WARNING: SPG
HINDI nga panaginip ang nangyari kanina. Dahil hanggang sa pag-uwi ko ay magkasama kami ni Avel. Ihahatid pa sana niya ako sa amin pero hiniling ko na wag na niyang gawin iyon dahil baka makita kami ng mga kapit-bahay namin at makarating pa iyon sa mga magulang niya.
Ayukong mangyari iyon dahil siguradong ikagagalit iyon lalo ng kanyang ina at ni Clarita. Baka palayasin kami ng mga ito sa lupang kinatitirikan namin.
Kinabukasan, katulad nga ng napag-usapan namin ng inay. Hindi na muna magtatabas ng tubo ang si itay dahil may trangkaso pa ito. Hindi ko narin pinatrabaho si inay upang mabantayan niya si itay. Kaya naman mag-isa akong nagtungo sa tubuhan.
Tahimik lang akong nagtatabas dahil wala naman doon ang maingay kong kaibigan na si Rowena, naatasan kasi silang magpamilya na magtanim ng tubo sa kabilang bahagi ng lupain.
Habang tutok ako sa aking pagtatabas ay nakarinig ako ng kaluskos malapit sa akin. Bago pa man ako makalingon ay bigla nalang may yumakap sakin mula sa likuran.
Muntikan na akong mapatili kung hindi ko lang agad nakita ang mukha niya.
“A-Avel.” gulat na sabi ko.
“Hi.” nakangiting bati niya na sumilip pa mula sa likuran ko.
Napangiti man ay kinabahan akong nagpalinga-linga.
“B-baka may makakita.” kinakabahan kong bulong.
Tumingin din siya sa paligid. Nang makarinig kami ng mga yabag ng naglalakad na tao ay agad niya akong hinila papasok sa malagong tubuhan.
“Saan tayo pupunta, Avel?” sabi ko na nagpahila lang sa kanya.
“Magtatago.” natatawang aniya na ikinangiti ko dahil ngayon ko lang siya nakitang ganoon kasaya.
Maya maya ay nakapasok kami sa malilim na parte ng tubuhan dahil sa punong nasa gitna niyon.
Agad nitong inalis ang aking sumbrero at towel na nakatakip sa aking mukha. Ako naman ay tinanggal ang gwantes sa aking kamay.
Mabilis na sinapo ng mga palad ni Avel ang aking mukha at siniil ng halik. Hindi kaagad ako nakakilos dahil sa gulat. Ngunit nang pilit na ibinubuka ni Avel ang aking labi gamit ang labi nito ay napatugon ako sa paghalik sa kanya.
Hindi naglaon ang masuyong halik na iyon at naging mapusok. Maging ang mga kamay ni Avel ay humahaplos at pumipisil sa bawat nahahawakan nito.
Ganoon nalamang ang hiya ko nang pakawalan ng labi niya ang aking labi at naglandas sa aking panga at akma pang bababa sa leeg ko.
Agad kong inilayo siya at nahihiyang tumingin sa dibdib niya.
“Why?” takang tanong niya.
“Nahihiya ako sayo...” sabi kong hindi tumitingin.
“Bakit?”
“Pawisan ako, Avel.”
Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya napanguso ako.
“It’s alright...” iniangat niya ang aking mukha para tingnan siya.
“Pwede bang wag mo muna akong halikan sa parteng iyon?”
“Kelan ba pwede?” nakangising tanong niya.
“M-mamayang hapon?” patanong na sagot ko na ikinangiti nito.
“Sige, magkita tayo mamayang hapon, okay?”
Napangiti akong tumango.
Muli niya akong siniil ng halik at dahan dahan akong inihiga sa damuhan. Ilang minuto din naming pinagsaluhan ang halik na iyon bago nagpasya si Avel na ihatid na ako sa aking pwesto.
Dahil doon ay tila hindi ko ininda ang pagod sa pagtatrabaho. Namalayan ko na lang na hapon na at kailangan ko nang umuwi.
Habang naglalakad pauwi ay nakasalubong ko si Anton. Mukhang ako ang hinihintay niya dahil agad siyang sumabay sa akin sa paglalakad.
“Gayang.”
“Ano yun, Anton?” kaswal na tanong ko.
“Pwede ba kitang ayaing kumain sa bayan mamaya? Kakatanggap ko lang kasi ng sahod ko.”
Natigil ako sa kanya at bahagyang nagulat. Pero agad kong naalala na magkikita kami ni Avel mamaya.
“Pasensya na Anton, may gagawin kasi ako mamaya.” pagsisingungaling niya. “Pwede bang sa ibang araw na lang?”
Agad namang bumalatay sa mukha niya ang pagkadismaya at lungkot na ikinatigilan ko. Matagal ko nang alam na may nararamdaman siya sa akin kaya nako-konsyensya ako.
Napabuntong hininga muna ako. “Sige ganito nalang, bukas na lang tayo pupunta ng bayan, ayos lang ba sa iyo?”
Agad lumiwanag ang mukha niya.
“Totoo ba yan? Wala nang bawian ha? Aasahan ko yan, Gayang. Bukas ha?”
Tumango ako. “Oo nga, pangako.” nakangiti kong sabi saka nagpatuloy sa paglalakad. Muli niya akong sinabayan sa paglalakad papunta sa amin.
“May nakapagsabi sa akin.” nagsalita muli si Anton kaya napalingon ako sa kanya. “Nakita daw kayong magkasama ni sir Avel. Totoo ba yun, Gayang?”
Natigilan ako sa sinabi niya at biglang kinabahan.
“K-kelan daw?”
Tumigil siya at hinarap ako. Tutok ang paningin niya sa akin kaya naman pasimple akong umiwas ng tingin.
“Kahapon.”
Lihim akong napalunok lalo na sa paraan ng pagkakatitig niya na tila inaalam ang reaksyon ko.
“B-baka nagkakamali lang siya ng nakita. I-imposible namang magsama kami ni sir Avel.”
“Iyon nga ang sinasabi ko dun sa taong yun.” aniya. “Hindi ikaw yung babaeng madaling magpapauto sa Avel na iyon.”
Nakagat ko ang ibabang labi ko sa narinig. Bagaman naiinis ako sa sinasabi niya ay totoo naman dahil hindi ko nagawang layuan si Avel.
“A-Anton, wag mo naman ganyanin si Sir Avel. Amo parin natin siya.”
Salubong kilay niyang tumingin sa akin kaya naman nailapat ko ang labi ko.
“Tayo lang naman ang nag-uusap eh. Hindi naman niya iyon malalaman. Pwera na lang kung sasabihin mo.”
Bahagyang nanlaki ang mata ko. “H-hindi, ano ka ba? Hindi kita ipapahamak.”
Biglang tumamis ang ngiti niya. “Kung ganon ay nag-aalala ka rin pala sakin?” halata ang saya sa sinabi niya.
Saglit akong hindi nakapagsalita. Pinag-iisipan ko muna ang sasabihin ko.
“O-Oo naman, k-kasi kaibigan kita...”
Dahan dahang nabawasan ang malawak na ngiti niya saka napabuntong hininga.
Napakamot siya sa kanyang batok. “Akala ko naman...”
Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy muli sa paglalakad. Mabuti na lang at nakarating na kami. Agad akong nagpaalam sa kanya saka nagmadaling pumasok sa aming bahay.
Lubos ang kaba ko habang magkausap kami kanina ni Anton. Baka kasi malaman nito ang tungkol sa amin ni Avel.
Kung gayon ay kailangan na talaga naming mag-ingat ni Avel. Baka may makakita muli sa amin.
NAGPASYA akong maligo at magbihis ng kaaya-aya bago umalis. Gusto kong mabango ako at maayos ang itsura sa muling pagkikita namin ni Avel.
“San ka pupunta, anak?” takang tanong ni Inay.
“Ah, p-pupuntahan ko si Rowena, nay. Saglit lang po ako.” paalam ko at hindi naman ako pinigilan ni Inay.
Nagmamadali akong naglakad patungo sa lugar kung saan kami magkikita ni Avel, doon sa malaking puno kung saan ako nagpapahangin noon.
Nagpalinga-linga pa ako upang siguraduhing walang sumusunod o nakakakita sa akin habang tinutungo iyon.
Di naglaon ay natatanaw ko na ang puno at ang nakatayong si Avel.
“Avel!” nakangiting tawag ko sa kanya na agad din namang lumingon sa kinaruruonan ko.
Tanaw na tanaw ko ang pagsilay ng ngiti niya kaya patakbo ko siyang nilapitan dahil tila sasabog ang puso ko sa kagalakan ngayong nakita ko muli siya.
Pati siya ay naglakad ng mabilis para salubungin ako.
At nang magkatagpo kami ay agad niya akong siniil ng halik. Agad ko rin iyong tinugon habang ang mga kamay ko’y ipinulupot sa kanyang batok.
Dahan dahan niya akong iginiya papaunta sa lilim ng puno habang hindi pinuputol ang aming halik. Bumaba ang mga kamay niya papunta sa aking likod at pang-upo hanggang maramdaman ko ang pag-angat ko. Ipinangko na pala niya ako habang patuloy parin sa pagsakop ng aking mga labi.
Maya maya ay naramdaman kong inihiga niya ako sa damuhan.
Dinaganan niya ako sa paraang hindi ako masasaktan.
Patuloy parin kami sa pagsasalo sa mainit naming halikan. Tila ayos lang sa akin na ako ay kapusin ng hininga, wag lang maputol ang halik na iyon.
Naramdaman ko namang gumalaw ang mga kamay niya. Ang isa ay gumagapang papunta sa aking dibdib at pinisil pisil iyon. Habang ang isa naman ay sa aking hita hanggang pumaitaas iyon papasok sa aking palda at tinungo ang natatakpan kong p********e.
Napaungol ako nang lumandas ang ilang daliri niya sa b****a niyon na kahit natatakpan ng tela ay sobra ang init na dulot sa aking katawan. At mas lalo akong nabaliw nang marahan niya iyong minasahe.
Napa-ungol muli ako sa pagitan ng aming halik.
Saka ko lang din napansin ang aking mga kamay na nasa ilalim na pala ng kanyang damit at dinadama ang matitigas niyang muscles.
Napatingin ako sa kanya nang bumaba ang kamay ko sa tiyan niya hanggang dumako iyon sa kanyang pantalon niyang may nakaumbok na matigas na bagay.
Natigil siya sa paghalik at bumigat ang paghingang napatitig sa aki ng mariin. Kitang kita ko ang paglalagablab sa kanyang mga mata. Marahil ay pareho kami ng iniisip at nararamdaman sa mga oras na iyon.
Habang inaangat ko paitaas ang laylayan ng kanyang damit ay hindi ko pinuputol ang aking paningin sa kanya.
Tinulungan niya kong hubarin ang kanyang damit at agad akong namangha sa muli ko pagkakita sa magagandang ukit sa kanyang katawan. Nakagat ko ang aking ibabang labi nang hawakan ko muli ang kanyang mga abs at muling tinunton ang malaking umbok na iyon sa kanyang pantalon.
Inosente akong napatingin sa kanya nang marinig ko ang paglunok niya. At hindi ko alam kung bakit nagagawa kong ngumiti nang may halong pang-aakit sa kanya.
“You’re not sane...” bulong niya at muling sinunggaban ang aking labi.
Naging madiin at mapusok ang halik na iyon. Pati ang aming mga dila ay walang sawang nagtatagpo at naglalaro habang ang aming mga kamay ay parehong humahaplos sa mga parteng aming pinakakaingatan.
Maya maya lang ay humiwalay na ang labi niya at gumapang iyon mula sa aking panga, sa aking tainga na paulit-ulit muna iyong kinakagat ng marahan dahilan upang mapaungol ako, pababa sa aking leeg at nilalasap ng pareho niyang labi at dila, hanggan sa dumako iyon sa aking balikat at hinahawi ang strap ng aking blusa gamit parin ang kanyang labi.
Hindi nakatiis ang kanyang kamay na alisin ang mga nakaharang kong damit. Itinaas niya iyon at hindi na nag-abala pang hubarin at mabilis na tinanggal aking bra dahilan upang bumalandra sa mga paningin niya ang kahubdan ng aking pang-itaas. Nahuli ko ang pagnanasa sa kanyang mga mata na mas lalong tumindi ang apoy sa mga iyon.
Ilang saglit pa ay naramdaman ko na ang labi niya sa aking dibdib habang kumilos narin ang kanyang isang kamay upang pisilin at paglaruan ang isa ko pang dibdib.
Walang putol ang pag-ungol ko at pilit ko iyong pinipigilan sa pamamagitan ng pagkagat ko sa aking ibabang labi dahilan upang halos masugatan ko iyon lalo na kapag bahagyang kinakagat ni Ave ang tuktok ng aking dibdib.
“Avel...”
Saglit siyang tumingin sa akin. Maya maya lang ay bumaba siya papunta sa tapat ng aking palda. Walang kahirap-hirap niyang itinaas iyon saka pinuntirya naman ang aking panty. Iniangat ko pa ang aking beywang upang tulungan siyang mahubad ang aking saplot.
Nakita ko ang mariin niyang pagkagat ng ibabang labi niya saka dahan-dahang hinaplos ang aking p********e.
Napaungol muli ako. At mas lalo pang lumakas iyon nang marahan niyang ipasok ang gitnang daliri niya roon.
Muli siyang pumantay sa akin at siniil muli ako ng halik habang isa niyang kamay ay abala sa dahan dahang paglabas masok sa aking p********e.
Nanginging ang kamay kong tinalunton ang kanyang pantalon at kinapa ang botones niyon. Nang matagpuan ko ay binuksan ko iyon at sinunod naman ang zipper niyon. Naramdaman iyon ni Avel kaya naman tinulungan niya akong ibaba ang pantalon at ang kanyang boxer.
Ganoon na lang ang paglunok ko nang makita ang p*********i niya. Hindi ko alam na may ganoon pala kalaki. Sunod sunod muli ang lunok ko nang hawakan niya ang kamay ko at ipinahaplos ang kanyang kahabaan. Nahihiya man ay nagawa ko iyong hagudin pataas at pababa dahilan upang mapapikit si Avel.
“You’re driving me crazy...” anas niya na mabigat na ang paghinga.
Saglit siyang bumangon at umupo habang nakasandal sa katawan ng puno. Kinuha naman niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kanya. Agad kong nahulaan ang nais niya kaya naman pumunta ako sa ibabaw niya. Inalalayan niya akong umupo sa kandungan niya habang ang isa niyang kamay ay marahang ipinapasok ang kanyang p*********i sa akin.
Napahawak ako sa kanyang balikat at napapikit ng mariin nang maramdaman ang kalakihan niya. Kalahati palamang iyon ay matindi na ang pagkakakagat ko sa aking labi.
Muli ay sinubukan niyang tuluyan akong makaupo hanggang sa nagtagumpay siyang maarok ang kalaliman ko.
Nagsimula siyang gumawa ng indayog at sinabayan ko iyon dahilan upang pareho kaming mapaungol.
“Avel...” masarap man sa pakiramdam ay parang mapupunit ang parte na iyon ng aking katawan sa kirot na naramdaman ko.
Napansin iyon ni Avel kaya naman hinalikan niya ako upang kahit papano ay mabawasan ang sakit niyon.
Di naglaon ay panay na lamang sarap ng pakiramdam ang naidudulot niyon sa aking katawan.
Unti unting bumilis ang galaw ni Avel at patindi ng patindi din ang pag-ungol ko lalo na nang maramdaman ko na ang dulo.
“Avel...” tanda iyon na anumang oras ay lalabasan na ako. Ilang saglit lang ay nangyari nga iyon.
Patuloy lang sa pag-indayog si Avel hanggang sa lumalim ang hinga niya at napapamura tanda na pati ito ay nakaraos narin.
Nang matapos ang nakakapagod na sandaling iyon ay napayakap ako sa kanya.
“Mahal kita, Avel...” masaya man ay naluluha akong sinabi iyon.
Hinawakan niya ang mga pisngi ko at napangiti.
“Mahal din kita.” tugon niya na lubos kong ikinatuwa, hindi makapaniwalang ang tulad ko ay mamahalin ng tulad niya.
Pagkatapos naming mag-ayos ng aming mga sarili ay nagpahinga parin kami sa lilim ng puno. Nakaupo ako habang siya ay nakahiga sa aking hita. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan siyang nakapikit at nagpapahinga sa piling ko.
Nang malapit ng magdilim ay niyaya ko na siyang umuwi dahil baka hanapin na ako ni inay.
Hindi mapatid ang ngiti namin sa isa’t isa habang naglalakad pabalik.
Ngunit ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko ang nag-aabang na lalaki.
“A-Anton...”