Inilibot ni Querencia ang kanyang tingin sa paligid. Sinigurado niyang walang makakakita sa kanya. She can't do anything if someone saw her doing something here.
Sobrang tahimik ng hardin at parang walang taong dadaan ngayon dito kaya inihanda na niya ang sarili. Kailangan niyang magmadali hanggat wala pang nakakakita.
“Hoo! I can do this!” pagpapalakas niya sa kanyang loob saka itinaas ang kanyang saya. Hindi ito masyadong mabigat kaya, kaya niyang gumalaw ng maayos.
Hinawakan na niya ang puno ng mansanas at inumpisahan itong akyatin, pero nagpatulong parin siya sa puno na i-angat siya. Baka kasi magkamali siya sa pag-akyat at mahulog pa. Mahirap ang magkaroon ng bali lalong lalo na't dahil iyon sa kalampahan.
Nang nakarating na siya sa itaas ay sinimulan na niyang hinanap ang kanina pa niya tinitignan na tatlong mansanas. Sobrang pula kasi nito at ang lalaki pa. Kaya naman niya ito kunin gamit ang kapangyarihan niya ngunit baka masira ito kaya hindi niya ginawa. Ayaw niya ring may makaramdam at makaalam ng kapangyarihan niya. Kapag kasi gumamit siya ng medyo malakas ay kaagad itong nahahalata.
Inalala niya kung saang direksyon niya iyon nakita kanina, at nang makita na niya ito'y pinalapit niya ang sanga ng mansanas upang makuha na niya ito. Nang matagumpay niya itong nakuha ay kaagad siyang nagpasalamat sa puno at umupo sa malaking sanga nito.
Gusto niya itong kainin dito. Mas masarap kasi ang prutas kapag sa puno mismo kinain.
Saglit siyang napatingin sa hawak niyang dalawang prutas. Ibibigay niya kay Syriel ang isa rito at ang pangalawa naman ay hindi pa niya alam. Siguro'y sa kanya nalang din?
Wait— should she give it to the princess? Tapos lalagyan niya ito ng mahika.
Bahagyan siyang natawa dahil sa biglang naisip. She'll give it to the princess without telling her that it's a póíson, then she, a witch, will laughed at the end. Parang Snow White lang ang bonding. But, wait, the prince...
No way! No! No! No! Way! Hindi niya hahayaang ang Archduke ang magiging prince! That should be the crown prince!
Pero mas matanda si Prince Florence kaysa kay Snow White, at mas matanda rin ang Archduke...
Napasimangot siya. Bakit siya nasasaktan sa sariling imahinasyon niya?! Hindi naman niya hahayaang mapasakamay ng Prinsesa ang Archduke. She won't let it, over her very sexy déàd body.
“What are you doing there?” biglang saad ng baritonong boses na ikinagulat niya.
“Ay buwaya nadapa!” gulat na gulat niyang sigaw at muntikan pa siyang mahulog. Mabuti nalang talaga at nakahawak siya kaagad sa isang sanga.
Masama niyang tinignan ang tao sa ibaba at nakasalubong naman niya ang pula nitong mga mata. Kasing pula nito ang mansanas na kinakain niya.
“What a weird cúss.” kunot noong saad nito ngunit hindi na niya iyon pinansin pa.
Ang masama niyang tingin ay napalitan ng pagtataka. “My Lord? What are you doing here?” taka niyang tanong. Sa pagkakaalam niya'y abala ito. Kaya nga hindi niya ito ginambala ng ilang araw.
Kalmado parin ang mukha ng Archduke habang nakatingala. Mga nasa 8 feet kasi itong mansanas na inakyat niya kaya napatingala ito.
“I asked you first.” madiing saad nito habang naka-krus ang mga braso. Bakit mas lalo itong naging istrikto ngayon?
Lihim siyang napaingos bago nagsalita. “I saw red and big apples, My Lord, and they kept témptíng me. That's why I climbed this tree.” aniya at saka ito matamis na nginitian, kasing tamis ng mansanas na kinakain niya ngayon. “Want some, My Lord?” alok niya at iniabot ang dalawang hawak niyang mansanas. Hawak kasi niya ang kinakain niya kaya ang mga ito ang naiabot niya.
Sa matamis na ngiting iginawad niya'y masamang tingin ang ibinalik ng Archduke. “Get down here, Miss.” nag-uutos na saad nito.
Napanguso siya. Paano siya makakababa kung nakaabang ito? At tsaka, hindi siya marunong bumaba ng puno, marunong lang siyang umakyat.
“I don't know how to get down, My Lord.” pag-amin niya at nag-iwas ng tingin. “I can only follow your command if you'll help me here.” matapang na dugtong niya. Inaasahan na niya itong bumuntong hininga dahil nawalan na ito ng pasensya sa kanya ngunit hindi niya ito nahulaan.
“Okay. Jump and I'll catch you.” bukal sa loob na sabi nito sa kanya kaya napapantastikuhan siyang napatingin dito.
Is he for real?!
“Really, My Lord? For real?” malalaki ang mga matang tinignan niya ito. Hindi kasi siya makapaniwalang kusa itong nag-alok sa kanya na man-chansing siya. Wala siyang balak kanina pero ang grasya na mismo ang lumapit kaya bakit tatanggihan pa niya?
Hindi nag-iba ang ekspresyon sa mukha ng Archduke. Seryoso parin ito. “Faster, Miss.” pangmamadali nito sa kanya kaya wala na siyang nagawa kundi ang sundin ito. Ito naman ang mananagot kapag may mangyaring hindi maganda sa kanya.
Inilagay niya sa kanyang bulsa ang dalawang mansanas habang ang isa nama'y hawak parin niya. Nakadupa na ang mga braso ng Archduke kaya inihanda na niya ang sarili sa pagtalon. May tiwala siya rito na sasaluhin siya nito kaya walang pagdadalawang isip na tumalon siya.
As she landed on his body, his arms automatically wrapped around her. Tight and secure.
Nang nasalo siya ng Archduke ay medyo lumayo siya rito at marahan na natawa. Nakaharap kasi siya rito habang nakahawak ito sa likuran niya at ang braso naman nito'y nasa pwetan niya nakasuporta.
“Wow! That's a great catch, My Lord!” natatawang puri niya rito.
Napailing-iling ang Archduke saka siya ibinaba. Medyo nadismaya siya dahil sa ginawa nito ngunit ipinagsawalang bahala nalang niya iyon. At least, nakayakap siya saglit dito.
“Looking like disappointed. You want to climb again?” taas kilay na tanong nito. Siguro'y napansin nito ang mukha niya.
Wala sa sariling napanguso siya. If she could climb again, it would be him.
“I've got what I wanted, My Lord.” aniya kapagkuwan at saka may dinukot sa kanyang bulsa. Ipinakita niya ang mga mansanas. “Tsaran!” parang bata niyang sabi.
“Hmmm... I see...” tatango-tango nitong sabi saka sinulyapan ang ibabaw ng puno. “I really thought that there's a monkey over here.” dugtong nito na ikinawala ng masaya niyang mukha.
Napaismid siya. “You're so harsh, My Lord. If that's a monkey, it would be a very beautiful monkey.” aniya at humalukipkip. Grabe kasi ito, napagkamalan pa siyang unggoy. Dumaan tuloy ang ipuipo na tinatago niya.
Napatigil siya bigla at nanigas sa kanyang pwesto nang biglang pisilin ng Archduke ang kanyang pisngi. “Yeah, it is.” may sinusupil itong ngiti sa labi na ikinatunganga niya.
W-what did he say?! A-and why's this guy's so fréàkíng handsome?! It even doubled, no, multiple times when he smile!
Naramdam niya ang biglang pag-init ng magkabila niyang pisngi kaya kaagad siyang nag-iwas ng tingin. Sinusubukan ata siya ng pasensya niya ngayon.
Nang may maalala ay kinuha niya sa kanyang bulsa ang isang mansanas at iniabot iyon sa Archduke, baka sakaling kumalma na ang puso niya kapag ibinaling na niya sa iba ang kanyang atensyon.
“Please take it, My Lord. I would like to thank you for helping me going down there.” nakangiting aniya at walang pag-aalinlangan naman itong tinanggap ng Archduke.
“Hmm. Thanks.” baritono nitong sabi kaya tumibok na naman ng malakas ang puso niya.
Dammnn that attractiveness! Dilekado talaga itong Archduke sa puso niya.
Bahagyan siyang nasilaw sa biglang pagsulpot ng sikat ng araw kaya napatabon siya sa kanyang mukha. Parang matagal na siyang nawala.
Oh my gosh! Baka hinahanap na siya ni Syriel!
Kaagad siyang nataranta ngunit hindi niya ito hinayaang hindi sya maka score ngayong araw.
Mabilis niyang hinila ang kwelyo ng suot ng Archduke at saka tumingkayad. Walang pasabi niyang hinalikan ang baba nito na ikinagulat ng Archduke.
Nang natapos siya'y mabilis siyang tumakbo paalis. “Bye, My Lord! See you later!” sigaw niya mula sa malayo habang kumakaway ang kamay.
Napaka swerte talaga niya. Mansanas lang na malaki at pula ang sadya niya pero mayron pang dumagdag na mas mapula at malaki.
TAHIMIK NA NAGLAKAD palabas si Syriel ng silid-aklatan upang hindi siya mapansin ng mga katulong na kasama niya. Ayaw niyang makita siya ng mga ito dahil naiinis na siyang palagi ang mga itong nakasunod sa kanya. Alam niyang binabantayan lang siya ng mga ito para hindi siya mapahamak ngunit palagi nalang ang mga itong nasa paligid niya.
Tanging sa pagtulog lang siya nakakaramdam ng kalayaan, at saka lang niya ito nararamdaman kapag kasama niya ang Mama niya. Pero minsan lang sila nito nagkakasama dahil puro lang siya aral. Nais kasi niyang magkaroon ng pinag-aralan para mas lalong humanga ang Mama at Papa niya. Tinanggap siya ng mga ito nang walang pag-aalinlangan kaya papatunayan niya ang kanyang sarili.
Tumingala siya at tinignan ang asul na kalangitan. Nasa labas na siya. Oras na para hanapin ang mama niya.
Tumakbo siya patungo sa hardin. Palagi kasing nandito ang mama niya kapag nasa library siya.
Sabik siyang naglakad patungo sa gilid ng hardin, ngunit nang lumiko siya'y mayron siyang biglang nakasalubong kaya nabangga niya ito at malakas na sumalampak sa lupa.
“Argh! What the héck is this?! You again?!” biglang sigaw nito sa kanya na ikinatigas niya.
No, this woman again. The bad lady.
Kaagad siyang nanginig sa takot. His mama isn't here to protect him. He's alone. He's in danger.
“Calm down, Princess.” biglang singit ng isang boses lalaki. Masama ang awra nito at may nararamdaman siyang itim na mahika rito. “Anyway, is it the kid that you're talking about?” tanong nito kapagkuwan sa Prinsesa. Napalunok siya dahil sa paraan ng pananalita nito. The man sounds like a múrdérér.
Biglang humalakhak ang prinsesa at saka nang-uuyam na tumingin sa kanya. Hindi siya nakatingin dito ngunit nararamdaman niya. May gagawin itong masama.
“Owh, yes.” nakangiting saad nito.
Unti-unting lumapit ang lalaki kaya napapaatras siya. He can feel his bad intention. “D-don't c-come! S-stay f-far!” nanginginig sa takot niyang sigaw.
Marahang tumawa ang lalaki. “Oh my. What a spóíléd bràt.” nakangising sabi nito at bigla nalang hinawakan ang ulo niya. Hindi siya makagalaw sa di malamang dahilan.
The man is doing something to him. He's controlling him.
Mayron itong kinuhang kutsilyo mula sa bulsa nito at itinutok sa kanya.
No...no...no!
“No!!!”