BAGO PA UMALIS si Aliferous kaninang umaga sa Archduchy ay dumaan muna ito sa opisina ni Castriel. Pagkapasok na pagkapasok nito'y sumalubong kaagad dito ang matalim niyang tingin. Castriel felt irritated when he saw his face. Kalmado itong naglakad patungo sa sofa at saka komportableng umupo roon. Kapagkuwan ay bumaling na ito sa kanya habang mayrong nagtatakang mukha. “What did I do to get that glare?” inosente nitong tanong. Mabilis na nagkasalubong ang kanyang mga kilay dahil sa iritasyong nararamdaman tungo rito. “Speak what you want to say.” madiin at diretso niyang saad dahil nais na niya itong umalis sa kanyang teritoryo. Ngumiwi si Aliferous na parang hindi makapaniwala sa inaakto niya. “Is it because of the wolf's màting season that's why you're acting like that?” kunot noo

