IKALIMANG KABANATA

1477 Words
  “SO, WHICH IS THE SWEETEST?” tanong niya nang pakawalan niya ang mga labi ko. Bigla akong nahiya kaya hindi ko siya magawang tingalain. “This wine or my kiss?” pangungulit niya. Nakagat ko nalang ang labi ko at ‘di napigilang mapangiti. Hindi ko akalaing hahalikan niya ako. Napatanong tuloy ako sa isip ko. Ano ba talagang tingin sa’kin ni Avel? May pag-asa kayang magustuhan niya ako? Kung nagugustuhan na ba niya ako? Sa sandaling ibubuka ko na ang bibig ko para sagutin ang tanong niya ay biglang narinig ko ang boses ni Inay. “Gayang?” tawag niya habang papalapit ang lakad sa amin. Kaagad akong humiwalay kay Avel at naglakad papunta kay Inay para hindi niya makita si Avel. “Gayang, andyan ka ba?” “Opo, Inay. Bakit po?” sagot ko at tuluyang nakalapit sa kanya. “May kausap ka ba riyan?” tanong niyang ikinalunok ko. “W-wala po. Bakit po?” “Wala, akala ko ay may kausap kang lalaki.” Natigilan ako at pinigilang lumingon sa likuran ko. Sana lang ay hindi maaninag ni Inay ang bulto ni Avel. “A-ako lang po mag-isa rito Inay.” “Ganon ba? Sige tayo na sa loob, tulungan mo akong mamahagi ng inumin sa mga bisita.” “Sige po, Inay.” Sumama na ako sa kanya pabalik sa kusina. Saglit akong lumingon sa kinaroroonan ni Avel pero hindi ko siya makita mula sa kinaroroonan ko kaya napabuntong hininga na lang ako at tuluyan nang pumasok. “O, sa’yo iyan at ito naman ang sa akin.” itinuro ni Inay ang isang tray na may mga basong may lamang juice. Tumango ako at kinuha ang tray. Naglakad na ako papalabas ng kusina at nagtungo mula sa sala hanggang sa veranda kung saan may mga taong nagku-kwentuhan at nagsasayawan. “Mam, sir, juice po?” alok ko sa mga nakakasalubong ko. May mga kumuha, may hindi, may mga kumuha pero may kasamang pagsusungit o di kaya ay tinatawanan ako dahil sa suot ko. Napabuntong hininga na lang ako at ipinagsawalang bahala nalang iyon. Pilit ngiti kong inaalok ang mga bisita. “Juice po, mam?” tanong ko sa dalawang babaeng nag-uusap. “Yes, please.” nakangiti niyang sabi saka kinuha ang isang juice. Kumuha rin ang kasama nito. “Thank you.” aniya at biglang napatingin sa likurang ko at napabulong sa kasama niya. “Look, Clarita Gonzalez is also here?” mahihimigan ang pagkagulat ng babae. “Ano ka ba, didn’t you know she’s Avelino’s girlfriend?” “Really?” pabulong na bulalas ng babae. Ako naman ay natigilan, napakunot ang noo at napaawang ang labi. Hindi ko alam kung bakit biglang kumirot ang dibdib ko sa narinig kong iyon. “Avel.” narinig kong tawag nung Clarita sa likuran ko. “Babe?” mas lalo pang kumirot ang puso ko dahil doon. Sa sandaling iyon ay gusto ko nang umalis sa lugar na iyon. Kaya agad akong pumihit nang... DAG!!! “Hi, did you see---OH MY GOSH!..” Nanlaki ang mga mata ko nang makabungguan ko ang babae at aksidenteng tumilapon sa dibdib niya ang mga juice na dala ko. Nabasa ang damit pang-itaas niya kaya kinabahan ako nang makita ang galit na mukha niya. “What the hell did you do?!” galit na sigaw niya. “Look at my dress!!! You ruin my dress!” Nataranta akong lumapit sa kanya at pinunasan ang basang damit niya gamit ang aking towel. “S-sorry po mam...” “Get your dirty hands off of me!” Pero bigla niyang winaksi ang kamay ko at tinulak ako na ikinahandusay ko sa sahig habang ang dala kong tray ay tumilapon sa sahig at nangabasag ang baso. Agad na nagulat ang mga tao sa paligid at naki-usyoso sa nangyayari. Napangiwi ako sa sakit ng pwetan ko dahil sa pagkakabagsak ko sa sahig. Nakaramdam ako ng hiya dahil nakapalibot na ang mga tao roon. “Anong nangyayari dito?!” dumating si Donya Consuelo, ina ni Avel, at agad na nagulat pagkakita sa mga nabasag na baso. “Anong ginawa mo!” galit na turan nito na ikinatakot ko. “Look, tita Consuelo, your maid, she ruined my dress!” sumbong ni Clarita dito. “Oh no hija, she not our maid, kinuha lang namin siya pansamantala. But I’m so sorry for what happened. I assure you, it will not happen again...” agad namang lumingon sa’kin si Donya Consuelo at galit akong tiningnan. “Ikaw! Linisin mo ang kalat na iyan at lumayas ka na!” sigaw niya na ikinataranta ko. Mabilis akong kumilos sa pagpulot ng mga bubog. Inilagay ko ang mga yun sa tray. “Ah...” hiyaw ko nang masugatan ang daliri ko. “Ako na riyan anak...” biglang dumating si Inay dala ang walis at dust pan. Siya na ang naglinis niyon kaya nakayuko akong tumayo at naglakad. “What happened here.” Natigilan ako sa paglalakad nang makasalubong ko si Avel. “Ligaya?” Nagtataka ang tingin niya pagkakita sa itsura ko. “You know that woman?” gulat na tanong ni Clarita. “Yes, why?” “Tinaponan niya lang naman ako ng juice sa damit ko!” “As if sinadya niya yun.” “Kasi tatanga-tanga siya!” galit na sigaw ni Clarita na alam kong sa akin nakatingin. Nakagat ko na lang ang labi ko at napayuko. “Enough, Clarita!” saway ni Avel. “Avelino!” galit na singit ng donya. “Bakit kinakampihan mo ang babaeng yan? Look what she did to Clarita.” Sa halip na sagutin ang ina ay lumapit sa’kin si Avel. “Are you alright?” Sandali ko siyang tiningnan. Nanumbalik sa’kin ang kaalamang may girlfriend na siya. Na hindi totoo ang lahat ng iniisip kong magugustuhan niya ako dahil alam kong pinaglalaruan niya lang ako. Umiwas ako ng tingin, naglakad at nilampasan siya. “Ligaya!” tawag niya pero mas binilisan ko ang lakad ko. “Wag mo siyang susundan, Avelino!” Narinig kong sigaw ng donya. “Nakakahiya itong ginagawa mo!” Napapikit ako nang mariin nang ilagay ko sa lababo ang tray. Nakita kong umaagos ang dugo sa daliri ko kaya hinugasan ko iyon sa gripo. Bigla nalang tumulo ang luha ko kasabay ng pag-agos ng tubig sa sugat ko. Mas masakit pa yata ang nararamdaman ko sa dibdib ko kaysa sa sugat ko. Nagpasya akong lumabas na ng kusina at nilisan ang Mansyon. Umuwi akong humahagulgol sa ‘di maipaliwanag na dahilan. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganon. Siguro ay mahal ko na si Avel.   Kinabukasan, pinilit kong magtrabaho kahit na mabigat parin ang aking kalooban. Hindi ko naman hinayaan na magkita kaming muli ni Avel. Kapag alam kong paparating na siya ay bigla akong nagtatago sa tubuhan hanggang siya ay makaalis. Ngunit ‘di ko naman inaasahan ang pagdating ng isa pang dapat kong iwasan. “A-anong ginagawa niya dito?” naitanong ko na lang. “Bakit, sino ba ‘yang babaeng ‘yan?” tanong ni Rowena na nakatingin sa babaeng naglalakad na palapit sa amin. Napabuntong hininga ako. “Girifriend ni Avel...” “Ano?” pabulong na bulalas ni Rowena saka muling tiningnan ang babae. Naka-blusa ito ng puti na walang manggas at itim na pants. Hindi balanse ang paglakad niya dahil sa suot niyang hills. May kasama siyang sa palagay ko ay kasambahay na pinapayungan siya. Nang makalapit ay hinubad niya ang suot niyang sunglass at sinuyod ang kabuuan namin ni Rowena. “Sino sa inyo si Ligaya?” nakataas-kilay na tanong niya. Humakbang ako ng isa. “A-ako po. Ano pong maitutulong ko?”   Muli niya akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa saka ngumisi. “Halos hindi kita makilala dahil sa suot mong iyan. Hindi ka ba naiinitan diyan sa suot mo?” nakangiwi niyang sabi. Halata sa itsura niya ang pang-iinsulto sa suot ko. Nailapat ko nalang ang aking mga labi saka bahagyang umiling. “A-anong kailangan niyo, mam Clarita?” Tumaas ang isang kilay niya. “So kilala mo na pala ako. At siguro naman alam mong girlfriend ako ni Avel.” Mabigat ang aking pagbuntong hininga at nagbaba ng tingin. “O-opo...” “Alam mo bang malapit narin kaming ikasal?” Natigilan ako at napatingin sa kanya. Tumaas ang gilid ng labi niya. “Narito ako para balaan ka. Kung ano mang pagpapantasya ang binubuo mo diyan sa utak mo, huwag mo nang ituloy, Ligaya.” matalim ang mata niyang lumapit sa’kin na ikinalunok ko. “Dahil hinding hindi magkakagusto sa tulad mo si Avel. Sana minsan manalamin ka naman, para makita mong hindi maaring pagsamahin ang isang maruming basahan sa mamahalin at bagong damit.” Ilang segundo akong natulala. Wala na si Clarita doon pero ang mga salita niya ay paulit ulit kung naririnig na parang sirang plaka.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD