CHAPTER 32

1966 Words
Kaagad kumabog ng malakas ang puso ni Querencia nang makitang buhat ni Chiya ang walang malay na si Syriel. Mabilis siyang tumakbo palapit dito at nang makita niyang namumutla ito'y kaagad niyang kinuha ang bata. Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. “Syriel? Syriel? Wake up.” sinubukan niya itong gisingin pero hindi ito nagigising. Kaagad siyang nagpanic nang hindi ito tumugon sa kanya. Nalulumo ang kanyang mga tuhod nang makita ang kalagayan nito. Humihinga ito ngunit hindi nagigising. Maputla rin ang mukha ni Syriel at mabilis ang bawat paghinga. Biglang tumulo ang isang butil ng luha niya dahil sa pag-aalala sa kalagayan nito. “Chiya! Tumawag ka ng manggagamot! Pakiusap!” naiiyak niyang sigaw at si Chiya namang ni-nerbiyos ay kaagad na tumakbo paalis. Nanginginig ang mga kamay na inabot niya ang pisngi ni Syriel at dinama ang temperatura nito. He's so cold... Mabilis niyang niyakap si Syriel upang bigyan ito ng init sa katawan ngunit bigla nalang nawalan ng lakas ang kanyang tuhod at napaupo nalang sa sahig. Nanghihina ang katawan niya dahil sa sitwasyon nito. Parang mayrong pumipiga sa puso niya. “Syriel... Wake up, Syriel....” mahina niyang bulong habang umiiyak. Ano ba kasing nangyari rito? Wala siyang oras na magtanong kay Chiya kanina dahil sa pagkataranta. Hinawakan niya ang kamay ni Syriel at kasing lamig ito ng isang bangkay. Binugahan niya ito ng hininga upang papaano ay uminit ito. “Wake up, Syriel...” mahinang bulong niya. PAGKARATING NG manggagamot ay nadatnan nila Chiya si Querencia na nanghihinang nakaupo sa sahig habang mahigpit ang hawak kay Syriel. Kahit na sa isang tingin ay malalaman kaagad na binibigyan nito ng init ng katawan si Syriel. Nilapitan ng manggagamot si Syriel. “Maari ko bang makita ang kalagayan ng bata, Miss?” tanong nito at mabilis namang tumango ang binibini saka lumayo ng kaunti kayi Syriel. Unang tinignan ng manggagamot ang kamay ni Syriel, at ang sunod ay ang binti nito. Bigla itong natigilan nang makita ang kagat ng isang ahas. Kapagkuwan ay tumikhim ito nang makita ang gulat na ekspresyon ng binibini. “Huwag kayong mag-alala, Miss. Wala pong lason ang ahas na nakakagat sa bata.” seryosong anito. Hindi parin nawawala ang gulat at kaguluhan sa mukha ng binibini. “P-paanong mayrong kagat ng ahas sa katawan niya? Wala ito kanina!” Napalunok ang manggagamot dahil sa pagsigaw nito. Mukha itong kinakabahan. “D-dalhin muna natin ang bata sa loob, Miss...” utal nitong sabi. Mabilis na tumayo ang Miss na ikinagulat ng manggagamot. Kaagad nitong kinumbinsi ang Miss na ito na ang magbubuhat sa bata. Hindi madaling kumbinsihin ang Miss kaya laking pasasalamat niya nang bumigay na ito sa huli at hinayaan ang manggagamot na kunin si Syriel. Nang mapasakamay na ng manggagamot si Syriel ay kaagad itong tumakbo patungo sa loob ng manor. Mabilis naman silang sumunod. Dala niya ang bag ng manggagamot kaya medyo nahuhuli siya. Sa bawat katulong na nadaanan nila'y gulat na gulat na nakatingin sa kanila. Nagtataka at kinakabahan ang mga ito dahil sa nakikitang nangyayari. “Sabihan n'yo ang Archduke!” sigaw niya sa mga katulong at kaagad naman ang mga itong tumalima. Dahil dala niya ang bag ng manggagamot ay tumakbo na siya upang makasunod sa mga ito. Sa pinakamabilis na daan siya dumaan upang makarating kaagad siya sa pang-apat na palapag. Naroon kasi ang mga silid at ang mga kagamitang makakatulong kay Syriel. Pagkarating niya sa pang-apat na palapag ay kaagad siyang nagtungo sa kwarto ni Syriel. Nadatnan niya ang mga itong nakapalibot kay Syriel. Ang manggagamot ay ginagamitan ng mahika si Syriel at parang nahihirapan na ito. Lumapit siya sa mga ito at tumuon ang kanyang atensyon sa Miss na hindi parin mapakali. Nilapitan niya ito at pilit na pinapakalma. “Magiging ayos lang ho si Syriel, Miss. Kumalma ho muna kayo.” pagpapahinahon niya rito. “P-pero... bakit hindi p-parin siya nagigising?” naluluhang saad nito sa kanya. Wala na siyang magawa pa upang pakalmahin ito. Kung pipilitin kasi niya ito'y baka sumabog pa ang dinadamdam nito. Napatingin nalang siya kay Syriel na ngayon ay unti-unti nang bumabalik sa normal ang kulay. Hindi na ito maputla. Habol ang hiningang tumigil na sa paggamit ng mahika ang manggagamot. Tumingin ito sa kanila. “Maayos na ang kalagayan ng bata. Ang hihintayin nalang ho natin ngayon ay ang magising siya.” ani ng manggagamot at parang nakahinga na ito ng maluwag. Nag-angat ng tingin ang Miss. “Pwede ko bang malaman kung anong nangyari sa kanya? Sinabi mong walang lason yung ahas, pero bakit hindi parin siya nagigising?” mahina nitong sabi. Yumuko ang manggagamot at masasabi kaagad na kahit ito'y hindi rin alam kung anong dahilan. “Pasensya na po, Miss. Ngunit hindi ko masabi kung ano nga ba talaga ang nangyari sa kanya. Ang ginawa ko lamang ay ang ibalik ang lakas niya sa katawan.” sagot ng manggagamot. Napayuko ang binibini at tinignan si Syriel saka hinawi ang buhok nito. “Maari na kayong umalis.” walang kaemo-emosyong sabi nito saka nag-angat ng tingin. “Salamat nga pala.” pilit itong ngumiti. Bahagyang yumukod ang manggagamot saka ito lumabas. Sumunod naman siya rito para ihatid ito. Nais pa sana niyang damayan ang Miss ngunit hindi niya alam kung anong susunod na mangyayari kaya hahayaan muna niya itong kumalma. NANG NATANGGAP NI Castriel ang ulat na mayrong nangyaring masama kay Syriel ay kaagad siyang nagtungo sa silid nito. Nadatnan niya si Querencia na nakayuko habang hawak ang kamay ni Syriel na walang malay. Lumapit siya sa dalaga na tulalang nakatingin sa bata. “How's he?” paunang tanong niya. She turned her head and gave him a side glanced— a tired side glance. Her eyes are puffy. Seeing her eyes being like that, his chest tightened and as if his hand has its own life to reach and touch her eyes. “He's okay for now, My Lord. He'll wake up soon.” she said in a raspy voice. He can't help but feeling worried. He sat down at the bed and faced her. “What happened?” he asked. A flood of tears suddenly gushed down her red cheeks. She swiped at her eyes but the tears came any way. “I-I don't know what happened, My Lord.” she answered immediately then turn her face to another direction, as if avoiding his eyes. His eyes squint. Why is she like this? “It's lunch time. Did you already eat?” he asked again, but she just shook her head. Because of her behavior, he stood up and forced her face to face him. He caught her chin then left it up making her looked at him confusedly. “W-why are y-you—” He cut her words. “Stop crying.” it's not a sincere tone, but a strict and commanding one. He's taken aback when her lips trembled while tears are slowly collected and it fell continuously. “Fck it!” he cussed under his breath. He doesn't intended to make her cry again! It's supposed to be comforting, but it failed. Without thinking twice, he carry her and sat down at the bed before putting her down on his lap. He's now hugging her, letting her to cry her heart out on his shoulder. She even bawled. He can't do anything, but to pat her back. He doesn't know how to comfort someone for goodness sake! It took her a minutes to finish crying. Her eyes are swollen and barely to open. She suddenly hiccuped that made him stare at her. “U-uhm... Don't stare at my face, M-my Lord.” she whispered then buried her face to his chest. She's looking like she's ashamed, and that made him chucked without knowing. “Looking like a new born kitten.” he teased, and that didn't failed to make her pouty face. “You're so mean, My Lord.” she whispered again then hide her face using her hands. Seems like it's not enough to cover her face so she hugged him and buried her face even more on his chest that made him stopped breathing for awhile. When he recovered from her actions, he grabbed the extra blanket at the bottom of the bed to cover her up. Her body is so cold and it seems like she didn't notice it... Or, is she absorbing heat from him? “Binibini, maari ho ba akong pumasok?” biglang tanong ng isang katulong mula sa pintuan kaya napalingon siya saglit dito. “Come in.” tugon niya kapagkuwan at natahimik naman ito saglit na ikinapagtataka niya. He doesn't like it when he's repeating his words so he let it be. Sa ilang sandali'y tumikhim ang katulong na nasa labas. “P-papasok na ho ako, Your Grace.” mukhang kinakabahang saad nito bago pumasok habang tulak ang food trolley na dala. “Uhm... Narito na po ang pagkain ng Miss at ng Young M-master.” saad ng katulong saka ipwenesto ang trolley. Halatang naiilang at kinakabahan ito base sa kinikilos nito. Napabaling siya sa binibining nagtatago parin sa dibdib niya nang hilahin nito ang manggas ng suot niya. “I don't want her to see me looking like this, My Lord. Uhm...c-could you please...” parang naiilang nitong sabi at madali naman niyang naintindihan ang ibig sabihin nito. Sininyasan niya ang katulong na umalis na at mabilis naman itong tumalima. Lumabas na ang katulong at silang tatlo nalang ang natitira sa kwarto. “Wala na ba si Chiya, My Lord?” biglang tanong nito at sumilip pa. Napabuntong-hininga siya dahil sa naging posisyon nila. Nakatingin kasi ito sa likuran mula sa balikat niya. “Yes. She already leave and left the food. You'd better eat now.” seryosong saad niya. Hinintay niya ang magiging tugon nito ng ilang minuto ngunit hindi ito kumibo. Kapagkuwan ay bigla nalang itong tumayo na bahagyan niyang ikinagulat. Kaagad itong nagtungo sa trolley at tinignan ang mga pagkaing naroon. Tumayo siya at nilapitan ito. Tinignan niya rin ang mga pagkaing nakahanda, at nang makitang maayos ang mga pagkain ay binalingan na niya ang babaeng kanina pa nakayuko sa pagkain. Taka niyang sinilip ang mukha nito ngunit kaagad itong umiwas. “Are you praying, Miss?” puno ng sarkasmong tanong niya at tinaasan ito ng isang kilay. Kunwaring tumikhim ito at hindi parin tumitingin sa kanya. “A-ahm... Y-yes, My Lord... B-but please, don't look at my face.” utal na anito. Nangunot ang kanyang noo dahil sa inaakto na naman nito. Kapagkuwan ay napailing-iling nalang sya. He knew that it's about her swelling eyes again. “Alright. But, ask the maid to feed Syriel. You're still trembling.” aniya rito at napasulyap naman ito sa kanya ngunit agad ring ibinalik ang tingin sa pagkain. “I can do it, My Lord.” matigas nitong sabi saka humarap sa kanya. “Even though I'm trembling, I can still hold the spoon.” saad nito habang nasa baba ang tingin. Mukhang wala na siyang magawa kundi ang hayaan ito kaya napabuntong-hininga nalang ulit siya. “If that's what you wanted.” nakapamewang niyang sabi saka tumalikod na. He doesn't have any reason to stay longer here anyway. “I'll come back later.” saad niya bago lumabas ng kwarto. Halata kasing hindi ito komportable kapag nagtagal pa siya roon kaya umalis na siya. Marami rin siyang trabahong kailangan pang ayusin at taposin kaya yun muna ang aasikasohin niya. Pagkarating niya sa kanyang opisina ay kaagad siyang umupo sa upuan niya. “Lauren.” pagtawag niya sa kanyang kanang kamay at ang taong pinagkakatiwalaan niya sa mga personal na bagay. “Find out what happened.” mabilis niyang dugtong at mabilis naman itong umalis. He has doubt of what happened so he need to know the truth.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD