Napabalikwas ng bangon si Querencia nang marinig ang mga huni ng ibon sa labas ng bintana. Kaagad niyang inilibot ang tingin, at nang makita niya kung nasaan siya'y napahawak siya sa kanyang noo. Inalala niya ang mga nangyari kagabi at kaagad ang mga iyon nagsibalikan sa kanyang utak na tila ba kanina pa ito naganap. Nasa loob siya ng opisina ng Archduke kagabi at sinubukan niya itong tulongan dahil naghihirap ito, pero ang nangyari ay bigla nalang siya nitong hinalikan at ayaw bitawan. Sigurado siyang nakatulog siya sa kama nito habang nakayakap ito sa kanya, subali't ngayon ay narito na siya sa kwarto niya. Hindi niya magawang isipin na panaginip lamang iyon dahil mas malinaw pa sa malinis na tubig ang alaala niya. That was true! The Archduke kissed her! But why is she here instead

