Malapit nang malusaw ang Archduke dahil sa titig ni Querencia na parang di na matapos tapos. Kanina pa niya ito tinititigan at hindi niya alam kung saan magsisimula. Kasalukuyan sila ngayong nagtsa-tsaa sa balkonahe ng drawing room. Inaya niya ito kanina para sana makipag-usap dito ngunit parang di ata ito matutuloy dahil hindi niya magawang tyumempo. Ibinaba ng Archduke ang tasa ng tsaa nito na nagbigay tunog kaya napaigtad siya sa gulat. Dahil sa nerbiyos ay nagiging magugulatin tuloy siya. Tumingin ang pula nitong mga mata sa kanya. “Is there's something you want to say?” kalmado nitong tanong habang siya nama'y nanginginig dahil sa kaba. Kinakabahan siya dahil baka mayron siyang masabing hindi maganda. “Tell me immediately, Miss.” dugtong nito. She pressed her lips together as she

