Hindi ako mapakali sa inuupuan ko habang hinihintay ang mama kong pumasok dito sa kwarto. Dito kami pinahintay ng mga nagbabantay. Kwarto kung saan walang makakarinig sa amin. Mayaman naman ako kaya madali ko lang silang napapayag na mag iba kami ng kwarto. Pwede ring magdala ng kahit ano rito basta huwag lang dalhin ng preso ang mga gamit kasama niya. Si mama lang ang binisita ko ngayon kasi sa ibang lugar naman na kakulong si papa. "Do you think she'll remember me?" Tanong ko sa dalawa kong kasama na nakatayo lang sa likuran ko. "Of course, queen." Sagot ni Luther. "Sino bang pinunta natin rito?" Rinig kong tanong ni Jake. "Queen's mother." "Ah... Syempre di ka malilimutan nun. Anak ka niya. Alam mo may nanay rin ako kaso iniwan niya ako dahil ayaw niyang mapahamak ako. May threat

