Ibinaba ni Querencia ang hawak na tasa ng tsaa saka lumanghap ng sariwang hangin. She's close to the nature again... Laking pasasalamat niya dahil maari na siyang makalabas sa kwarto niya. Kahapon kasi ay halos hindi niya magawang umalis ng kama dahil sa utos ng Archduke. Kahit na magaling na siya'y pinagbabawalan parin siya nito at sinasabihang hindi pa niya tuloyang nabawi ang lahat ng lakas niya. Kung makapagsalita ang Archduke ay parang ito ang nagmamay-ari ng katawan niya. “Mama!” biglang tawag ni Syriel sa kanya mula sa hindi kalayuan at agad naman siyang napabaling sa gawi nito. Nasa gilid ito ng lawa ngayon at nanghuhuli ng isda kasama sila Chiya. “Tignan n'yo po! Nakahuli po ako ng malaki!” sigaw nito habang may masayang mukha. Napangiti siya dahil sa itsura nito saka siya tuma

