HANGGANG NGAYON ay hindi parin alam ni Querencia kung bakit siya dinakip ng mga kawal ng Archduke. Dinala siya ng mga ito sa opisina nito at sobrang dilim ng paligid. Napakatahimik din dito na halos marinig na niya ang malakas na t***k ng puso niya. Mas lalo siyang nagtaka dahil sa bawat nadaanan nilang pasilyo kanina'y wala siyang nakikitang kahit ni isang katulong o tao. Tila ba walang naninirahan sa loob ng manor. Napalingon siya sa mga kawal nang bitawan siya ng may hawak sa kanya at lumabas ang mga ito. Naiwan siyang mag-isa. Mabilis niyang inilibot ang tingin sa paligid. Tanging ang liwanag lang mula sa labas ng bintana ang nagbibigay ng ilaw sa loob ng opisina. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. What is happening? Naguguluhan siya sa nangyayari. Hindi niya alam kung bakit siy

