Mahigit limang oras nang wala ang Miss at wala nang trabaho si Marina kaya napagpasyahan muna niyang magpahinga, at sakto namang dumalaw ang kanyang ama at kinamusta siya. Inilapag niya sa mesa ang tray ng tsaa na ginawa niya saka sinalinan ang tasa ng ama. Kasalukuyan sila ngayong nasa kusina. “Hindi ko na talaga maintindihan ang Baron. Simula nang maibalitang na e-engage na ang anak niya'y puro paglalasing na ang inaatupag niya.” paglalabas ng sama ng loob sa kanya ng ama. Umupo siya sa kaharap nitong upuan. “Nahirapan ho ba kayo?” nag-aalala niyang tanong sa ama at napabuntong-hininga naman ito. “Sa totoo lang, oo. Nais ko na sanang umalis sa pagiging sekretarya niya ngunit nakokonsensya naman ako dahil sa laki ng naitulong niya sa atin.” napahilot ito sa sentido. “Ngunit minsan ay

