PROLOGUE

1377 Words
Maraming bagay sa mundo ang palaging nakukuha ng mga tao, pero sa kanya ay iba, wala siyang nakuha ni isa. Nagsumikap siya upang mabuhay sa mundo na kinalakihan niya. Kayod dito, kayod doon. Pero kahit anong gawin, hinaharangan parin siya ng tadhana. “Aba. Anong sinasabi mong wala kang pera?” nakangising sabi ng step-mother ni Reverie. Kakauwi palang niya at ngayon ay nadatnan niya itong hinahalukay ang cabinet niya at hawak na ang pitaka niya. Nandon ang lahat ng ipon niya. “Akin na po yan, Tita. Magbabayad pa po ako ng tuition fee.” kalmado niyang sabi saka inabot ang hawak nitong pitaka ngunit iniwas nito ito. Pinanlakihan siya ng mata ng stepmom niya. “Anong pang tuition? Ang kapatid mo ang mag-aaral, Reverie.” istriktang saad nito at saka isinilid sa bulsa nito ang pitaka. Naglakad ito palapit sa kanya at saka siya binangga. “Nakaharang ka sa pinto.” inirapan siya nito bago ito lumabas. Kumuyom ang kamao niya dahil sa galit. Puro nalang pagtitimpi ang ginawa niya tuwing may ginagawa itong hindi kaaya-aya. Pero ngayon, nauubos na ang pasensya niya. Hinabol niya ang Tita niya na naroon na sa sala nagbibilang ng pera. Ang kapal talaga ng mukha nito! “Tita! Ibalik n'yo na yan sakin! Anak n'yo yan tapos pera ko yung ginagamit n'yo?! Matoto naman sana kayong mahiya!” hinablot niya ang kanyang pitaka ngunit hindi nito ito binitawan kaya nakipag-agawan siya dito. Bigla nalang umusok ang ilong ng Tita niya. “Ikaw ang walang hiya! Patira-tira ka rito tapos wala kang ambag?!” “Anong walang ambag?! Pati nga kuryente, tubig at pangbigas ako ang nagbabayad! Tapos ikaw?! Puro pa donya at hilata lang sa kama!” pabalik na bulyaw niya saka mas malakas na hinatak ang pitaka upang tuloyan na niya itong makuha. Pinandilatan siya nito. “Ikaw!” akmang sasampalin siya nito ngunit napigilan niya ang kamay. Malakas niya itong tinulak dahilan upang mapa-upo ito pabalik sa upuan. Matapang niyang tinignan ang Tita niya na gulat na gulat sa kanyang ginawa. At sa ilang saglit ay bigla nalang may tumama na magaspang na palad sa kanyang pisngi. Dahil sa lakas ay natumba siya sa sahig. Napahawak siya sa kanyang pisngi na namamanhid. Ang lakas ng pagkakasampal sa kanya na para bang may malaking atraso siyang ginawa rito. Tinignan niya ang sumampal sa kanya at nakita niya ang kanyang ama. Akmang magsasalita siya ngunit naunahan siya nito. “Walang utang na loob! Baka nakakalimutan mong ako ang nagdala sa iyo sa pamamahay na ito kaya ayos-ayosin mo ang pag-aasal mo!” biglang singhal nito sa kanya. Imbis na umiyak dahil sa mga salita nito ay init ng ulo ang nanaig sa kanya. Tumayo siya saka sinamaan ito ng tingin. “Bakit?! Sinabi ko bang dalhin mo ako rito?! Sinong nag-sabi sayo?! Hindi ba ayaw akong ibigay ni Lola kasi alam na niyang wala akong patutunguhan sa inyo!? Kayo yung walang kwenta! Walang kwentang ama!” puno ng galit niyang sigaw saka mabilis na tinalikuran ito saka nag-impake. Wala namang mangyayaring maganda kung narito sya. At punong-puno narin siya. Hindi na niya kaya. Pagkatapos niyang magligpit ay lumabas na siya ng kwarto at nandon parin ang dalawa. Matalim siyang tinignan ng ama niya. “Lumayas ka kung gusto mo! Wala kang kwenta!” singhal nito ulit. “Tsk.” tanging nasambit niya saka nilampasan ang mga ito. Kung makapagsalita ito'y parang wala siyang nagawa sa pamilyang 'to. Hah! Ang kapal talaga! Mabilis ang bawat paghakbang niya palabas at sa bawat taong nadadaanan niya ay awa ang nakaguhit sa mga ekspresyon ng mga ito. Alam na alam ng mga kapitbahay nila ang nangyayari sa loob ng pamilya nila kaya hindi na siya magtataka sa mga itsura nito. Napabuntong-hininga nalang siya saka sumakay ng jeep. Malapit lang kasi sa terminal ang bahay nila kaya madali siyang nakarating. Hindi niya alam kung saan pupunta. At wala rin naman siyang mapupuntahan. Ilang minuto ang byahe at hindi niya namalayang siya nalang pala ang pasahero. “Saan ka bababa, iha?” tanong ng driver sa kanya habang nakatingin sa rearview mirror. Napalingon-lingon naman siya at tinignan kung nasaan na siya. “Dito nalang po.” aniya saka lumabas na ng jeep at nagbayad sa driver. Nasa tapat sila ng simbahan kaya doon siya pumasok. Nanghihina siyang naglakad patungo sa isang upuan at saka umupo. Walang wala siya ngayon. Mukhang sa kalye siya matutulog o kaya'y dito kung pwede. Napabuntong-hininga siya nang maramdamang sumikip ang dibdib niya. Tumingala siya nang maramdamang mayrong umagos na luha mula sa kanyang mga mata. Hindi siya nalulungkot sa pag-alis niya, bagkos ay masaya siya dahil wala na siya sa impyernong pinagtitiisan niya. “You're a strong woman, Reverie. Pagsubok lang 'to. Kaya mo 'tong lampasan.” pagkausap niya sa sarili. Nang medyo gumaan na ang kanyang pakiramdam ay lumuhod siya saka nanalangin. Pinapanalangin niya na sana ay maging maayos na ang buhay niya. Pagkatapos niyang magdasal ay bigla nalang tumunog ang cellphone niya kaya kinuha niya ito sa kanyang bulsa. “Ano na naman kaya 'to?” binuksan niya ang cellphone at may notification ng novel na kasalukuyan niyang binabasa. Dahil sa wala pa naman siyang ginagawa ay binasa niya ito. Baka mapakalma nito ang loob niya. Habang tumatagal siya sa kanyang pagbabasa ay umiinit na ang ulo niya dahil sa sobrang sama ng istorya. Namatay ang kontrabidang gusto niya! Argh! Nakakainis! “Tsk. Kung nandito lang ako sa mundong 'to, hindi ito mangyayari.” bulong niya sa sarili saka tumayo na at binuhat ang bag. Naglakad na siya palabas ng simbahan at mabilis ang naging lakad niya. Ang dami na kasi niyang inaalala at dumagdag naman yung kwentong binasa niya. Pero kahit gano'n ang takbo ng kwento ay inaabangan parin niya ito. Minsan nga'y nagtataka siya kung normal pa ba siya. “Miss! Tabi!” Napalingon siya sa taong sumigaw at naistatwa siya sa kanyang kinatatayuan nang makita ang malaking truck na papunta sa direksyon niya. Pakiramdam niya'y para siyang lumipad nang nabangga siya nito at malakas na bumagsak ang katawan niya sa kalsada. Sobrang bilis ng mga pangyayari at nakita nalang niya ang pulang likidong kumakalat sa daan. “Tumawag kayo ng ambulansya!” “May nabangga!” “Nagkaproblema sa brake ang driver.” “Bilisan n'yo! Humihinga pa siya!” Iba't ibang tinig ang narinig niya. Unti-unti ring lumalabo ang kanyang paningin, at sa ilang sandali'y unti-unti nang bumibigat ang talukap ng kanyang mga mata at tuloyan na nga itong pumikit. . . . “Lola, sino po sya?” nanginginig na tanong ng batang babae sa lola niya. “Siya ang ama mo, Querencia.” saad ng matanda. Nanatiling nakayuko ang bata. Ito ang lalaking nasa panaginip niya. Masama ang gagawin nito sa kanya. “Hali ka na, Querencia.” ani ng lalaki habang nakalahad ang kamay. Paulit-ulit siyang umiling. “Ayaw kong sumama sa inyo.” Ngumiti ng nakakatakot ang lalaki. “Pero kailangan mo.” sapilitang binuhat siya nito at inilayo sa lola niya. Umiiyak ang bata at paulit-ulit na tinatawag ang kanyang lola. “Lola! Lola! Lola!!!!!!” — “Lola!” napabalikwas ng bangon si Querencia nang napanaginipan na naman niya iyon. Sumasakit ang ulo niya. Napabuntong-hininga siya. Werdo mang isipin pero natatandaan niya ang dati niyang buhay. At alam niya ring nasa mundo siya ng isang nobela. “Binibini. Pinapatawag ka po ng Baron.” saad ng isang katulong mula sa labas ng pinto. Bumangon siya saka nagsalita. “Pumasok ka.” aniya. Pumasok ang katulong habang nakayuko. “Anong kailangan ng Baron?” tanong niya. Nag-aalangan namang nagsalita ang babae. “Uhm...sa narinig ko po ay tungkol iyon sa crown prince. Pero hindi po ako sigurado!” kinakabahan nitong ani at bigla nalang yumuko. Napabuntong-hininga siya. “Sige. Makakaaalis ka na. At tawagin mo rin si Marina.” utos niya at mabilis naman itong tumalima. Si Marina ay ang personal niyang katulong. Pagkalabas ng katulong ay umalis na siya sa kanyang higaan at tumayo. “Crown Prince...” sambit niya. Mukhang nag-uumpisa na ang kwento. Pero hindi niya hahayaang mangyari ang nasa istorya. Buhay niya ito kaya gagawa siya ng paraan upang mag-iba ang tadhana niya. She need someone powerful, and that is the Archduke Castriel de Wolreign.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD