"Emergency nga ito." Saad ko nang makita ang mga press sa labas ng building. Ito talaga ang pinakaayokong mangyari. Mga press sa harap ng building ko at nakikigulo lang para makuha ang impormasyon na kailangan nila. "Ano bang kaylangan nila?" Lumabas kami ng sasakyan, agar kaming inalalayan ng mga guards at hinarang ang mga media. Nang nakapasok ako sa building ay agad na bumungad sa akin si Mrs. Costa, Mr. Alejandro at Mr. Montero. Silang tatlo ang business partners ko. "What happened here?" Agad kong tanong sa kanila. "Meron kang press conference." Sagot ni Mr. Alejandro may katandaan na siya. "What?! Hindi ako tumawag ng mga press!" Mahina kong sigaw. Naglakad kami papunta sa isang silid kung saan kami minsan nag me-meeting at doon kami nag usap. "Ako ang nagpapunta sa kanila." Na

