Sapilitang ipinaluhod si Querencia ng kanyang ama sa sahig habang hawak siya ng dalawang guwardya upang hindi siya makagalaw.
“Hah! Querencia! Alam mo ba ang kahihiyang ibinigay mo sa akin?! Binali mo yung kamay ni Marques Carton! At nilapitan mo pa ang Archduke! Wala ka na ba talagang hiya?!” pangangaral nito sa kanya, at syempre, para hindi siya makasagot ay tinakpan nito ang bibig niya.
“Nauubos na ang pasensya ko sayo, Querencia.” hinawakan nito ang kanyang baba saka pinisil iyon na ikinaigik niya sa sakit. “Sa Crown prince ka lumapit dahil siya ang fiance mo. Siya ang makakatulong sa pamilya natin. Pareho lang tayong may mapapala rito kaya umayos ka. Huwag mo siyang talikuran katulad ng ginawa mo kahapon.” nanggigigil nitong sabi saka pawaksing binitawan ang baba niya kaya tumabingi ang kanyang ulo.
Tsk. Ang kapal naman nitong manakit.
Dahil braso lang niya ang hinawakan ay inangat niya ang dalawang kamay dito saka pinakita ang gitnang daliri.
Then she hummed the F Y word.
Malakas siyang nasampal ng kanyang ama dahil sa ginawa niya.
“You should be useful. Huwag mong kakalimutang ako ang naglagay sa iyo sa posisyong iyan.” paalala nito. Kung marinig ito ng iba ay tila nagbibigay lang ito ng bilin pero hindi. May iba pa itong kahulugan.
“Ilabas n'yo na yan.” utos nito sa mga guwardya at sumunod naman ang mga ito.
Pinatayo siya nito saka kinuha ang takip sa bibig niya. Bago siya hilahin ng mga ito ay nagsalita siya na mas lalong ikinagalit ng ama niya.
“Matinong tao lang ang susunod sayo! Gag*! HAHAHA!” sigaw niya at sinabayan pa ng malakas na pagtawa.
Mabilis siyang inilabas ng mga guwardya at tinulak na siya palabas dahilan upang masubsub siya sa sahig. Mabilis naman siyang dinaluhan ni Marina.
“Mayron na akong tinawag na doktor. Halika na, Miss.” inalalayan siya nitong makatayo.
Napahawak siya sa kanyang tuhod saka napailing-iling. “Hays. Ang sakit ng binti ko.” reklamo niya.
Bumuntong hininga naman si Marina. “Bakit ayaw n'yong sundin ang utos ng Baron?” biglang tanong nito.
Mapakla siyang ngumiti. “Bugbog ang aabutin ko sa kanya, at kung makasal ako sa lalaking gusto n'ya. Patay na ako.” makahulogang saad niya.
Lumungkot naman ang mukha ni Marina. “Gusto n'yo po bang itakas ko kayo?” tanong nito.
Lumingon siya rito. “Kaya mo ba?” paghahamon niya. Ilang beses na kasi siyang nagtangka noon at bigo parin siya hanggang ngayon.
.
.
.
“Ayos lang ho ba ang pisngi n'yo?” tanong ni Marina.
Nandito sila ngayon sa bahay na nasa masukal na gubat. Dito siya dinala ni Marina. Malayo ang napuntahan nila dahil kahit ito'y hindi rin alam kung saan sila magtatago. Napunta tuloy sila sa hilaga.
Kanina ay akala niya na nagbibiro lamang ito at sinusubukan lang siya. Pero hindi niya inaasahang totohanin pala nito ito.
“Ayos lang ako.” pagsisinungaling niya. Ang totoo ay gusto na niyang umiyak. Ang hapdi kasi. Kung mayrong mag-o-offer sa kanya ng matigas na pisngi, bibilhin talaga niya. Pero wala eh, kaya wala na siyang magagawa.
“May nakuha na ho akong mga herbal na gamot.” saad ni Marina saka dinikdik ang mga ito. “Mabilis ka pong gagaling gamit 'to, at di rin mag-iiwan ng peklat.” nakangiting saad nito.
Pagkatapos ni Marina ay inilapat na nito ang gamot sa pisngi niya. Mabilis gumaling ang namumula niyang pisngi kaya sobrang paghangang napatingin siya kay marina.
“Wow! Saan mo ba 'to nakuha, Marina?” namamanghang tanong niya.
Napangiwi si Marina. Mukhang nag-aalangan itong sabihin sa kanya. Pero dahil grabe ang tingin ang ipinapakita niya rito ay nagsalita narin ito.
“Uhm... galing po iyan sa lawang nadaanan natin kanina.” nakayuko nitong sabi.
Napatunganga si Querencia. Yung lawang maraming astil ba ang sinasabi nito?
“Yung lawa ng mga astil?” tanong niya na tinanguan ni Marina.
Kaya pala madaling gumaling ang sugat niya. Ang nga astil kasi ay isang mga halimaw na kahawig ng mga orc. Malalaki ang mga ito at kapag may kumuha sa halaman nila ay magagalit sila. Maaamoy nila ito kahit gaano pa kalayo ang napuntahan ng nagkuha.
“Patay tayo, Marina. Tumakbo na tayo hanggat may oras pa.” mabilis siyang tumayo saka hinila si Marina. “Aalis na tayo ngayon.” nagmamadali niyang sabi.
Saglit namang tumigil si Marina na ikinapagtataka niya. “T-taika lang, binibini.” bumitaw ito sa kanya saka kinuha ang bag nila. Pero wala ng oras. Naririnig narin niya ang mga yabag ng astil— mga Astil pala. Sobrang dami nila. Bakit tuma-timing pa ito kung kailan niya nalamang galing pala itong halaman sa mga ito?
“Pera nalang ang Kunin mo, Marina!” sigaw niya at nagmadali naman ito.
Pagkakuha nito sa pera ay agad na silang lumabas at tumakbo sa isang direksyon. Hindi nila alam kung saan sila makakapunta sa daang tinatahak nila.
“KRAAAAAAAAHHHHHH!”
Napaigtad siya sa gulat nang sumigaw ang isang astil. May nagsi liparan naman na puno ng kahoy kaya tudo ilag silang dalawa ni Marina.
“KRAAAAAAAAHHHH!”
Biglang lumindol at nagulat nalang siya nang makita ang astil. Umuusok ang ilong nito habang nakatingin sa kanya.
Umangat ang kamay nito upang hampasin siya ngunit agad siyang umilag.
“Binibini!” sigaw ni Marina na nasa malayo na.
Mabilis siyang tumakbo pero hindi ito naging madali dahil maraming mga halaman na matitigas ang puno na humaharang sa kanya.
“Binibini!” sigaw na naman ni Marina ngunit wala na siyang oras upang lingunin pa ito.
Tumakbo lang siya ng tumakbo.
Saglit siyang napatigil nang mayrong malaking kahoy ang nakaharang sa dadaanan niya. Kailangan niya itong akyatin.
Itinaas niya ang kanyang pantalon saka umakyat na. Walang ibang paraan kundi ito lang para maka-akyat siya ng mabilis.
“KRAAAAAHHHHHHHHHH!!!”
Mabilis siyang umakyat dahil malapit na ang astil. Pagkaakyat niya'y bigla nalang naglilom at nawala ang kanyang anino. Parang mayrong kung anong malaking bagay ang tatama sa kanya mula sa likuran.
Shyt! Sana mali ang iniisip niya!
Lumingon siya sa kanyang likuran. Tama nga ang iniisip niya!
“Binibini!”
Walang pag-aalinlangan tumalon siya pababa ng puno. Sigurado siyang mababalian siya ng buto.
“AAAAAHHHH!” matinis na sigaw ni Marina nang malakas na tumama ang pamalo ng Astil sa kahoy. Nagsiliparan ang mga biyak nito at lumindol ang lupa dahil sa malakas na pagkakahampas nito.
Dahil sa taas ng pinanggalingan niya'y pumikit siya at hinintay ang pag bagsak niya. Sana'y mabuhay pa siya. Bahala na kung magkaroon man siya ng bali sa katawan.
Napasinghap siya bigla nang parang may sumalo sa kanya na isang matigas na katawan. Nakayakap ang isang braso nito sa bewang niya. Imposible namang si Marina ito dahil mas matangkad siya kay Marina. Parang lalaki itong may hawak sa kanya.
“Bini—” naputol ang pagtawag ni Marina dahil biglang tumalon ang lalaki kasama siya.
Napasinghap siya at nanlaki ang mga mata dahil sa gulat at takot. “Aaaaaahhhh! Marina!!!!” kinakabahang sigaw niya at unti-unting lumiliit si Marina mula sa paningin niya.
Mama!!! Bakit lumilipad sila?! Sa pagkakaalam niya'y tumalon lang ang lalaki!
Lalo siyang nagulat nang makita ang katawan ng Astil sa ibaba. Lumapag ang lalaki sa ulo nito at dahil sa bilis ng mga pangyayari ay hindi niya kayang silipin pa ang mukha nito. Napayakap siya sa lalaki ng mahigpit habang nakapikit ang mga mata.
Parang naiwan ang kaluluwa niya nang bigla nalang itong tumalon pababa. “Ahhhhhh!!!!!!” puno ng takot niyang sigaw. Sinabunutan niya ang buhok ng lalaki dahil sa takot. “Bakit ka tumalon?!” mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya dahilan upang mapamura ito.
Sa ilang sandali'y lumapag na ang mga paa nito sa lupa na ikinahinga niya ng maluwag.
“Fck it! Let go of my hair!” sigaw ng lalaki kaya napaigtad siya at binitawan ito.
Tinignan niya kung sino ang lalaking nagpa experience sa kanya ng roller coaster ride at napanganga nalang siya.
“A-a-ar...” hindi siya makapagsalita dahil sa gulat.
Is...is this coincidence?
“Pwede ka ng bumaba.” istriktong saad nito kaya mabilis siyang kumilos. Akmang bababa na siya ngunit bigla niyang naalala ang plano niya. Kailangan niya itong landiin.
Mabilis siyang yumakap pabalik sa Archduke at umarte. “N-nahihilo ako, kamahalan.” kunwari'y nanghihina niyang sabi saka isiniksik ang mukha sa leeg nito.
Shyt! Ang bango! Pero bakit ang tigas ng suot nito?
Tinignan niya ang matigas nitong kasuotan at ngayon pa niya napansing may baluti pala itong suot.
Malamig ang baluti nito kaya ipinatong niya ang kanyang pisngi rito saka napahikab. Pakiramdam niya'y nanlumo ang katawan niya dahil sa sobrang pagod. Grabe ang takbong nagawa niya at simula noong umalis sila ng mansyon nila'y wala siyang pahinga.
Kahit na matigas ang suot ng Archduke ay nanaig parin ang pagod niya. Unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata at kalauna'y nakatulog siya. Siguro'y dahil ito sa pagod kaya siya nakatulog kaagad.
“YOUR EXCELLENCY—” napatigil sa pagsasalita ang isang kawal nang makitang may kargang babae ang Archduke. Ito ang kauna-uhanang pagkakataon na nakita nitong mayron siyang kasamang babae, at kayakap pa talaga niya.
Napabuntong-hininga si Castriel. “Get a carriage for the ladies.” utos niya saka bumaling sa isa pang babae. “Are you her maid?” tanong niya.
Tumango naman ito saka tumungo. “Ako po si Marina, katulong po ni Miss. Querencia.” magalang nitong pagpapakilala.
Binalingan niya ang babaeng nakayakap sa kanya habang natutulog. He didn't expect her to sleep on his shoulder comfortably.
So, she's the Miss of Lynn. The woman who ask her without thinking at the ball. She's the only daughter of the Baron Tyrone Lynn. The wicked baron.
“Uhm...urgh” Querencia groaned while sleeping that made him stop. Mukhang hindi ito komportable. Inayos niya ang pagkakabuhat niya rito at ngayon pa niya napansing sobrang gaan nito.
Is it because of his strength or it's really her weight?
“Pasensya po sa abala, kamahalan.” hingi ng tawad ng katulong nito na tinanguan lang niya. Parang gusto nitong kunin ang binibini nito ngunit nagdadalawang isip nito. Base sa katawan nito'y siguradong mahihirapan ito kung ibibigay niya ang binibining hawak niya.
Gusto niya itong tanungin kung anong ginagawa ng mga ito sa lugar na ito ngunit ilalaan nalang niya iyon para mamaya. Ang anak ng Baron ang tatanungin niya.
“Your excellency. This way.” saad ng kawal sa kanya at nauna na siyang naglakad.
“Follow me.” utos niya sa katulong at agad naman itong sumunod.
Pagkarating nila sa karwahe ay nauna siyang pumasok at ihiniga ang babae ngunit bigla nalang siya nitong hinila palapit dito at walang pasabing kinagat at sinipsip ang kanyang leeg.
Nanigas siya sa kanyang pwesto at saka lang siya nakabawi sa pagkabigla nang bumitaw na ito sa kanya.
“Steak! Not yum—” magkasalubong ang mga kilay nito habang nagrereklamo at nakatulog na ulit ito.
Napatanga siya dahil sa ginawa nito. Inakala ba nitong steak siya?! At sinabihan pang hindi masarap!
Napahilot siya sa kanyang noo.
How can a woman be this brave? Tsk. If he's merciless, this woman won't be alive.