ABWR 8
“SABI KO NA NGA BA...”
Agad kong nabitawan ang kamay ni Avel at lumapit kay Anton. Ramdam ko ang galit sa mga mata niya.
“A-Anton...”
“Tama nga ang hinala ko. Nagsinungaling ka sakin.”
“A-Anton, nakikiusap ako sa’yo. Wag mong sabihin kila inay ito.”
“Para ano? Ipagpapatuloy mo ang pakikipagrelasyon mo diyan?” galit na sabi niya at naramdaman ko ang paglapit ni Avel.
“Ano naman sayo kung may relasyon kami ni Ligaya?” singit ni Avel. “May gusto ka ba sa kanya?”
“Oo, may problema ba dun?” mabilis na sagot ni Anton. Puno ng hinanakit ang mukha niyang tumingin sa akin. “Gayang naman, di ba sinabi ko na sayong paglalaruan ka lang ng lalaking yan?”
Tiim bagang na lumapit dito si Avel pero maagap ko silang pinaggigitnaan.
“A-Avel wag...” nilingon ko si Anton. “Anton, pwede bang tumigil ka na? Si Avel ang gusto ko at wala ka nang magagawa doon.”
Malungkot na ngumiti si Anton. “Sige, tingnan natin kung hanggang saan ka dalhin ng pagmamahal mo diyan sa lalaking yan. Pagsisisihan mo to, Ligaya.” Agad niya kaming tinalikuran at naglakad palayo.
Nag-aalala akong napatingin kay Avel.
“Paano kung sabihin niya kila inay ang tungkol sa atin? O kaya sa mga magulang mo?”
Napabuntong hininga siya. Lumapit siya at niyakap ako. “Wag kang matakot, nandito lang ako.”
Napangiti ako. Bagaman hindi nito naalis ang pangamba kong anumang oras ay baka ipakalat ni Anton ang tungkol sa amin ni Avel.
DAHIL sa nangyari, nagpasya akong wag magpahatid kay Avel pauwi sa amin. Ayukong maulit ang nangyaring may nakasaksi sa aming magkasama.
Nang makauwi ay kabado akong hinarap si inay. Kunot ang noo niyang sinalubong ako.
“Saan ka ba nanggaling? Akala ko ba ay pupuntahan mo si Rowena? Pumarito siya kanina at hinahanap ka.”
Napalunok ako dahil doon.
“M-may pinuntahan lang po, nay. Pasensya na po.”
Napabuntong hininga siya at tumitig sa akin. “Gayang, may tinatago ka ba sa akin?”
“W-wala po inay.” nag-iwas na ako ng paningin dahil nakokonsyensya na ako. “S-sige po, inay, papasok na po ako.”
KINABUKASAN, naroon muli ako sa tubuhan at nagtatabas. Naroon narin si Rowena at panay ang daldal.
Ngunit wala doon ang isip ko. Dahil wala akong naririnig na tungkol sa amin ni Avel. Kahit si inay ay wala pang alam tungkol doon. Ibig sabihin, hindi pa ipinapaalam ni Anton sa kahit na sino ang relasyon namin ni Avel.
“Sir Avel!”
Natigilan ako sa pag-iisip nang marinig si Rowena. Agad akong lumingon sa kinaroroonan ng tinitingnan niya.
Naglalakad na si Avel papunta sa gawi namin.
“Hi, ladies...” bati niya. “Kumusta ang trabaho?”
“Ayos lang, Sir Avel. Kayo po, kumusta?”
“Eto, inspired magtrabaho...” tugon ni Avel na tumingin pa sa akin kaya napaiwas ako ng tingin at pinigilang mangiti.
“Yie!!” agad akong siniko ni Rowena kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
“Uhm, pwede ko bang makausap si Ligaya sandali?”
“Kayong dalawa lang, Sir Avel?” tanong ni Rowena at nakangiti namang tumango si Avel. Agad akong tinulak ni Rowena palapit kay Avel. “O kausapin ka daw ni Sir Avel.”
Napabuntong hininga akong sumabay kay Avel sa paglalakad papalayo.
“Ano yun, Avel?”
“Magkita tayo ulit mamaya.”
“Paano kapag may makakita sa’tin don?”
“Don’t worry, susunduin lang kita doon. May pupuntahan tayo.”
“Saan?” kuryosong tanong ko.
“You’ll see it.” nakangiting aniya saka akong kinindatan. “See you later, babe...” pabulong na sabi niya kaya naman namula ako.
“Hoy, ano yun ha?” pag-iinteroga ni Rowena nang makabalik ako.
“W-wala, may tinatanong lang siya sakin.”
“Bakit, kailangan niyo pang lumayo?” nakasimangot na aniya. “Ikaw ha, may hindi ka sinasabi sa akin.”
Napabuntong hininga akong tumingin sa kanya.
“Ipangako mo sa aking wala kang pagsasabihan nito ha?”
“Tsk, kelan ba ako nagkalat ng mga sekreto mo ha?” aniya. “O sige, sabihin mo na sakin. Promise, wala akong pagsasabihan.”
Huminga muna ako ng malalim.
“M-may relasyon kami ni Avel.” mahina lang ang pagkakasabi ko niyon upang walang makarinig maliban sa kanya.
Agad nanlaki ang mga mata ni Rowena pagkarinig niyon. “Talaga?!”
Agad ko siyang pinandilatan ng mata. “Sush, wag kang maingay!”
Natakpan niya ang kanyang bibig pero hindi parin naalis ang gulat. “Seryoso ka ba? Kayo na ni Avel?”
Napangiti akong tumango.
“Sabi ko na eh. Yung mga tinginan niyo kasi.”
Wala naman akong nagawa kundi ang mapangiti pero nawala iyon nang sumeryoso siya.
“B-bakit?”
“Pero di ba, engaged na siya kay Mam Clarita?”
Natigilan ako roon. Napabuntong hininga ako.
“Masaya ako para sayo, Gayang. Pero mahirap yang napasok mo.” dagdag niya. “Wag sanang umabot sa puntong ikaw lang ang masasaktan sa huli.”
Napalunok ako. “Nagtitiwala ako kay Avel. Ako daw ang mahal niya. Napilitan lang daw siyang pakisamahan si Clarita dahil sa mga magulang niya.”
“Iyon na nga ang ipinag-aalala ko sayo, Gayang. Paano kung malaman ng mga Fuentebella ang relasyon niyo?”
Hindi ako naka-imik. Naramdaman ko nalang ang yakap niya.
“Pero wag mong iisipin na hindi ako masaya para sayo ha?” Aniya. “Andito lang ako para sayo, lagi mong tatandaan iyan.”
Napangiti akong gumanti ng yakap sa kanya. “Salamat, Rowena.”
NANG sumapit ang hapon at natapos ang aming trabaho ay agad akong nagmadaling umuwi sa bahay upang maglinis ng aking katawan. Muli akong nagbihis ng pinakamagandang blusa para sa akin.
Mabuti nalang at hindi ako nakita ni inay nang ako ay umalis. Hindi na ako nagpaalam dahil hindi ko naman alam kung anong ira-rason ko.
Nang makarating ako sa tagpuan namin ni Avel ay nakita ko agad siyang nag-aabang pero nasa kabayong nasa tabi niya ang pansin ko.
“Dala mo ang kabayo mo?”
Tumango siya at sinalubong ako. Padampi niya akong hinalikan at hinawakan sa kamay.
Kinarga niya ako at isinakay sa kabayo. Sunod naman siyang sumakay sa likuran ko. Ramdam ko ang matitigas na muscles niya sa likuran ko. Pati ang init ng katawan niya ay tila sumasanib sa akin.
“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko nang magsimula nang maglakad ang kabayo.
“Makikita mo rin pagdating natin don.” sagot niya saka hinigpitan ang yakap sakin nang patakbuhin na niya ang kabayo.
Ilang minutong nilakbay namin ang paitaas na bahagi ng lupain na pagmamay-ari parin ng mga fuentebella.
Ilang sandali lang ay natatanaw ko ang isang kubo na gawa sa nipa at dahon ng niyog. Nagtaka ako nang tumigil siya sa tapat niyon.
Una siyang bumaba at sunod naman niyang inabot ang kamay ko at inalalayang bumaba.
“Kaninong kubo ito?” tanong ko nang buksan niya ang pinto niyon.
“Sa atin.”
“Ha? Sa atin?” gulat na tanong ko.
“Yeah, pinagawa ko kahapon lang. Mabuti at natapos nila kaagad.” inakay niya ako papasok at nakita ko ang loob niyon. May katre doon na mayroon nang kutyon, mga unan at kumot. Humarap siya sa akin at hinila ako palapit sa kanya. Umupo siya sa kama saka ako ikinandong sa kanyang hita. Niyakap niya ako at tinitigan. “Mula ngayon, dito na tayo palaging magkikita. Wala nang makakaisturbo sa atin dito. Malaya tayong gawin ang gusto natin nang magkasama.” malambing na bulong niya na ikinangiti ko.
Inilingkis ko sa kanyang batok ang aking mga braso. Agad niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at sinalubong ko ang kanyang halik.
“I love you.” bulong niya sa pagitan ng aming halik.
“I love you too.” tugon ko.
Agad niyang pinalalim ang halik at naging mapangahas narin ang kanyang mga kamay sa pagpisil sa aking katawan.
Marahan niya akong ibinaling patagilid upang ihiga sa kama. Sa mga sandaling iyon ay muli niya akong inangkin.
Tuloy ay hindi ko maipaliwanag ang saya nang makauwi kami.
Upang hindi ako pagalitan muli ni inay ay dumaan ako sa gulayan upang may maidala ako pag-uwi.
“Mabuti naman at dumating kana.” bungad sa akin ni inay. “Magbihis ka at tayo ay pupunta mamaya sa mansiyon ng mga Fuentebella.”
“Po? Bakit po inay?” gulat na tanong.
“Ipinatawag tayo ni Donya Consuelo, magkakaroon sila ng bisita kaya mayroon daw silang malaking salo-salo ngayong gabi.”
Naguluhan naman ako bigla. “Eh di ba nay, ayaw na nila akong makita ulit doon?”
Napabuntong hininga si Inay. “Nakiusap daw iyong Mam Clarita na tayo ang magsilbi doon.”
Dahil doon ay natigilan ako. Ano naman kaya ang binabalak ni Clarita?