siyang umalis. Emergency na naman siguro sa trabaho. Nag stay ako sa mall at tumitingin-tingin sa mga damit na di ko naman mabibili dahil sa sobrang mahal. Hanggang hawak lang ako at tingin. "Someday mabibili rin kita." Sabi ko sa sarili ko. "You can buy it now." Nagulat ako sa nagsalita sa likod. "Johnny! Wala ka na bang trabaho?" "Wala. Now what do you want? I'll buy it for you." Umiling naman ako. "Nah... I don't need it anyway." "But you want it." "Di talaga. Ayoko. Alam mo namang ayokong gumagastos ka para sa akin." "But I want it for you." "No-" tinalikuran niya ako at nagtawag ng sales lady. Ngayon ko lang napansin ang suot niya. Blue ang suot niya kanina pero ngayon black. Ano kayang nangyari sa trabaho niya? "Here." Sabay abot niya ng isang paper bag. "What's that?" Kinuha ko at tiningnan ang laman nun. Nanlaki ang mata ko nang malaman ang damit ang laman nun. "What the-" Hinalikan nalang niya ang leeg ko. "For you." "This is expensive." "I know." "And you think I'm gonna accept it?" "Kung di mo tatanggapin yan. Kanino ko ibibigay? Sa ibang babae?" Nairita naman ako sa sinabi niya. "I can give that to other girl instead." Marahas kong itinulak ang paper bag sa dibdib niya at umalis sa boutique. Ede ibigay niya sa babae niya! Bwesit! Nakasalubong ko naman si King. "Maam-" "Pakisabihan mo ang amo mo na bwisit siya! At huwag siyang magpapakita sa akin!" Akala ko di na talaga magpapakita si Johnny pero nagpakita naman siya. Di na namin napag usapan ang nangyari doon sa mall. May nag iba nga lang. Lagi na siyang busy ngayon at wala na siyang oras para ihatid at sunduin ako. "Hey!" Napatingin ako sa tumawag. Nakatingin sila sa direksyon ko. "Wala kang masasakyan? Dito ka nalang!" Sila ang mga ka officemate ko nasa isang van sila. Isa sila sa pinagseserbisyohan ko. Napangiti naman ako lalapit sana ako nang may naunang maglakad sa akin papunta sa kanila. Agad nawala ang ngiti ko nang mapagtantong di ako ang inayaya nila. Nang makalapit sa kanila yung babae ay pinapasok nila sa van at umalis na sila. I feel.... Bad. Narealize ko na di ako kasali sa circle of friends ng mga ka officemate ko. I'm alone. They don't know my worth. They don't want me. Because of my family... Tumigil ang isang magarang kotse sa harapan ko. Lumabas si King at pinagbuksan ako ng pinto. Agad na akong pumasok at isiniksik ang katawan ko sa gilid. Niyakap ko ang tuhod ko. Habang nasa byahe lumilipad ang isip ko sa mga 'what ifs' What if, normal lang ang pamilya ko. What if, I'm worthy... What if, makita nila ang worth ko may magbabago ba? Di ko namalayan na nasa bahay na kami. Lumabas ako ng kotse at agad na akong pumasok sa kwarto at nahiga. Mabigat parin ang dibdib ko sa nangyari. Binilang ko ang mga naging kaibigan ko noon. Marami pero nang malaman nila ang tungkol sa pamilya ko nawala na sila. What if I'm just an ordinary woman have a ordinary family? Nakaramdam ako ng yakap mula sa likuran ko. "Galit ka pa sa akin?" Johnny... Siya lang ang kasama ko noon paman. Tanggap niya ako. Agad akong humarap sa kanya at niyakap siya. Nag uunahan ng tumulo ang luha ko. "Huwag mo akong iwan." Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya. "Please... Ayokong mawala ka... Ikaw nalang ang karamay ko sa lahat. Please stay." "I will stay, I promise." Naramdaman ko ang marahang paghaplos ng kamay niya sa buhok ko. "You've been through a lot this day. Now sleep." Then I sleep.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD