CHAPTER 10

1860 Words
WARNING: SPG, RAPE, VIOLENCE NAGPATULOY parin ang pagkikita namin ni Avel ng palihim. Parati niya rin akong dinadalaw sa plantasyon at kunwari ay kakailanganin ako pero ang totoo ay pagpapahingahin lang ako sa malilim na lugar. Wala si Rowena kaya umuwi akong mag-isa nang sumapit ang hapon. Naglalakad ako pauwi nang may humarang sa aking dinaraanan. "A-Anton..." "Ligaya, pwede ba kitang makausap?" aniyang hindi ko mapangalan ang ekspresyon sa mukha. Napabuntong hininga muna ako bago sumagot. Naisip kong baka gusto niyang pagusapan ang nakita niya noon sa amin ni Avel. "Ano yun, Anton?" "Hindi ba't nangako ka sakin na kakain tayo sa bayan? Nais ko sanang ngayong hapon na natin gawin iyon." nakangiti siyang halata sa mukha ang pag-asang pumayag ako. Napabuntong hininga ako. "Pasensya na Anton, pero binabawi ko na ang pangako ko sayo noon. Ayukong malaman ni Avel na sumama ako sayo at kumain tayong dalawa sa bayan." "Ano bang masama roon?" salubong na kilay na sabi niya. "Magkaibigan naman tayo noon pa man, bago pa siya dumating sa buhay mo." "Ngunit hindi ganon ang tingin niya sayo. Alam niyang nililigawan mo ako noon." Sumama ang mukha niya pagkarinig niyon. "Alam naman pala niyang nililigawan kita pero inagaw ka parin niya sakin!" galit na usal niya kaya naman nagulat ako. Napaatras ako ng bahagya. Napansin niya iyon kaya huminahon siya. "P-pasensya kana, Gayang. Hindi ko sinasadyang sigawan ka." Napailing nalang ako at muling napabuntong hininga. "Saka na lang tayo ulit mag-usap, Anton." sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad. Pero mabilis niya akong hinabol at hinawakan sa braso. "Nakikiusap ako, layuan mo na si Avelino. Hindi siya nakakabuti sayo." Kumunot ang noo ko at nilingon siya. "Sinabi ko na sayo noon pa, Anton. Nagmamahalan kami ni Avel. Wala ka nang magagawa dun." "S-si Don Roman, mapapahamak ka kapag nalaman ng don ang relasyon niyo ni Avelino." "Bakit, sasabihin mo ba ang alam mo sa kanya?" bahagya siyang natigilan at nag-iwas ng tingin. "Gagamitin mo ba ang nalaman mo para bantaan ako, Anton?" "Hindi ko gagawin iyon, Gayang." aniya. "Pero kung iyon ang paraan para malayo ka sa kanya, gagawin ko." Nagsalubong ang mga kilay ko. "Tama nga ako, gagamitin mo yan laban sakin para mapunta ako sayo. Pero ngayon palang ay sasabihin ko na ito sayo, Anton. Wala kang mapapala sakin." Muli ko siyang nilampasan pero marahas niya akong hinawakan sa braso. "Ano bang nagustuhan mo sa lalaking iyon ha? Dahil ba mayaman siya? Dahil ba sa pera?" galit na turan niya. Tuloy ay kinabahan ako lalo pa't humigpit ang hawak niya sa akin. "Bitiwan mo ko, Anton!" pinilit kong kumawala sa kanya pero mas malakas siya sa akin. "Sawa ka na ba sa hirap kaya nilalandi mo ang mayamang yon?" paratang niya sa akin kaya naman sumama ang mukha ko. Gamit ang isa kong kamay ay sinampal ko siya ng malakas. "Ang kapal ng mukha mo, Anton!" Pero mas lalo lang siyang nag-aapoy sa galit. "Hindi ako papayag na mapunta ka lang sa kanya! Matapos mo kong paasahing magugustuhan mo rin ako!" Marahas niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi at hinalikan kaya nanlaki ang mata ko at buong pwersa siyang tinulak. "Hayop ka, Anton!" galit na sigaw ko pero mukhang hindi siya natinag at nakangisi lang na muling lumapit sa akin. Muli niya akong niyakap at akmang hahalikan ulit pero nagmatigas ako. "Ano ba, Anton! Bitawan mo ko!" "Sakin ka lang, Ligaya! Sakin ka lang!" Tuluyan akong napaiyak habang pinagsasampal siya upang tigilan niya ako. "Bitawan mo ko sabi!" Parang wala siyang narinig at patuloy akong hinawakan ng mahigpit. "Bitiwan mo siya!!" Pareho kaming natigilan ni Anton sa sigaw na iyon. Hindi namin namalayang dumating ang sasakyan ni Avel. Mabilis ang pangyayari dahil hinablot ni Avel ang damit ni Anton at inilayo sa akin. Agad niya itong sinuntok na nakapagpahandusay nito sa lupa. "Hayop ka!" galit na sigaw ni Avel. "Anong karapatan mong pagsamantalahan ang babaeng mahal ko ha!" Ngumisi lang si Anton. "Wala akong pakialam sayo! Mahal mo siya?" biglang tumawa si Anton. "Kung mahal mo siya, bakit itinatago mo siya sa pamilya mo?" "Wala kang pakialam gago!" sigaw ni Avel. "Ang sabihin mo, ikinakahiya mo si Ligaya! Pinaglalaruan mo lang siya!" "Anong sabi mo?" galit na sinugod muli ni Avel si Anton at ilang beses itong pinagsusuntok. Agad akong umawat nang makita kong hindi na makilala si Anton sa mga tinamo nitong suntok. "A-Avel, tama na! Baka mapatay mo siya." "Papatayin ko talaga ang gagong iyan!" "Tama na, Avel." Bumaling ako kay Anton. "Anton, nakikiusap ako. Umalis ka na." Tumayo lang si Anton pero masama parin ang tingin kay Avel. Ganon din naman si Avel na labis ang sama ng tingin sa kanya. "Ito ang tatandaan mo, sisiguraduhin kong mawawala ka sa hacienda!" Ngumisi lang si Anton. "Edi gawin mo. Hindi ako natatakot sayo!" saka seryoso akong nilingon. "Pagsisisihan mo ang lahat ng to, Ligaya. Pagsisisihan mo to!" galit na sabi niya saka kami tinalikuran. Para akong nanghina matapos niyon. Halos hindi na ako makausap ni Avel sa sandaling iyon. Inihatid niya ako sa tapat ng aming bahay matapos akong aluhin. TATLONG araw ang lumipas. Nabalitaan ko kay Rowena na wala na sa hacienda si Anton at ang pamilya niya. Kaya nakaramdam ako ng guilt dahil nadamay ang pamilya ni Anton. Samantala, naglalakad muli ako patungo sa aming tagpuan ni Avel. Bago pa man ako tuluyang makalapit sa kubo ay luminga linga muna ako para siguraduhin na walang nakakakita sa akin doon. Nakangiti akong binuksan ang pinto ng kubo. "Avel, mahal andito ka na ba?" sabi ko pagkapasok. "Ave---" natigilan ako nang hindi si Avel ang naabutan ko doon. "A-Anton, anong ginagawa mo dito?" agad na tanong ko. Pero agad din akong nakaramdam ng takot nang makita kong blanko ang mukha niya. Maya maya ay lumapit siya sa akin kaya naman napaatras ako. "T-tinatanong kita, Anton. Anong ginagawa mo dito?" Ngumisi lang siya. "Bibigyan lang naman kita ng karanasang hinding hindi mo makakalimutan." Napalunok ako pagkarinig niyon. Napalingon ako sa pintuan. Muli akong lumingon sa kanya. Tumakbo ako at akmang lalabas nang maabutan niya ako at marahas na hinila muli papasok sa kubo. "Ano ba, Anton!" bumilis ang t***k ng puso ko nang sinarado niya ang pinto at nilock iyon. Naging sunod sunod ang paglunok ko nang magsimula siyang lumapit sakin. "W-wag kang lalapit." banta ko ngunit nanginginig ang boses ko kaya naging walang kwenta iyon. Mas nanghilakbot pa ako sa takot nang simulan na niyang maghubad ng kanyang pang-itaas na damit. Umatras ako nang umatras para umiwas sa kanya pero masikip ang kubong iyon kaya naman napatili ako nang mahawakan niya ako. Nagpumiglas ako ngunit hindi sapat ang lakas ko laban sa kanya. "Anton, bitawan mo ko!" "Wag ka nang pumalag!" aniya saka tinulak ako pahiga sa katreng naroon. Nagsimula akong umiyak sa takot lalo na nang lumapit siya pumaibabaw sa akin. "N-nakikiusap ako, Anton. Wag mong gawin to! Maawa ka sakin." Tila wala siyang narinig at bigla nalang pinunit ang aking blusa kaya napasigaw ako at napahagulgol ng iyak. Tanging bra na lamang ang natira sa aking pang-itaas. "Walang hiya ka, Anton!!!" Nagsimula siyang halikan ako sa aking leeg at itaas na parte ng aking dibdib. Pinilit ko muli siyang itulak ng ilang beses at nang magkaroon ng pagkakataon ay tinuhod ko ang p*********i niya. Namilipit ito sa sakit at napakawalan ako kaya naman mabilis akong bumangon at tumakbo. Nabuksan ko ang pinto at akma nang lalabas nang may sumambunot sa aking buhok at hinila ako pabalik. "San ka pupunta?" "Tulong!!!" sumigaw ako sa abot ng aking makakaya at hiniling na sana ay may makarinig sa akin. "Tulongan niyo ko!!" Muli akong hinila ni Anton pabalik sa katre at pilit akong inihihiga ngunit nagmatigas ako at pinagsasampal siya. "Hayop ka, Anton! Wala kang kasing sama!" galit na galit akong pinagpapalo siya pero hindi niya ako nagawang bitawan. "Napakasama mo---PAK!!" Natumba ako pahiga sa katre nang makatanggap ako ng malakas na sapak mula sa kanya. Sa sobrang lakas niyon ay nandilim ang paligid ko at nanghina. Nagpatuloy si Anton sa panghahalay sa akin at sa mga sandaling iyon ay wala akong lakas na pigilan siya. Ilang saglit pa ay nahubaran na niya akong lahat lahat at ganoon din siya. Napahagulgol na lang ako nang muli akong magkamalay. Wala na akong nagawa nang tuluyan niya akong gahasain. Nang matapos iyon ay umalis na siya sa aking ibabaw at pinulot ang kanyang mga damit. Habang ako ay umiiyak na tinakpan ang kahubdan gamit ang kumot na naroon. "Hinding hindi kita mapapatawad, Anton. Hinding hindi!" pahagulgol kong turan. Napabuntong hininga lang siya at sinimulang isuot ang mga damit. "Ligaya." natigilan ako at napatingin sa pinto. Huli na nang ako ay bumangon dahil tuluyang bumukas ang pinto. "Mahal---" nagulat si Avel pagkakita sa aming dalawa ni Anton at mas lalo sa itsura ko at kay Anton na kakasara palang ng zipper ng kanyang pantalon. "Mga walanghiya!!!" galit na sigaw ni Avel at sinugod si Anton. Nagpambuno ang dalawa habang ako ay natarantang hinagilap ang aking mga damit. "Hayop ka, papatayin kita!" sigaw muli ni Avel habang binibigyan ng suntok si Anton. Hindi rin nagpatalo si Anton at gumanti dito. Nang magkaroon ng pagkakataon ay tumakbo si Anton palabas ng kubo at tumakas doon. Hinabol siya ni Avel sa labas kaya naman nagmadali akong isuot ang aking mga saplot ngunit punit na ang aking blusa kaya kita parin ang aking kahubdan. "Avel!" sigaw ko at akmang lalabas nang biglang pumasok si Avel na nag-aalab ang mga mata sa galit. Marahas niya akong hinawakan sa aking balikat. "Anong ibig sabihin nito?!" "A-Avel, magpapaliwanag ako." sagot ko at hinawakan ang pisngi niya pero iwinaksi niya iyon. "Ano iyong naabutan ko kanina! Sumagot ka Ligaya!" Napahagulgol ako dahil sa higpit ng pagkakahawak niya. "Mali ang iniisip mo, Avel." "Anong mali?" sigaw niya. "Naabutan ko kayong dalawa, parehong hubad! May nangyari ba sa inyo?" Nakagat ko ang labi ko sa kawalan ng maisagot. "A-Avel..." "Sagutin mo ko!!!" galit na sigaw pa niya kaya naman mas lalo akong napaiyak. "Oo! Dahil pinagsamantalahan niya ako!" "Pinagsamantalahan ka niya? Pero mukhang nag-enjoy ka naman!" "Maniwala ka sakin, Avel. Talagang hinalay ako ni Anton. Hindi ko magagawang pagtaksilan ka!" Umiling siya ng umiling at binitawan ako. Lumapit siya sakin pero pinigilan niya ako at umatras palayo. "Wag kang lumapit! Nakakadiri ka, Ligaya!" "Bakit ayaw mong maniwala, Avel? Nagsasabi ako ng totoo!" Muli siyang umiling. "Ngayon alam ko na. Ginamit mo lang ako para sa ambisyon mo, Ligaya!" "Alam mong hindi totoo yan! Mahal kita, Avel!" "Liar!" muling sigaw niya. "Ang sabihin mo ginamit mo lang ako dahil isa akong Fuentebella! Nagawa mo pang makipagsex dito sa lupang pagmamay-ari ko!" Napaluhod ako at yumakap sa binti niya. "Avel, maniwala ka naman sakin oh. Ikaw ang mahal ko at hindi kita ginamit para sa ambisyon ko!" "Bitiwan mo ko!" marahas niya akong inialis sa pagkakayakap sa kanya at dinuro ako. "Ito ang huling beses na makikita ko ang pagmumukha mo, Ligaya. I'm done with you! I don't want to see you anymore!" pagkasabi niyon ay mabilis niya akong tinalikuran at iniwan doon. Wala akong nagawa kundi ang mapahagulgol habang niyayakap ang sariling punit punit ang suot. TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD