Pagod na pagod na bumaba ng karwahe si Querencia pagkabalik nila sa Archduchy. “Take a good rest. I'll pick you up tomorrow morning.” saad ni Aliferous sa kanya na tinanguan naman niya. “Okay! Thank you for today by the way.” nakangiting pagpapasalamat niya at ngumiti rin ito pabalik sa kanya. “You're welcome my student.” pabiro nitong sabi na sinabayan pa nito ng pagtawa. Napailing-iling siya. Kanina'y ito ang tinutudyo niya dahil teacher na niya ito, ngayon naman ay gumaganti na ito sa kanya. Natatawang sumaludo siya kay Aliferous. “Have a safe trip, Teacher Ali!” nakangiting aniya at gumaya naman si Syriel kaya mas lalo siyang natawa. “Bye bye, uncle Ali!” saad nito sa cute na boses. Napangiti si Aliferous dahil sa bata. Sumaludo rin ito. “Bye.” paalam nito saka tumakbo na ang ka

