CHAPTER 34

2454 Words
Kanina pa nanggigigil sa galit si Querencia ngunit pinipigilan niya ito. Hindi niya inaasahang dadamayin nito si Syriel para lang mawala siya sa landas nito. Pwede namang siya lang ang puntiryahin nito kasi alam niyang kaya niya, pero ang bata, mahihirapan ito. Tuwing naaalala niya ang sitwasyon ni Syriel ngayon ay mas lalo siyang nanggigigil. Nais niya itong saktan kagaya ng ginawa nito sa bata ngunit hindi niya ito maaring gawin dahil anak lang siya ng baron. Napakadesperada talaga ng Prinsesa at nais talagang makuha ang lahat ng gusto, lalong lalo na ang pwesto ng Archduchess. Pero kilala niya ang Archduke, kahit na anong sasabihin ng ibang tao, ang sarili parin nito ang susundin kaya wala siyang ipinangamba. He's a wise person. Humigpit ang pagkuyom ng kamao niya nang siya na naman ang binalingan nito. “Your highness, my temper isn't that long to keep on listening to your nonsense. Could you please shut up?” madiin niyang sabi at bigla nalang itong tumawa na para bang may nakakatawa. “Why?! Is it because it's true?! He's not the Archduke's child!” bulyaw nito. Hindi na siya kumibo dahil hindi naman talaga. Wala ring patutunguhan kung magsasalita pa siya. This princess is a closed minded person. “Yes, you're right. He's not his child.” biglang sulpot ng isang lalaki mula sa isang sulok at naglakad patungo sa kanila saka yumukod sa harapan ng Archduke. “I, Count Aliferous Lukariah, came back, Your Grace.” buong kompiyansang saad nito bago tumayo ng tuwid. Napatitig siya sa lalaki. Pamilyar ang mukha nito. Ang kulay puti nitong buhok— taika, ito yung lalaking nagpagaling sa pilay niya noon! Bigla itong lumingon sa kanya at nginitian siya. Gumalaw ang bibig nito na para bang mayrong sinasabi ngunit hindi niya mawari kung ano. Bumaling ulit ito sa Archduke na masama parin ang timpla ng mukha. “I'm here to report, Your Grace.” nakangiti nitong sabi. “Say it immediately!” biglang singit na singhal ng Prinsesa na ikinalingon ng lalaki rito. Hindi niya nakita ang mukha nito kaya hindi niya alam kung bakit biglang nanlaki ang mga mata ng Prinsesa. “It's non of your business, Your highness.” malamig nitong sabi at kaagad na bumalik sa pakikipag-usap sa Archduke. Nakita niya ang pagtagis ng bagang ng Prinsesa. Siguradong nainsulto ito sa sinabi ng lalaki. “Spill it.” istriktong saad ng Archduke sa lalaki saka bumaling sa mga guwardyang hawak parin ang prinsesa. Sininyasan nito ang mga itong umalis at kaagad naman ang mga itong sumunod. “W-what?! No! Let go!” biglang pagpumiglas ng Prinsesa ngunit hinila na ito ng tuloyan ng mga guwardya palabas ng opisina. Pagkalabas ng mga ito'y kaagad na sumara ang pinto at biglang tumahimik ang paligid. Bigla siyang kinabahan dahil sa seryosong mukha ng mga ito at sa kakaibang atmospera. Pakiramdam niya'y lalabas na ang puso niya dahil sa lakas ng t***k nito. Gustong gusto niyang malaman kung ano nga ba talaga si Syriel, ngunit kailangan niyang maghintay sa sasabihin ng Archduke. “Let us sit first, Your Grace.” biglang sabi ng lalaki na ikinalingon niya rito. Dahil sa sinabi nito'y bigla niyang naramdamang nangangalay na ang mga tuhod niya dahil sa kakatayo. Nanghihina rin ito dahil sa nerbiyos at ngayon pa lang niya ito napansin. Bumuntong hininga ang Archduke saka ito pumayag. Unang nagtungo ang lalaki sa upuan at ipinaupo siya roon. Akala niya'y tatabi ito sa kanya ngunit sa kabila ito nagtungo. Umupo ito sa kaharap niyang mahabang sofa. “Uhm... Is it fine if I'm here?” tanong niya kapagkuwan. Ngayon pa kasi niya napansing nasali narin siya sa pribadong usapan ng mga ito. “Yes.” tipid na sagot ng Archduke saka umupo sa pang-isahang sofa na nasa gitna ng mahahabang sofa. Magkaharap silang tatlo ngayon. May inilagay ang lalaki na mga papel sa mesang pumapagitna sa kanilang lahat at ikinalat ang mga iyon. “Okay. This is my what I got, and as what I've found, Syriel is a mezcla.” saad nito na ikinakunot ng kanyang noo. Hindi niya alam ang huling salitang sinabi nito. “Is this the experiment that the mages did?” biglang tanong ng Archduke na ikinasulyap niya sa gawi nito. Mayron itong seryosong ekspresyon sa mukha habang binabasa ang mga papel na inilagay ng lalaki. Nais niyang magsalita ngunit umaatras ang dila niya. Hindi parin nawawala ang kabang nararamdaman niya tungkol sa kataohan ni Syriel. Naguguluhan din siya sa sinasabing "experiment" ng Archduke. Hindi niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman niya sa mga oras na 'to. Tumango ang lalaki sa katanungan ng Archduke. “Yes, it is. And the child is one of them.” seryoso nitong tugon at tumingin sa kanya saka nagsalita na para bang sa kanya ito dapat magpaliwanag. “Mezcla is one of the experiments that the mages did, Miss. Mezcla means mixture and it really is. It's a mixture of human and mythic humanoid's blood. They created it using magic, humanoids blóód and fétúses. One's the fétus got the blood of humanoids, it'll slowly develop. As that baby grow up, they'll have a different faces or appearance. They're either human or humanoid.” paliwanag nito saka mayrong inabot na papel sa kanya. Kaagad naman niya itong tinanggap at tinignan. Maraming creatures and narito. “That's the list of the creatures that they used as experiment. But, actually, the experiment was messed up. Mezcla can change their appearance, but the mages don't know how and why. In order to be successful, they let this creature be and they made more of mezcla.” anito. Kahit na nakikinig siya sa sinasabi nito'y hindi parin niya naiintindihan ang lahat. She's confused and her brain can't process everything. “Mezcla was used to be the heir of the nobles. Once they can't have a child, they'll order it like a cake in the dessert shop. The buyer can control mezcla, like a slave and owner.” dugtong nito. Napalunok siya bago nagsalita. “Are they... somewhat... lifeless?” puno ng kuryusidad at makahulogan niyang tanong. She's confused and curious at the same time. Saglit na natigilan ang lalaki ngunit tumango rin kapagkuwan. “Yes. They have life yet they can't do anything without the owners order. They can move and think, but they can't do whatever they want, and they can be considered as lifeless.” sagot nito. Kaagad siyang nabahala kay Syriel. Kung mezcla si Syriel, bakit parang malaya ito? Ngumiti bigla ang lalaki. “If you're confused why is that child different, well, he's a failed experiment. He got his own mind to decide.” anito na para bang nababasa ang iniisip niya. He's looking at her as if her thoughts are popping at the top of her head and he can read everything. Akmang magsasalita siya ngunit naunahan siya ng Archduke kaya tumahimik nalang muna siya. “Your report said that he can considered as my child, but you said that he's not. Explain it, Aliferous. Your report isn't complete!” biglang sigaw ng Archduke na ikinaigtad niya sa gulat. Ang ekspresyon ng mukha nito'y parang taong naisahan. Tumawa lamang ang lalaking nag-ngangalang Aliferous bago nagsalita. “Well, by appearance, he is, but by blood, he isn't.” kibit balikat nitong sabi. Dahil sa sama ng tingin ng Archduke ay sumingit siya. “I want to ask something.” pag-agaw niya sa atensyon ni Aliferous at mabilis naman itong bumaling sa kanya. “What is it?” Tumikhim siya upang mawala ang nakabara sa lalamunan niya saka siya nagsalita. “Uhm... Why did he resemble us?” kinakabahan niyang tanong. Ang katanungang ito ang bumabagabag sa kanya noon pa. Kaagad na sumeryoso ang mukha ni Aliferous. “I'll start by saying, he's faceless. I've asked the person that you put in jail and he said that, that child is a monster without face.” Nagtataka siyang tumingin dito. Paanong wala itong mukha e pagkakita niya kay Syriel noon ay mayron itong mukha. “If you seen him having a face, it's an illusion.” saad nito na nagpatigil saglit sa kanya. “P-pero, kitang kita ko na may mukha siya!” Paanong wala itong mukha?! Bumaling siya sa Archduke. “Right, My Lord? He has a face!” Hindi parin siya naniniwala sa sinabi ni Aliferous Tumingin ang Archduke sa kanya at kapagkuwan ay napabuga ng malalim na hininga. “Yes, he has a face. I've seen it.” saad nito. Palipat-lipat silang tinignan ni Aliferous na para bang naguguluhan sa kanila. Nangunot ang noo nito at kapagkuwan ay nagsalita na. “The same face as what he got now?” tanong nito kaya tumango siya. Bumuntong hininga ito. “Then, that child accepted both of you as his parents. Once he makes physical contact with each of you, his face won't change forever. He'll be like your firstborn child.” saad nito na ikinagulat niya at biglang ikinapula ng kanyang mukha. F-first born with the Archduke?! K-kung gano'n, yung mukha ni Syriel ang magiging mukha kung magkakaanak sila... Biglang tumikhim ang Archduke kaya napabalik siya sa kanyang huwisyo. “So, do you mean—?” hindi na natapos ng Archduke ang sasabihin dahil inunahan ito ni Aliferous. “So basically, if you accept him wholeheartedly, he'll become your son. For now, he's only half” anito na ikinalaki ng mga mata niya. Tinignan niya ulit ang Archduke at parang wala lang dito ang sinabi ni Aliferous. He looks so normal. Bakit ganito ang reaksyon nito? “Okay, you could go now.” bigla nitong pangtataboy kay Aliferous na mas lalong ikinalaki ng mga mata niya. “Aight! I'll come back soon!” tugon naman nito saka tumayo kaya bigla siyang nataranta. Hindi pa ito pwedeng umalis! Marami pa siyang nais malaman. Tumayo siya at akmang susundan ito ngunit pinigilan siya ng Archduke. “Where are you going?” tila naiinis nitong tanong ngunit hindi na niya ito pinansin. “I...” lumingon siya sa gawi ni Aliferous ngunit wala na ito at nagsara narin ang pinto. Bumaling ulit siya sa Archduke. “I wanna ask him, My Lord.” nagmamakaawa siyang tumingin sa mga mata nito saka sa kamay nitong nakahawak sa pupulsuhan niya. “Please, let me...” “Fine.” madiin nitong sabi saka binitawan siya. Tipid siyang ngumiti rito saka tumalikod na at hinabol si Aliferous. Nahirapan siyang hanapin ito pagkalabas niya ngunit hindi siya sumuko. Tinakbo niya ang pasilyo at laking pasasalamat niya nang maabutan niya ito. “W-wait! Count!” tumakbo siya palapit dito at kaagad naman itong lumingon sa kanya. “Hmm? Do you need something?” kaagad na tanong nito. Humahangos siyang tumigil sa harapan nito. Huminga muna siya ng malalim saka ito ibinuga at nagsalita na. “I'm sorry for bothering you, but, can I ask you a favor?” tanong niya habang nakatingin sa kulay ginto nitong mga mata. Nakita naman niya ang pagkislap nito at pag-guhit ng matamis na ngiti sa labi. “Sure.” Dahil sa madaling pagpayag ng Count ay kaagad niya itong dinala sa kwarto ni Syriel. Nadatnan nila si Chiya na pinupunasan ang braso nito. Wala paring malay ang bata. “Chiya, maari bang lumabas ka muna?” aniya. Halatang nag-aalangan si Chiya ngunit lumabas din kapagkuwan. Silang tatlo nalang ang narito kaya hinarap na niya si Aliferous. “Can you heal him?” tanong ulit niya rito. Umaasa siyang mapapagaling nito si Syriel dahil napagaling din siya nito noon. “Of course.” nakangiting anito kaya nakahinga siya ng maluwag. “Thank you very much.” puno ng sinceridad niyang sabi. Kung pwede lang niya ito yakapin ay gagawin talaga niya iyon. Nilapitan ni Aliferous si Syriel saka hinaplos ang noo nito. Lumiwanag ang kamay nito sa ilang saglit. “This child is a human with monster's blóód.” anito at bumaling sa kanya. “He'll wake up soon. He's a strong kid.” nakangiting anito. Puno ng kasiyahan na ngiti ang ibinalik niya kay Aliferous saka tumingin kay Syriel. Maaliwalas na ang mukha nito. Lumapit siya kay Syriel at umupo sa gilid ng kama. Hinawakan niya ang pisngi nito. Sa wakas ang magaling na ito. Medyo naiiyak siya dahil sa saya. “Mezcla will make another person have an affection to them, and that's how they survive.” makahulogang saad nito kaya napalingon siya rito. “May I know how mezcla started?” she's curious of it. Umaktong nag-iisip si Aliferous. “Hmm, as I know, the creator is infertile and he wants to give his wife a child. And everything was history.” kibit balikat na anito. Nagkasalubong ang mga kilay niya. Ayos lang ang rason ng taong nag-umpisa nito ngunit bakit ito sumobra? Hindi ba nito naisip na maaring mayrong masamang kalabasan ang ginagawa nito? Mula sa malalim na iniisip ay kaagad na nakabalik sa tamang huwisyo si Querencia at tumayo saka hinarap si Aliferous. Mayron siyang muntikan nang makalimutan. Yumuko siya upang ipakita kung gaano siya nagpapasalamat dito. “Thank you very, very much.” ibunuhos na niya ang lahat ng sinceridad na nasa sa kanya. Malaki ang utang na loob niya rito at hindi sapat ang pagpapasalamat lang. “Raise up your head.” saad nito kaya napa-angat siya ng tingin. Nagtagpo ang mga mata nila at kung hindi siya nagkakamali, kasiyahan ang nakikita niya. Bigla nitong hinawakan ang ulo niya at kinuskos iyon na parang isa siyang bata. “If you're so grateful, then just call me Ali. I'll accept that as your thanks.” anito saka binawi na ang kamay. Wala sa sariling natawa siya dahil sa sinabi nito. Calling him Ali was so easy. “Alright, Ali.” nakangiti niyang sabi. Ngumiti rin ito ng pagkatamis-tamis sa kanya. “Anyway, I'll take my leave now.” kapagkuwan ay sabi nito. Bigla siyang nataranta. Naabala na niya ito. “I'll accompany you to—” Pinigilan siya nito kaya napatigil siya. “No, it's alright. He'll wake up soon and you need to stay here.” saad nito saka naglakad palabas ng kwarto kaya napasunod siya. Pagkalabas nito'y wala na siyang nagawa kundi ang magpaalam dito. “Take care!” sigaw niya at kumaway lang ito pabalik. Nang hindi na niya nakita si Aliferous ay bumalik na siya sa loob at saktong pagkapasok naman niya'y nagmulat ng mata si Syriel. Napasinghap siya sa gulat at mabilis na tumakbo palapit dito. “Syriel...” hinawakan niya ang pisngi nito. Tumingin ang mga mata ni Syriel sa kanya. “M-mama...” mahina nitong sabi at dahil sa pagkatuwa ay bigla niya itong niyakap. “Thank god, your awake!” masaya niyang sabi at bigla nalang lumuha ang kanyang mga mata. He's finally awake!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD