CHAPTER 1

1085 Words
Naglakad si Querencia patungo sa opisina ng Baron at agad na pumasok. At pagkapasok naman niya'y matalim itong nakatingin sa kanya. “Mabuti naman at nakinig ka ngayon.” saad nito saka pinagsiklop ang mga kamay habang nakapatong ang mga siko sa mesa. Matapang naman niya itong tinignan. “Magpasalamat ka't hindi pa apektado ang tainga ko ngayon.” puno ng sarkasmong aniya. Agad namang lumaki ang mga mata ng Baron at binato siya ng ashtray nito. Mabuti nalang at nakailag siya kaagad. “Minsan lang ang swerte, Querencia! Sa susunod! Mabubutas na iyang ulo mo!” sigaw nito saka pabagsak na umupo. “Umalis ka na!” biglang pagtataboy nito. Bahagyan siyang natawa dahil sa nakikita. “Wag kang sumigaw, Baron. Baka ma high blood ka.” nang-uuyam niyang sabi habang nakangiti. Tsk. Nag-abala pa siyang pumunta rito tapos tatabuyin din pala siya. Nasaan ang excitement do'n? Umalis na siya at tinawag narin niya ang kanyang katulong. “Marina, maghanda ka ng karwahe at susuotin ko sa pagdiriwang. Kailangan kong pasayahin ang ama ko.” nakangising aniya. Alam na kasi niya ang ipapagawa nito sa kanya. Agad namang tumalima si Marina. May inutusan ito at saka sumunod ulit sa kanya sa paglalakad. “Mukhang ginalit n'yo na naman ang Baron.” kalmadong saad ni Marina. Ngumiti siya. “Kulang pa iyon, Marina.” Kung hindi siguro niya ama ang Baron ay siguradong hahanga siya dahil sa kabaitang ipinapakita nito. Pero dahil alam niya ang baho nito'y hindi niya ito kayang irespeto. Ang ama niya ang dahilan kung bakit wala siyang Ina ngayon. Nasaksihan niya kung paano naghirap ang ina niya dahil lang sa lalaking ito. “Pupuntahan n'yo ho ba ang Crown prince?” tanong ni Marina. Tumawa siya. “Ang swerte naman niya para puntahan ko siya.” ang lalaking ito ang dahilan kung bakit siya mam*matay, tapos pupuntahan niya ito? Ano ito? Siniswerte? DUMATING na ang gabi at nakapag-handa na siya. Sumakay na siya ng karwahe at nagpunta sa pagdiriwang. Pagkarating niya'y agad na tumuon ang mga mata ng chismosa sa kanya ngunit hindi siya nagpaapekto. Taas noo siyang naglakad papasok sa palasyo. “Siya ba yung anak ng Baron?” “Si Querencia Loretta Lynn?” ”Sa pagkakaalam ko ay iniingat-ingatan daw siya ng Baron. Napilitan nga raw na ipakasal siya sa Crown prince.” “Balita ko'y masama raw ang ugali niyan.” “Oo, sobra.” Ilan sa narinig niyang bulongan. Ang sarap sumingit sa usapan ng mga ito at itama ang mga salita nila. Pero iba ang pakay niya rito kaya behave lang siya. Ilang minuto ang itinagal bago nag-umpisa ang ball. Kasalukuyan nang nagsasayaw ang mga tao ngayon at wala siyang paki-alam do'n. Iba ang pakay niya rito at hindi ang pagpapakasaya rito. Inilibot niya ang paningin saka hinanap ang lalaking sadya niya rito. At dahil matangkad na lalaki ay agad niya itong nakita. Nakatayo ito sa gilid habang nagmamasid lang mula sa gilid at painom-inom ng wine. Akmang pupuntahan na niya ito ngunit mayrong humarang sa dadaanan niya. “Masaya akong makita ka rito, Lady Lynn.” nakangiting saad ng isang lalaking may edad na sa kanya na ikinatingin niya rito. Hindi niya ito kilala pero kailangan parin niya itong batiin. She really hate this etiquette. “Masaya rin po akong makita kayo.” aniya habang hawak ang magkabilang saya at bahagyang tumungo Bigla namang tinapik at bahagyang hinagod ng lalaki ang balikat niya na ikinatindig ng mga balahibo niya. Bastos ang lalaking ito ah! Tumayo siya ng tuwid saka malamig itong tinignan. Tapos na ang pagiging mabait niya. “Mukhang makati ho ang kamay n'yo.” kinuha niya ito sa balikat niya saka binali na ikinaigik nito. “A-argh!” daing nito dahilan upang mapatingin ang ilang tao sa direksyon nila ngunit wala lang iyon sa kanya. “Marami kayong inilagay na singsing sa inyong kamay upang maganda itong tignan, ngunit kahit gaano pa ito kaganda, di parin nawawala ang pagiging makati.” malamig niyang sabi saka pawaksi itong binitawan. Ayaw na niyang magtagal dito. She can't waste her time to this useless person. Kinuha niya ang panyo niya sa kanyang bulsa saka pinahiran ang kanyang kamay. Pagkatapos ay hinawakan ulit niya ang magkabilang gilid ng saya saka tumungo. “Aalis na ho ako.” kunwari'y mabait siyang ngumiti rito at saka tinalikuran. Hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya ang lalaki. Ang tingin nito'y parang nagsasabing nainsulto ito. Tsk. Ang tanda na pero kung umasta ay parang binatilyo pa. Inilibot niya ang kanyang tingin sa paligid at hinanap ulit ang Archduke. Dahil sa matandang iyon ay nawala sa mga mata niya ang taong target niya. Nasaan na kaya yun?! “Masusunod po.” Napalingon siya sa kanyang likuran nang marinig ang isang lalaki. At laking tuwa niya nang makita na ang Archduke. Malapit na ang pangalawang sayawan kaya lumapit na siya rito pagkaalis ng lalaking kausap nito kanina. “Good evening, your grace.” nakangiting bati niya saka inilahad ang kamay. Pero wait— ang baba ng kamay niya. At bakit agad niya itong inilahad?! Kailangan muna niyang yumukod pero ito ang nauna! Argh! Bahala na! Nang tignan niya kung saan nakaturo ang kamay niya'y agad niya itong itinaas. Mabilis rin siyang pinamulahan ng mukha. Kung madumi ang utak ng Archduke ay siguradong iisipin nitong ang alaga nito ang binabati niya. Napalunok siya saka tumingala at tinignan ito. Shyt! Ang taas! Para siyang isang kuneho na nakaharap sa isang lubo. Kumuyom ang kamao niya. Kailangan niyang maging matapang. At kailangan niya ring indahin ang nangangalay niyang leeg dahil sa tangkad nito. Ngumiti siya. “Your Grace, can I ask you for a dance?” tanong niya habang nakalahad parin ang kamay. Ilang segundo siya nitong tinitigan. At ilang segundo rin siyang nakatingala at tinitigan ang sobrang gwapo nitong mukha. Hindi nakakasawa ang kagwapohan nito. Pero hanggang kailan pa ba siya nito tititigan?! Nangangawit na siya! Bigla siya nitong tinalikuran na ikinatanga niya. Inilapag nito ang baso ng wine sa mesa at iniwan siya. W-what the— Nakatingin ang lahat ng mga mata sa kanya at nagbubulungan na ang mga tao. Handa na siyang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. Argh! Syete! Nakakahiya! Kumuyom ang mga kamao niya. “They didn't call me a villainess for nothing Archduke. Ready yourself.” ngumiti siya saka tumawa na parang baliw. Hindi na niya pinansin pa ang mga matang nanghuhusga sa kanya. Ang Archduke naman na hindi pa masyadong nakakalayo sa kanya'y napailing-iling. “Crazy woman.” bulong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD