CHAPTER 2

882 Words
"Good evening." Sabay halik ko sa pisngi niya. Pinagbuksan naman ako ng pinto ni Johnny. Pumasok na ako. Katatapos lang ng trabaho ko at kagaya ng dati ay sinusundo na naman ako ni Johnny. "Di ka bumalik kanina." Di siya bumalik kanina nang sabihin ko sa kanya na mamaya na kami mag usap. Maraming trabaho kanina kaya di ko siya agad nabalikan. Matatanggap ko naman na umalis siya dahil busy siya o umalis siya dahil matagal ako na matapos. "Ha?" "Di ka bumalik kanina." "Ba't naman ako babalik?" Nalito naman ako sa sinabi niya. "Akala ko pag uusapan natin ang tungkol sa kasal-" "Huh? Anong kasal?" "Yung sinabi mo kanina." "Wala akong sinabing ganoon." "May sinabi ka-" Tumunog naman ang cellphone niya. Napabuntong hininga siya at sinagot yun. Kumunot ang noo niya at napahilot siya ng sintido. "Okay. I'll be there." Pinatay niya ang tawag. "Mira, pwede bang di muna kita mahatid ngayon? May emergency sa opisina, eh." "Ah, oo naman." Agad kong sabi. Binuksan ko ang pinto at lumabas na. Lumabas naman siya. "Pasasakayin muna kita." "Hindi. Okay lang. Emergency yan, dapat unahin." Naiintindihan ko naman. Nagpapalakad siya ng imperyo at kaylangang nauuna yun para laging nangunguna. "I'm so sorry, Mira." "It's okay. I'll be fine." "Ihahatid kita sa sakayan wala ng tao rito kaya-" "Johnny. I'll be fine. Maglalakad lang ako papunta sa sakayan." "But-" "I love you. Now, go." "I'm so sorry." "It's okay." "I'll make it up to you. I promise." "Yeah." Aalis na sana siya pero napahinto siya. Humarap siya sa akin. "I shouldn't-" "Johnny. Ikaw muna bago ako." Yan ang lagi kong sinasabi sa kanya. Ang makakabuti sa kanya ang lagi kong inuuna. Inuuna ko siya bago ang sarili. "Mira..." Bumuntong hininga siya at humalik sa labi ko. "I love you too." Pumasok na siya sa kotse at umalis. Pumunta naman ako sa sakayan. Wala ng masyadong tao kasi late narin. Maaga akong darating dito, late akong uuwi ganyan palagi. Nakakapagod pero sanay na ako. "Sa Laurel." "Hindi ako naghahatid doon." At umalis ang isang sasakyang kaisa isa kong pag asa. Kainis. Ilang minuto na akong naghihintay at wala talagang masasakyan. Nagugutom na ako. "Gusto ko ng masasakyan." Pagod na pagod pa ako. Humikab ako. Nakakita ako ng sasakyan akala ko taxi pero isang magarang sasakyan. Talagang wala na akong pag asa. Huminto ito sa harap ko. Lumabas naman ang may ari ng sasakyan. Lumayo naman ako sasakyan. Pumunta ang may ari sa pinto sa likuran at binuksan ito. "Maam Victoria." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ng lalaki. "H-ha?" "Iuuwi ko na po kayo. Utos ni sir." Sir? Si Johnny? Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may masamang pakiramdam ako dito pero wala. Ito talaga ang panlaban ko sa lahat ng bagay ang lakas kong makiramdam. Alam ko kung ano ang posibleng mangyari at ito ang alam ko ay maihahatid ako nito sa bahay. "Siguradong ako talaga ang tinutukoy mo?" "Miranda Victoria Cateñeho." "Sino nagpadala sayo?" "Si sir." "Sir?" Pumasok na ako sa kotse. Isinara naman niya ang pinto kaya di niya nasagot ang tanong ko. Umikot siya at pumasok sa driver seat. Nagsimula siyang magmaneho habang ako ay tiningnan ang kabuhuan ng kotse. Ang gara at ang bango. "Anong pangalan mo?" Tanong ko. "Luther, maam." "Luther?" "Luther King." "King? Ang yaman naman ng apilyedo mo. Ngayon lang ako naihatid ng ganito ng boss mo." At tama nga ako. Naihatid ako sa bahay ng maayos. Di nagkakamali ang senses ko. "Salamat, King." "It's my honor to serve the queen who deserves everything." "Thank you, King." Sabay ngiti ko. "Gusto mong kumain? I think may pagkain naman ako. But I think its just a snack." "No. I'm fine alright, queen." "Don't call me queen." "And stop calling me King. My boss might kill me." Natawa naman ako. "Okay, Luther. Bye." "Bye, your Majesty." Napailing nalang ako. Weird day but it's okay. Pumasok na ako sa bahay. Nagbihis ako at kumain. Matutulog na sana ako nang makarinig ako ng katok mula sa pinto. Wala naman akong maramdamang masama kaya binuksan ko yun at agad bumungad sa akin si Johnny na may nag aalalang mukha. "You okay?" Tanong ko sa kanya pero di niya ako sinagot at bigla nalang niya akong niyakap. "Are you okay? Are you hurt?" Hinawakan niya ang mukha at kamay ko. Tiningnan niya ang mga ito at napabuntong hininga siya ng wala siyang makitang kahit anong senyales na nasaktan ako. "No. Bakit naman ako masasaktan?" "No. Wala naman. Sino naghatid sa iyo?" "Si Luther. Yung inutusan mong maghatid sa akin." Nakakita ako ng gulat sa mata niya pero agad itong nawala. "Ah...yeah." sabay iwas niya ang tingin at napayuko pa. "Can I sleep here?" "Sure." Pinapasok ko siya. Sinara ko ang pinto. Pumasok na kami sa kwarto at agad na nahiga. Agad niya akong niyakap. "I love you, Mira." "I love you too, Johnny." Pinikit ko na ang mata ko. "I won't leave you." Bulong niya. "I know" mahinang sabi ko. Humigpit ang yakap niya sa akin. "Di ako susuko." Napangiti naman ako. "I'm happy to here that." "Ipaglalaban kita." Hinalikan ko siya. Humigpit ang yakap niya sa akin. Nakatulog ako habangyakap yakap niya. This is all I want, to be in his arms, embraced by him, embraced by the man I love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD