CHAPTER 9

1128 Words
ABWR 9 HINDI parin mapalagay ang pakiramdam ko sa sandaling naglalakad kami ni Inay patungo sa mansyon ng mga Fuentebella. Alam kong may nais gawin si Clarita laban sa akin kaya naman kinakabahan ako sa maaari niyang gawin. Ilang sandali lang ay nakarating kami. Wala pa ang mga bisita kaya tumulong muna kami sa pagluluto. Kahit nasa loob ako ng kusina ay palaging nakasulyap ang mga mata ko at nagbabakasakaling makita si Avel. Ngunit hindi ko siya nakita sa mga nagdaang oras. Ilang oras ang lumipas, natapos kami sa pagluluto. Tinulungan ko naman si Inay sa paghahanda ng malaking hapagkainan. Maya maya lamang ay umingay ang sala ng mansyon, tanda na naroon na ang mga bisita na sinalubong ng donya at don. Naroon lamang ako sa kusina ngunit dinig ko ang papalapit na pagpanhik ng mga tao sa hapagkainan. Ang mga kasambahay na ang naghatid ng mga putahe at iba’t ibang panghimagas. Ilang sandali pa. Narinig ko na silang kumakain habang abala sa pag-uusap. Hindi ko maatim na hindi silipin ang kanilang kinaroroonan para lamang masulyapan si Avel. Ginawa ko iyon ay nakita ko si Avel ngunit nakatalikod siya habang nakaharap kay Clarita na siyang may posibilidad na makita ako. At nangyari nga iyon. Sa sandaling magtama ang mga mata namin ni Clarita ay mabilis kong ikinubli ang sarili patago. Napabuntong hininga ako. Hindi ko na dapat sinubukang silipin sila. Nagpasya akong tulungan si inay na maghugas ng pinggan. Ngunit ilang minuto lang ay lumapit sa amin ang isang katulong. “Ligaya, ikaw raw ang maglagay ng inumin sa mga baso ng mga kumakain.” “Hindi, ako na lang.” sabi ni Inay na akmang pupunasan ang mga kamay. “Ang bilin ay dapat si Ligaya ang gumawa.” pagtanggi naman ng katulong. “S-sige, ako na ho inay.” sabi ko at pinunasan ang mga kamay. Nang lumabas ako ay dala ko na ang babasaging pitsel na may juice. Naglakad ako papalapit sa kanila. Nakita agad ako ni Clarita kaya tumaas ang kilay niya at tumingin kay Avel na hindi pansin ang presensya ko. “Hon, anong buwan gusto mong ikasal tayo?” Natigilan ako. Napatingin ako kay Clarita. Na kay Avel man ang tingin niya ay nakikita kong sinasadya niya iyong iparinig sa akin. Tuloy ay unti unting naninikip ang dibdib ko. “Why are you so excited?” may halong inis na tugon ni Avel. Tumikhim ng malakas si Don Roman habang masama ang tingin kay Avel. Huminga ako ng malalim bago tuluyang lumapit sa kanila. Sinimulan kong lagyan ng juice ang bawat baso nila. “L-Ligaya...” narinig kong mahinang bulalas ni Avel. Hindi ko siya nilingon at pinagpatuloy lang ang ginagawa. Nang dumako na ako sa Don ay bigla itong nagsalita. “Kilala mo ang babaeng ito, Avelino?” natigilan muli ako. Bahagya pang nanginig ang kamay ko habang nagsasalin ng juice sa kanyang baso dahil sa takot. Hindi lang ang itsura at tindig ni Don Roman ang nakakatakot, maging ang kanyang malaking boses na pumapailanlang sa bawat kanto ng mansiyon na iyon ay nagbibigay sa akin ng matinding kaba. Napatingin ako kay Avel. Nagtama ang mga paningin namin. Mabilis akong umiwas at tinapos ang pagsasalin sa baso ng Don. “W-we’re childhood friends, Dad.” dinig kong tugon ni Avel. Hindi na ako nag-abalang lingonin siya at sinunod ko na ang Donya. Istrikto ang tingin niya sa akin kaya napatungo ako. “You should plan your wedding as soon as possible, son.” “Dad.” may tinig pagtangging sabi ni Avel sa ama. “I don’t love her.” nagulat ako sa sinabing iyon ni Avel ngunit mas nagulat ako sa pagtayo ni Don Roman. “Avelino!” dumagundong ang sigaw nito ngunit hindi natinag si Avel. “Alam mong nandito ang mga Gonzales! Hindi ka ba nahihiya?” “We all know that I’m not part of this!” galit na sabi ni Avel. Dahil doon ay binilisan ko na ang paglalagay ng juice sa panauhin. Huli kong binalingan si Clarita. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang masamang titig niya sa akin. “Get out of my sight now!” pabulong niya iyong sinabi sa akin. Napabuntong hininga akong tinalikuran na sila. “Pakakasalan mo si Clarita sa ayaw at gusto mo.” muli akong natigilan sa sinabi ng Don. “At gagawin niyo iyon sa susunod na buwan.” “Dad!” “Desisyon ko ito at wala ka nang magagawa.” Parang sinaksak ang puso ko sa kaalamang iyon. Isipin ko pa lang na ikakasal sa iba si Avel ay hindi ko na kaya. Mabilis akong naglakad pabalik ng kusina. “N-nay...” agad akong lumapit sa kanya nang nangingilid ang luha. Anumang oras ay bubuhos na ang mga iyon. “Pwede po ba akong mauna na sa inyo sa pag-uwi?” Saglit siyang napatitig sa akin na may pag-aalala. “Sige, anak...” Agad akong nagtungo sa labasan sa likod ng mansiyon at dali daling nilisan ang lugar na iyon. Saka pa lamang tuluyang bumuhos ang luha ko. Tila nanghina ang tuhod ko kaya nahinto ako sa paglalakad at napatukod ang mga kamay doon. Alam kong wala akong laban kumpara kay Clarita kaya naman alam kong wala na kaming pag-asa ni Avel. Tuloy ay naisip ko ang sinabi ni Rowena. Na ako lang rin ang masasaktan sa huli. “Ligaya!” Napalingon ako. Si Avel na naglalakad na palapit sa akin. Mabilis akong naglakad palayo sa kanya. Nakita kong patakbo niya akong hinabol kaya naman binilisan ko pa ang paglalakad. “Ligaya!” Hindi ko siya nilingon at nagpatuloy lang habang umiiyak. “Ligaya, sandali lang.” Naabutan niya ako at pinigilan sa braso. “B-bitiwan mo k, Avel.” sabi ko at binawi ang kamay. Pero muli niya akong hinawakan sa kamay. “Mag-usap tayo, Ligaya, please.” Tumingin ako sa kanya. Nagsusumamo ang mga mata niya. Napabuntong hininga ako. “Wala na tayong kailangang pag-usapan, Avel. Tapusin na natin tong kalokohang to.” “No...” mariing tanggi niya. “You know thatI love you, right?” tanong niya na hinawakan pa ang pisngi ko. Mapait akong ngumiti. “Alam ko. At mahal din kita, Avel.” madamdamin kong sambit pagkaraa’y napayuko. “Pero ikakasal ka na kay Clarita.” “Wala ka bang tiwala sakin?” aniya nangilid ang luha sa mga mata kaya muli rin akong napaluha. “Hindi ko pakakasalan si Clarita. Dahil ikaw ang gusto kong pakasalan.” Gulat akong napatingin sa kanya. “P-pakakasalan mo ko?” Napangiti siya at tumango. “Bigyan mo lang ako ng panahon para ayusin ito. Hahanap ako ng paraan para hindi matuloy ang kasal namin ni Clarita. Basta magtiwala ka lang sakin ha?” Napatango ako at ngumiti. “Sige. Maghihintay ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD