Simula nang pag-alis nila Querencia mula sa palasyo ay hindi na maganda ang pakiramdam niya. Gusto niyang magsalita tungkol sa biglaang pagtanggap ng Archduke tungkol sa tungkulin na ipinataw ng Emperor rito ngunit hindi niya magawa dahil sa sama ng pakiramdam niya. ”You look pale, kitten. Are you okay?” biglang tanong ng Archduke sa kanya saka hinawakan ang kanyang mukha at inihinarap rito. Napayuko siya. “I... I am not... My lord.” nanghihina niyang sabi. Sana palay hindi nalang siya nakipagplastikan kanina. Sobrang sama tuloy ng pakiramdam niya dahil sa nainom niyang tsaa. Ang hinala niya'y kakaiba ang tsaang inihanda ng Empress sa tea party nito. Bumuntong hininga ang Archduke. May kinuha itong kung ano sa loob ng bulsa nito. “Open your mouth.” utos nito kapagkuwan na saglit niyang

