Nakakabinging katahimikan ang naririnig ni Querencia habang naglalakad siya sa pasilyo patungo sa hardin. Malalim na ang gabi kaya wala siyang nakakasalubong na ibang tao.
Pagkarating niya sa hardin ay umupo siya sa isang upuan at sumandal sa sandalan nito. Tumingala siya nang mapansing sobrang liwanag ng buwan. Ang ganda nito pagmasdan dahil sa kakaiba nitong liwanag.
Inayos niya ang sarong na suot at niyakap ang sarili nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin. Makapal ang sarong na dala niya kaya nabibigyan siya nito ng init sa katawan.
Kaya siya nandito ay dahil nais niyang magpalamig muna at linawin ang kanyang utak. Kakagising palang ni Syriel kaninang umaga at ayaw sana niya itong iwan ngunit palagi siya nitong sinasabihang magpahinga raw muna siya, at dahil wala na siyang magagawa pa ay si Chiya nalang ang ipinagbantay niya. Sigurado naman siyang hindi na nito uulitin ang dating pagkakamali.
Malalim siyang napabuntong-hininga nang biglang sumingit ang napanaginipan niya kanina. Nagpakita na naman ang itim na lobo sa panaginip niya at hinawakan na naman niya ito. Mukha itong totoo at hindi panaginip ngunit nang naimulat niya ulit ang mga mata ay wala na ito kaya iniisip niyang baka pinaglalaruan na naman siya ng imahinasyon niya. Baka dahil lang ito sa stress kaya kahit ano na ang pumapasok sa isipan niya.
Nais niyang magtanong sa Archduke kung mayron ba itong alangang itim na lobo ngunit nagdadalawang isip pa siya kung sasabihin ba niya. Baka kasi hindi iyon totoo at gawa-gawa lamang ng isip niya.
Malalim siyang napabuntong-hininga dahil sa dami ng iniisip niya. Parang sasabog na ang utak niya sa pabalik-balik nitong pagdaan sa isipan niya, ni hindi man lang siya binigyan ng oras na makapagpahinga. Lalong lalo na ang bagay tungkol kay Syriel, ngunit iwinaglit na niya iyon sa utak niya dahil hindi na mahalaga sa kanya kung ano ito. Syriel is Syriel.
Habang tahimik siyang nag-iisip ay bigla siyang naalerto nang maramdamang mayrong tao sa daan patungo sa likod ng Archduchy. Mahina ang bawat hakbang nito at parang ayaw makaabala ng ibang tao, ngunit dahil konektado siya sa kalikasan ay nararamdaman niya ito.
Nasa hardin lamang siya ngunit dahil sa tahimik ng paligid ay alam niya kung saan ito patungo. Parang doon ito papunta sa bahagi ng Archduchy kung saan kaunti lang ang mga nakabantay na kawal.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at walang tunog na tumakbo patungo sa taong nagtatangkang lumabas habang malalim pa ang gabi. Kahit wala siyang kapatunayang kahinahinala ito'y nararamdaman naman niya ang bawat mahinang paghakbang nito na para bang magnanakaw.
Ilang sandali ang itinagal bago siya makarating sa likod ng teritoryong ito. Nakatago siya sa likod ng puno upang magmatyag at hindi siya mapansin ng taong ito.
Kumunot ang noo niya nang makitang mayrong isang taong naglalakad habang palinga-linga sa paligid na para bang mayron itong binabantayan. Nakasuot ito ng balabal at nakatalukbong ito kaya hindi niya makita ang mukha nito. Kalauna'y mayron itong inilabas mula sa balabal nito at isa iyong kamay. Kamay ng isang babae...
Mayron itong ibinigkas na mga salita habang nakatutok ang kamay sa isang pader. Bahagyan siyang nagulat nang mayrong lumitaw na portal, at dahil sa lakas ng hangin na iniihip nito'y natanggal sa pagkakasuot ang talukbong ng taong iyon.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makitang ang prinsesa iyon. Tatakas ba ito?! Pwes! Hindi maaari!
Mabilis siyang tumakbo palapit dito at agad naman siya nitong napansin kaya dali-dali itong tumakbo papasok ng portal.
Lalo niyang binilisan ang pagtakbo at inabot ang braso nito. “Princess!” akmang hihilahin niya ito pabalik ngunit siya ang nahila nito. Nakapasok siya sa portal dahil sa pag-abot niya rito.
Para siyang tinapon sa isang lugar pagkatapos ng ilang sandaling kadiliman. Napadaing siya nang malakas siyang natumba sa isang damuhan.
“B-bakit?”
Napabangon siya at napaangat ng tingin nang magsalita ang babaeng huhulihin sana niya. Nakaupo ito sa damuhan at galit na galit na nakatingin sa kanya.
“Bakit ka nandito?! How dare you to chase after me?!” puno ng galit nitong sigaw sa kanya.
Pagak siyang natawa nang makita ang iritable nitong mukha.
Tignan mo nga naman, ito pa ang may ganang magalit samantalang ito ang mayrong kasalanan.
Tumayo siya saka pinagpag ang damit na suot. Nang natapos ay hinarap na niya ito at saka taas noo itong tinignan. “Why should I not chase you, Princess? You are one of the Archduchy' prisoner. And you just scaped.” aniya habang malamig na nakatingin dito.
Matalim siyang tinignan ng Prinsesa at sa ilang sandali'y nakaramdam siya ng sobrang lamig na temperatura. Nakapaa lamang ang isa niyang paa dahil naiwan ang isang sandal niya noong hinabol niya ito. Ramdam niya ang sobrang lamig at parang nagye-yelo na ito.
“I hate playing games. I'm tired at making plans that are always failed.” biglang saad ng Prinsesa bago tumayo.
Nakita niya ang pagyelo ng kinauupuan nitong damo kanina. Napapaligiran ito ng yelo.
“You're a bother!” sigaw nito at lumitaw naman ang naglalakihang matutulis na bloke ng yelo sa paligid niya.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang ginagawa ng Prinsesa. May balak itong ligpitin siya.
“Díe! Right now!” sigaw nito na umalingawngaw sa buong paligid. Kasabay ng pagsigaw nito'y nagsigalaw din ang mga yelo at lumipad patungo sa direksyon niya.
Shyt! She didn't expect that she has ice magic!
Mabilis siyang gumalaw at ginamit ang mga elemento upang protektahan ang sarili niya. Ginamit niya ang lupa upang protektahan ang katawan niya at ang tubig naman para sa lupang nakapalibot sa kanya. Pinatigas niya ang mga ito ngunit kahit kasing tigas ng mga ito ang bakal ay lumusot parin ang dulo ng yelo nito at muntikan nang matusok ang leeg niya.
Napalunok siya nang tumigil na sa pag galaw ang yelo na malapit sa leeg niya. Hinawakan niya ito upang tunawin at hindi naman siya nabigo roon. Natunaw ang yelo at nabiyak naman ang lupang nagpoprotekta sa kanya. Nawala narin ang tubig na nakapalibot sa kanya kaya kitang kita niya kung paano nanlaki ang mga mata ng Prinsesa. Mukha itong hindi makapaniwala.
“Y-you're a witch...” gulat na gulat nitong sambit habang nakaturo sa kanya.
Bigla siyang kinabahan dahil nalaman nito ang totoo niyang pagkatao. Kailangan niya itong patahimikin.
Tumayo siya saka lumapit dito. Naalarma naman ang prinsesa at bigla nalang ginawang yelo ang tinatapakan niya, pero hindi iyon naging hadlang upang lapitan ito. Kaagad na natunaw ang yelo dahil sa init na ginagamit niya.
“I warn you. Don't. Come. Closer.” madiing saad nito sa kanya habang matapang na nakatingin sa kanyang mga mata.
Nagpatuloy parin siya sa paglapit dito at hindi na pinansin pa ang pagbabanta nito. Itinaas niya ang kanyang kamay upang gamitin ang hangin. Mukhang kaagad naman nitong naintindihan ang balak niyang gawin kaya kaagad umaksyon ang prinsesa at pinaulanan siya ng matutulis na yelo at ang paanan naman niya'y bigla nalang tumigas kaya mabilis siyang tumalon palayo rito.
“Don't come closer!” puno ng galit nitong sigaw at sunod sunod siyang inatake. Wala siyang ibang magagawa kundi ang iwasan ang bawat pag-atake nito sa kanya. Habang umiilag rito'y iisipin muna niya kung paano siya makakalapit dito.
Nanlaki ang kanyang mga mata pagkalingon sa harapan niya nang biglang mayrong lumitaw na bloke ng yelo at tumama iyon sa tiyan niya. Para siyang sinuntok nito ng ubog ng lakas dahilan upang tumilapon siya.
Napadaing siya at napaubo. Bumangon siya nang makitang mayrong dúgong lumabas mula sa bibig niya.
“Dammit!” mahina niyang mura saka pinunasan ang dugong nasa labi niya.
“You're really a witch! Hah! I can't believe it! I didn't even feel your witch blood when I am in that fcking territory!” sigaw nito sa kanya saka humalakhak ng pagkalakaslakas.
Tumayo siya at dinama ang kapangyarihang nasa katawan niya. Malapit na itong lumabas.
“I should silent you up, Princess.” malamig niyang sabi ngunit napaubo na naman siya. Mas marami nang dugo ang lumabas sa kanya kaysa kanina.
Napahawak siya sa kanyang puso nang biglang bumilis ang t***k nito. Nag-iinit narin ang katawan niya. Pakiramdam niya'y para siyang sinusunog.
“Before saying nonsense, make sure that you can do it in a snap. Prove it.” nanunuya nitong sabi saka naglakad palapit sa kanya. Hinawakan nito ang kanyang baba at iniangat ito upang tignan ang kanyang mukha. “I pity you.” nginisihan siya nito na ikinakuyom ng kanyang kamao.
Ngumisi rin siya pabalik dito. Hinding hindi siya magpapatalo. “So am I, Princess.” aniya at saka ginamit ang lupa upang lamunin ito. Muntik nang makawala ang prinsesa ngunit mabilis itong hinila ng mga damong nasa paligid upang ilibing ang katawan nito sa lupa.
Napaubo na naman siya dahil sa pag-gamit ng kapangyarihan niya.
“You! How dare you?!” puno ng galit nitong sigaw at matalim siyang tinignan. Nagtatagis ang bagang nito habang pilit na iginagalaw ang katawan. Inilibing niya ito hanggang sa leeg nito kaya ulo nalang ng Prinsesa ang nakalitaw.
“I said it, Princess. I'll silence you up.” aniya saka hinawakan ang ulo nito. “By burying your body, alive.” walang kaemo-emosyong saad niya at nag-umpisa nang gumalaw ang lupa.
Nakita niya ang takot sa mga mata ng Prinsesa at kalauna'y bigla nalang itong pumalahaw ng iyak na ikinagulat niya. “Damnit! How could you?! A mere baron's daughter treat me like this?! I have more higher status than you!” umiiyak nitong sabi.
Habang nakikinig sa prinsesa ay umupo siya sa damuhan at pinanood ito. “You're a failure, Princess.” malamig niyang sabi.
Matalim siyang tinignan ng Prinsesa at parang nagpipigil ito, at sa ilang sandali'y mayron na namang tumulong luha mula sa mga mata nito. “Yes, you're right. I'm a failure. I'm always a failure. I always failed at everything that I do.” suminghot-singhot ito. “You're a witch yet the Archduke accept you. Everyone know that the Archduke hate witches, but why did he do something unbelievable?” tinignan siya nito sa mga mata. “He let you in on his territory even you're one of the creatures that he hated.”
Napatitig siya sa prinsesa dahil sa sinabi nito.
The Archduke hate witches? Bakit hindi niya alam 'to?
“What's wrong with my ancestors, Princess?” magkasalubong ang mga kilay niyang tanong.
Pagak na tumawa ang prinsesa. “Oh! So you didn't know! The witches kílled the Archduke's family. And he hated their descendants. Every witches that he encountered.” ngumisi ito. “Their head got separated from their bodies.”
Kumuyom ang kamao niya dahil sa nalaman. Mabuti nalang pala at maingat niyang tinago ang pagkatao niya, ngunit dahil sa nangyari ngayon ay hindi na niya ito magawang ilihim pa. Lumabas na ang totoo niyang pagkatao. Naging kulay puti narin ang kanyang buhok na siyang palatandaan na hindi siya ordinaryong tao.
“Let me ask you again, princess. What did you do to that child?” tanong niya ulit nang maalala si Syriel.
Inirapan siya ng Prinsesa. “I just wanted to make sure that, that child isn't his son. I don't want someone to block my paths.”
“And what is your plan?”
Umingos ito. “Of course! My plan is to marry the Archduke! I'm here to get his heart! I'm here to make him fall in love with me!” bumalik na naman ang matalim nitong tingin. “But you're an obstacle! You're the rumor fiance of the crown prince! So why are you here?! Go to your fiance! Don't stick to my Lord like a leech!” nanggigigil nitong sigaw.
Malalim siyang napabuntong-hininga. “You don't know anything, Princess. I need his lordship for my freedom. I don't want to marry that royalty.” pagtatapat niya. Wala naman itong patutunguhan kung makikipag bangayan pa siya rito.
The princess tsked. “I don't want to say this, but, I think we're the same.” napabuntong-hininga rin ito. “Lend me your ears for a while, can you? I just want to express my self.” maldita nitong sabi ngunit nakanguso.
Hindi niya napigilang matawa dahil sa ekspresyon ng Prinsesa. Mukha itong nakababatang kapatid kung umakto. Parang kanina lang ay nag-aaway sila tapos ngayon ay naglabasan na ng mga hinaing sa buhay.
“I used to believed when I'm a child that a prince charming will come and save me. The castle that I lived in was like a luxury cage, you can't get out and can't be feel free when there's no noble who'll marry you. I dreamed of someone to marry me and that's the Archduke. He's the only one that I thought that can make me free.” pag kwento nito.
“Do you love him?” wala sa sariling naitanong niya.
Umaktong nag-iisip ang prinsesa. Kapagkuwan ay umiling-iling ito. “No. I didn't feel anything when I saw him.” pag-amin nito.
“Then, why are you chasing after him?” kunot noo niyang tanong.
Bigla nalang umingos ang prinsesa. “I used to do that, but not now, not anymore. I already liked someone.” anito.
Tumaas ang dalawa niyang kilay nang may mapansing kakaiba sa prinsesa. Ngayon pa niya ito nakita.
Ipinagalaw niya ang lupa na ikinagulat nito. “What are you doing?!” kinabahan nitong sabi.
Matiim niya itong tinignan. “You're not the real princess.” saad niya saka ito hinila sa braso at inilabas sa hukay.
Pagkalabas ng Prinsesa ay gulat itong napatingin sa kanya. “How did you —?”
“Are you her doppelganger?” tanong niya saka hinawakan ang bibig nito.
Pawaksing inalis ng Prinsesa ang kamay niya bago ito nagsalita. “Alright! I'm her twin! Can you please stop this now?!”
“No.” madiin niyang sabi.
Ang matapang na tingin ng Prinsesa ay biglang naging maamo. Mukha itong nahuli sa akto at wala nang iba pang matatakbuhan. “I confessed everything...so can you please hide it? I didn't do anything bad at that child, that's my twin sister's doing.” pagtatapat ulit nito.
“Why would I believe that you're innocent?” she can't just let her guard down and believe everything that she said.
Halatang bigla itong kinabahan. “Uhm... To prove my innocence...” bigla nalang itong lumuhod sa paanan niya na bahagyan niyang ikinagulat. “I'll hide your true identity, and please hide mine! I don't want to be kílled by my own father that's why I'm doing that! All of the bad things, that's my sister's work! I'm just a replacement!” nagsusumamo nitong sigaw.
Dahil sa pinapakita nitong pagmamakaawa ay mas lalo siyang hindi makapaniwala. Kung tama ang inisiip niya'y nais nitong matapos kaagad ang lahat at pakawalan na niya ito.
“Please, I beg you...” puno ng sinceridad nitong sabi.
Napabuntong-hininga siya. The real princess doesn't know how to beg, especially the real Princess Layra. At kung mayron itong gagawing hindi maganda, mabilis naman niya itong mapaparusahan.
“Fine. It's a deal.” saad niya saka inilahad ang kamay na mabilis naman nitong tinanggap.
“Deal...” namumutla nitong sabi. Mukha itong hamster na nanginginig sa takot dahil sa kaharap nitong pusa.
Binawi na niya ang kanyang kamay at saka inayos ang sarili. “So, where's the real princess now? I mean, your twin.” tanong niya.
Napakagat ito sa sariling labi. “She's in the kingdom's dungeon right now. The king punished her because she tried to put póíson on the Archduke's food...” saad nito. “And I am here to replace her. Father ordered me to escape.” dugtong nito.
“You're a bait.” tugon niya.
Tumango naman ito na para bang inaako nito ang kasalanan. “Yes, I am.”
Akmang sasagot pa sana siya rito ngunit huli na siya. Bigla nalang bumigat ang kanyang pakiramdam at nagdilim ang kanyang paligid.
Natumba siya sa lupa at ang huling nasaksihan niya ay ang nag-aalalang pagtawag ng babaeng kasama niya.
“Querencia!”