Habang kumakain si Querencia ay mayron nalang biglang dumating na panauhin kaya napatigil siya sa pag-subo. “Nandito po si Count Lukariah, Miss. Mayron daw po siyang sasabihing importante.” ani Chiya na galing sa pintuan. Tumaas ang kanyang mga kilay nang marinig ang pangalan ng dumalaw sa kanya. Count Lukariah... It's Aliferous! Bigla nalang lumiwanag ang kanyang mukha. “Wait! Let me finish this!” masigla niyang sabi saka mabilis na inubos ang pagkain. Habang kumakain ay bumalik naman sa labas si Chiya at mukhang kinausap si Aliferous. Nang natapos na siya'y kinuha na ni Chiya ang pinagkainan niya. Akmang tatayo na sana siya dahil wala na ang maliit na lamesang nakaharang sa kanya ngunit pinigilan siya ni Johan. “You should stay on the bed, Miss. You're still not fully recovered.” m

