Napakabigat ng atmospera at ang titig naman ng Archduke ay nakapatalim. Napalunok siya nang unti-unti itong lumapit sa kanya. Nakakatakot ang awra nito. “A-are you mad, My Lord?” pinilit niya ang boses na maging malambing at mukhang maamo. Mas lalong tumalim ang mga mata nito. “What did you talk about with him?” malamig nitong tanong. Kahit na nasa kalagitnaan siya ng pangamba ay nagtaka parin siya. Sinong him? “Uhm...A-are you talking about...Ali...My Lord?” nag-aalangan niyang tanong. Naninigurado siya kung ito ba ang tinutukoy nito. Baka kasi mas lalo pa itong magalit kung magkamali siya sa isasagot. Nagtagis ang bagang ng Archduke sa di malamang dahilan. “Ali? Are you calling the Count, Ali?” mukha itong pikon. Napalunok siya ulit. Wala talaga siyang kaalam-alam kung bakit ito g

