NAPAKURAP-KURAP SI Querencia nang magising siya at sobrang gaan ng pakiramdam niya. Sa isang tingin palang niya sa kisame ng kwarto ay alam na niyang nasa loob na siya ng kanyang silid. Sa totoo niyang silid. Akma sana siyang babangon nang mapatigil siya nang nakita niya si Marina na mahimbing na natutulog habang nakaunan ito sa mga braso nito. Ayaw niya itong maabala kaya dahan-dahan siyang bumangon upang hindi ito magising at umupo sa gilid ng kama. Napatingin siya sa kanyang braso kapagkuwan nang mapansing wala na ang mga galos at gasgas dito. The divine power again... Napabuntong-hininga siya. Ginamot na naman siya ng Baron upang pagtakpan ang masamang nangyari kahapon. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya rito dahil ibinalik siya nito kaagad dito upang hindi siya mawalan n

