CHAPTER 33

1551 Words
Mahinang suminghot-singhot si Querencia habang kumakain. Kakaalis palang ng Archduke at hiyang-hiya siya sa sarili niya, pero isinantabi na niya ito dahil si Syriel ang inaalala niya. Hindi parin kasi ito gumising. Tumigil siya sa pagkain saka nagtungo sa gilid ng higaan at umupo roon. Hinaplos niya ang noo nito. “Please, wake up.” dumukwang siya upang halikan ang noo nito. She can't take it when he's sleeping deeply like this. Pakiramdam niya'y may mangyayari rito na hindi niya magugustohan. She kept on praying that he'll woke up soon. ISANG ARAW NA ANG LUMIPAS ngunit hindi parin gumigising si Syriel. Ipinatawag na ni Castriel ang mga katulong na nagbantay kay Syriel at ang manggagamot na gumamot dito. Halatang kinakabahan ito at namumutla rin dahil sa takot, pero wala lang iyon kay Castriel. Sapat na ang isang araw na ibinigay niya para makapag-isip sa mga ipapaliwanag ng mga ito. “Tell me everything.” malamig niyang sabi habang diretsong nakatingin ang mga ito. Napalunok naman ang mga ito at ang ilan ay napaigtad. Nakita niya ang pagtutulakan ng mga ito gamit ang tingin kaya mas lalong naningkit ang kanyang mga mata. “U-uhm...” bigla nalang napaluhod ang mga katulong at ang sunod ay ang manggagamot. Nanginginig ang mga ito habang nakaluhod at nakayuko sa sahig. Nag-angat ng tingin ang isang katulong na nag-ngangalang Chiya. “N-nakita ko nalang p-po si Syriel na nakahiga s-sa may daan. H-habang nasa library kami, bigla nalang p-po siyang nawala kaya hinanap namin siya. Wala na po siyang malay noong natagpuan namin siya.” nanginginig na sagot nito at mas lalo pang yumuko hanggang sa dumikit na ang noo nito sa malamig na sahig. “Patawad po sa aming kapabayaan, Your Grace.” paghingi nito ng tawad. Tinignan lamang niya ito saka bumaling sa manggagamot. “What did you know?” tanong niya na ikinaigtad nito. Nag-angat ito ng tingin. “A-ahm... Hindi ko po mawari kung anong nangyari sa kanya, Your Grace. Binigyan ko nalang po siya ng lakas upang gumising siya, ngunit hindi po ito umipekto. K-kakaiba po ang nangyari sa bata. S-sa tingin ko p-po ay kailangan natin ng Wizard upang malaman ang kalagayan nito.” kinakabahang saad nito. Kaagad nangunot ang kanyang noo nang marinig ang sinabi ng manggagamot. How could he not wake up? According to what he sees in the morning as he visits the child, he's alright. Querencia also didn't tell him anything about that child. She only keeps on saying he's fine. Napahawak siya sa kanyang baba. Is he too busy to not know everything? Or did he not gave any attention to it? No, he gave his attention yet she doesn't want him to interfere. Who is he to interfere, anyway? She's just his guest. Their safety is his responsibility, but if she doesn't want him to take it, he can't force it. “Hindi po kayo maaaring pumasok, Your highness!” biglang sigaw ng isa sa mga nagbabantay sa pintuan at bigla nalang itong bumukas. Napatingin siya sa pumasok. Mahigpit niyang ipinagbabawal ang pagpasok sa kanyang opisina tuwing may importante siyang ginagawa kaya matalim ang mga tingin na tinignan niya ito. “What are you doing here, Princess?” malamig niyang tanong sa pumasok. Buong kompiyansang naglakad palapit sa mesa niya ang Prinsesa habang may ngising nakaukit sa labi. “Your Grace, I'm here to say something important. And it's about the child that that bítch brought.” nakangising saad nito. As he heard that "btch" word from this woman's mouth, his blood boiled. This woman is really confident to call someone "btch," yet it was herself. And about the child, does this woman have to do something about what happened? “Talk.” sambit niya sa malalim ka boses at bigla namang kumislap ang mga mata nito. “Well, that woman need to be here, Your Grace.” nakangiting saad nito. Hindi niya alam kung anong pinaplano nito kaya sasabayan nalang muna niya. Sininyasan niya ang mga katulong na kasalukuyan naglilingkod kay Querencia. “Call her.” utos niya sa mga ito at kaagad naman ang mga itong tumalima. Lumabas na ang mga ito at naiwan ang manggagamot kaya pinalabas narin niya ito. Ilang minuto ang itinagal ng paghihintay nila at naiintindihan naman niya iyon. That woman is so hard to persuade. “I greet the Archduke of Wolreign.” biglang bati ni Querencia na ikinaangat niya ng tingin. Taas noo itong tumuwid ng tayo mula sa pagkakatungo at diretsong tumingin sa kanya. He can saw flare of prowess in her eyes. “Hey, there!” pag-agaw ng Prinsesa sa atensyon nito ngunit saglit lang nitong sinulyapan ang babae. “How arrogant.” irita nitong bulong. “Face me, bit—” “I'm not here for you, Your highness.” walang kaemo-emosyong saad nito bago bumaling ulit sa kanya. Nagtagpo ang kanilang mga tingin kaya matiim niya itong tinitigan. She's so different from her past behavior. Her naughtiness was gone and it changed into a serious one. Is it because of Syriel? “Why did you call me, My Lord?” seryoso nitong tanong. “The princess have something to say.” sagot niya saka sumulyap sa Prinsesa. “It's about the child.” dugtong niya. Nakita niya kung paano gumuhit ang ngisi sa labi ng Prinsesa habang nanunuyang nakatingin kay Querencia. “The child isn't yours, Your Grace.” taas noo nitong sabi saka itinuro si Querencia. “She used witchcraft to trick you!” bigla nitong sigaw at mabilis na naglakad patungo sa mesa niya. Mayron itong inilapag na puting panyo na mayrong dugo sa kanyang mesa. Mayron siyang nararamdamang mahika na nagmumula rito. “You can feel it, right? Your Grace? So I'm sure she tricked you!” “How did you get this much of blóod?” malamig niyang tanong habang matalim ang tingin sa Prinsesa. Marami ang nakalagay sa panyo. Sobrang bata pa ni Syriel upang kunan ng ganito karaming dúgó. Napaigtad ang prinsesa dahil sa biglaang pag-iiba ng atmospera. Kung gano'n, ito pala ang dahilan kung bakit walang malay ngayon ang bata. Bago pa siya makagawa ng aksyon ay naunahan na siya ni Querencia. Nagsalita ito. “Ikaw ba ang dahilan kung bakit walang malay ngayon si Syriel?” matapang nitong tinignan ang Prinsesa. Halatang nagpipigil ito ng galit. Humalakhak ang prinsesa na mas lalong nagpainit ng ulo niya. “Oh my, he didn't wake up? Baka sinasabi mo lang yan para makuha ang awa ng mga tao rito. Please, stop this.” maarte nitong sabi. Tumalim ang kanyang mga mata at saka umalis sa kanyang upuan. Hinarap niya ang Prinsesa. How could this woman do something horrible on his territory? Ngumiti ito sa kanya at akmang hahawakan siya ngunit pinigilan niya ang kamay nito. “Y-your grace, aren't you happy that I—” hindi na niya ito pinatapos pa sa pagsasalita. “Guards, drag the princess to her room and lock it up. Don't let her leave until this mess she made is fixed.” utos niya habang malamig na nakatingin sa Prinsesa na hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. He can't put her in jail yet, so he'll just lock her in the guest room for the meantime. Puno ng kaguluhan ang mga mata ng Prinsesa at parang hindi naiintindihan ang mga nangyayari. Pumasok ang mga guwardyang nasa labas at kaagad na dinakip ito. Mabilis naman itong nagpumiglas. “No! Let go of me! No!” sigaw nito at pilit na binabawi ang mga braso. Tumingin ito sa kanya kapagkuwan habang may nagmamakaawang mga mata. “Your Grace! I'm telling the truth! That woman is tricking you! Can't you just believe me?!” nagsusumamo nitong sigaw. Hindi siya nagpaapekto rito. “You don't know anything, Princess.” madiing tugon niya na ikinatigil nito. Mukha itong nabigo sa plano nito. Gulat na gulat itong nakatingin sa kanya. Puno ng pait siyang tinignan ng Prinsesa. “H-how could I not know anything? I investigated everything, Your Grace. I already gave you the evidence. Why are you not listening to me?” lumingon ito sa gawi ni Querencia. “Is it because of her?” bumaling ulit ito sa kanya. “Aren't you confused? Aren't you doubting her? He got a child that resembles you...” Hindi na niya pinansin pa ang pagmamakaawa na ipinapakita nito. Alam niyang nais siya nitong hilahin patungo sa katanungang palaging bumabagabag sa kanya. Pero mayron siyang ibang plano, at labas na ang babaeng ito. Saglit niyang sinulyapan si Querencia at nakita niya ang pagtatagis ng bagang nito. Kaunti nalang ay parang sasabog na ito. Ngumisi bigla ang Prinsesa ng nanunuya habang nakalingon kay Querencia. “See? Cat got her tongue.” bahagyan itong tumawa. Kumuyom ang kamao ni Querencia. “Your highness, my temper isn't that long to keep on listening of your nonsense. Could you please shut up?” madiin nitong sabi na ikinatawa ng Prinsesa ng malakas. “Why?! Is it because it's true?! He's not the Archduke's child!” bulyaw nito. “Yes, you're right. He's not his child.” biglang singit ng kung sino kaya napabaling siya sa gawing pinagmulan niyon. Nakatayo ang lalaki sa isang sulok saka naglakad palapit sa kanila at bahagyang yumukod. “I, Count Aliferous Lukariah, came back, Your Grace.” nakangisi nitong sabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD