“Why is she here?” takang tanong ni Querencia pagkakita sa prinsesa na unang pumasok sa hapagkainan.
“Mama, let's go back?” natatakot na bulong ni Syriel habang mahigpit na nakahawak sa kamay niya.
Tinignan niya ito at saka bahagyang pinisil ang kamay ni Syriel. “Why?” tanong niya.
Napalunok ito. “M-may bad lady, Mama...” mahina nitong saad.
Napabuntong-hininga siya. Kahit hindi gusto ni Syriel, kailangan parin nilang sumabay sa agahan. It would be rude for the Archduke if they won't be present.
“Don't worry, Mama is here.” pagpapakalma niya kay Syriel.
Halatang nag-aalangan ito base sa ekspresyon nito, ngunit kapagkuwan ay tumango rin ito. “O-okay po...” anito at nauna nang maglakad.
Nagpatuloy na sila sa paglalakad at pumasok na sa hapagkainan.
Pagkapasok nila'y agad na umangat ang tingin ng Prinsesa sa kanilang dalawa at hindi nakatakas sa mga mata niya ang gulat na gulat nitong mukha habang nakatingin kay Syriel.
Hindi na niya pinansin pa ang reaksyon nito. Nagtungo sila sa kanilang upuan at umupo roon.
“H-how—” naputol ang sasabihin ng Prinsesa nang bigla nalang dumating ang Archduke. Tahimik itong pumasok at umupo sa upuan nito.
Nanatiling nakaawang ang labi ng Prinsesa habang palipat lipat na tumingin sa dalawang lalaking nasa hapagkainan.
Dahil sa itsura nito'y hindi niya napigilan ang mahinang matawa. Kahit na hindi nito sabihin ay alam niyang napagkamalan nitong anak ng Archduke si Syriel. Mabuti nalang talaga at naglakas loob na pumunta si Syriel dito kahit na natatakot ito.
Kumuyom ang kamao ng Prinsesa at bigla nalang itong napabuga ng malalim na hininga. “Your Grace!” bigla nitong pagtawag sa Archduke kaya napatigil ito pagsubo nito ng pagkain.
Masama ang tingin na binalingan ito ng Archduke. “What?!” tila naiinis nitong sabi.
Biglang napaurong ang prinsesa. Napakurap-kurap ito sa di malamang dahilan at kapagkuwan ay mabilis na umiling. “N-nothing, Your Grace.” utal na tugon nito saka kumain.
Palihim siyang sumulyap dito. The princess was so pale. She looks like she saw a ghost.
Sobrang tahimik ng paligid at parang walang may balak na magsalita sa kanila kaya binasag niya ang katahimikang namayani sa buong hapagkainan.
“Want some honey, My Lord?” alok niya saka inabot ang lalagyan ng honey.
Magkasalubong ang mga kilay ng Archduke nang bumaling ito sa kanya. “Honey?” taka nitong tanong.
Gumuhit ang ngisi sa kanyang labi nang mayrong pilyang ideya na pumasok sa utak niya. “Yes, honey.” malambing na saad niya at nakita naman niya ang pagtagis ng bagang ng Prinsesa. Bilang ganti, pipikunin niya ito.
Hindi parin tumuwid ang mga kilay ng Archduke. “Why honey?”
Malawak siyang ngumiti. “Coz you're my honey!” banat niya at bigla nalang napaubo ang mga katulong na nakatayo sa isang sulok. Nagkanya-kanya ang mga itong itago ang mga mukha at parang natatawa, habang ang iba nama'y tila kinikilig.
Napabuntong-hininga ang Archduke saka kinuha ang honey na hawak niya. Dinagdagan nito ng kaunti honey ang pancake nito. Ito kasi ang agahan nila.
“Papa, honey.” mahinang sabi ni Syriel sa Archduke habang nakaturo ang cute nitong hintuturo sa honey na hawak nito.
Akmang iaabot ito ng Archduke kay Syriel ngunit sumingit ang isang katulong. “A-ako na po riyan, Your Grace.” utal na saad nito.
“No, let us.” malamig na saad ng Archduke kaya napaatras ang katulong.
Inabot na ito ng Archduke kay Syriel. “Thank you, Papa!” nakangiting sabi nito saka mabilis itong tinanggap. Nilagyan nito ng saktong dami ng honey ang pancake nito.
Habang nasa Archduke at Syriel ang atensyon ng lahat ay pasimple niyang tinignan ang prinsesa. Masama ang tingin nito at parang nagpipigil.
Nang natapos na silang dalawa ni Syriel sa pagkain ay tumayo na siya saka nilapitan ang Archduke. Walang pasabi niya itong hinalikan sa pisngi na ikinatigil nito.
“We'll go first, My Lord.” aniya sabay kindat at tumalikod na. Nilapitan niya si Syriel at hinawakan ang kamay nito.
Sabay silang lumabas ng hapagkainan, ngunit bago pa sila nakalabas ay pinasadahan niya ng tingin ang Prinsesa. Pinanlisikan siya nito ng tingin na nginisihan lang niya.
Halatang nagtitimpi lang ang Prinsesa. Aaminin niyang nasisiyahan siya sa nakikita niyang itsura nito. It's so satisfying.
“Do you feel good?” makahulogan niyang tanong kay Syriel.
Ngumiti ito ng malawak at mabilis na tumango. “Yes, Mama!” anito na tila naiintindihan ang ibig niyang sabihin at kapagkuwan ay napaisip. “But, Papa seems so shock. He didn't move.” nakangusong dugtong nito.
Tumaas ang dalawang kilay niya saka napahawak sa kanyang baba. “Hmmm, did your Mama's love affect on your Papa?” patanong niyang sabi.
Gumaya rin sa kanya si Syriel. “Hmmm, I think so.” pakikisabay nito sa kanya na ikinatawa niya kapagkuwan.
Kinuskos niya ang ulo nito. “You, kiddy.” nanggigigil na saad niya at tumawa lang naman si Syriel.
Both of them felt satisfied. They got their revenge even though it's only a little. Hindi niya alam kung kailan o ilang araw ang pamamalagi ng Prinsesa rito. Pero hanggat narito ito rito'y hindi niya ito pipigilan sa pang-aasar. She's not afraid of her anymore, lalo na't alam niyang kakampi nila ang Archduke. He promised her that he'll protect their lives.
On the second day, they met the Princess at the garden. She's busy picking roses. On the third day, she heard that the princess gave it to the Archduke yet she got rejected.
Natatawa nalang siya sa mga naririnig tungkol sa Prinsesa. Habang abala ito sa pagkuha ng atensyon ng Archduke, siya naman ay abala sa pag-ayos ng damit nitong kay hirap ayusin. Palagi siyang nagkakamali dahil mayrong tela na nakakaligtaan niya at nasasali sa pagtahi.
“Argh! Stop following me! Hindi ba kayo nakakaintindi?!” galit na sigaw ng Prinsesa sa mga katulong nito. Dumaan ito sa harapan nila at nang makita siya nito'y mabilis itong bumaling sa ibang direksyon. “Argh! You wénch!” sigaw nito saka mabilis na naglakad palayo.
Umawang ang labi niya. Is she referring to her? Whoa! Unbelievable!
“Huwag n'yo nalang pong pansinin ang Prinsesa, Miss. Tinanggihan kasi yun ng Archduke kaya nagkaganon.” ani Chiya na nakatayo sa likuran niya.
Nilingon niya ito. Oras na para sumagap ulit ng panibagong chismis.
“Ano ba yung ginawa niya?” tanong niya.
“Uhm... Parang mayron na naman siyang ibinigay sa Archduke na tinanggihan nito. Sa pagkakaalam ko ho ay isa pong brooch na sobrang bihira lang matagpuan ang ibinigay ng Prinsesa.” sagot ni Chiya.
Napatango-tango siya. Naiintindihan niya ito dahil sobrang napaka-mapili talaga ng Archduke. Kaunti lang ang mga bagay na nagugustohan nito. Ramdam niya rin ang inis na nararamdaman ng Prinsesa dahil tinanggihan narin siya ng Archduke noon. Pero mabuti nalang at hindi iyon mamahalin.
“She's so diligent.” komento niya saka nagpatuloy na sa paglalakad.
Pinuntahan niya si Syriel na nasa library at abala parin sa pag-aaral. Parang naghahanap ito ng ibang mapagkakalibangan at napapansin niya ring kinukulong nito ang sarili sa library dahil kahit saan ay naroon ang Prinsesa na basta-basta nalang sumusulpot katulad kanina.
Hanggang hapon ang pag-aaral ni Syriel at siya ang nagtuturo minsan kaya gabi narin sila nakakabalik sa kwarto nila. Ngayon ay medyo maaga sila natapos at hindi pa siya inaantok kaya tinapos na niya ang damit ng Archduke na halos mag-isang linggo nang nasa kanya. Kahit botones lang ang natanggal dito'y natagalan parin siya.
“Done!” nakangiti niyang sabi saka napahikab. Finally! She finished it! Mabuti nalang talaga at hindi siya tinamad. Ipinadala ito ng Archduke kay Johan dito at nagdadalawang isip naman siya kung si Johan din ba ang magbabalik nito.
Napabuntong-hininga siya saka tumayo. Ayaw na niyang abalahin pa si Johan at alam naman niya kung saan ang kwarto ng Archduke kaya siya na ang pupunta.
Kinuha na niya ang kanyang pansapaw sa kanyang pantulog na suot at isinuot iyon. Mabuti nalang talaga at hindi na lantad ang katawan niya sa pantulog na suot niya.
Nang natapos na siya'y kinuha na niya ang damit ng Archduke at saka lumabas na ng kanyang kwarto at nagtungo na sa kwarto nito.
Sa tanang kwarto rito'y sa Archduke lang ang may pinakamagarbo at pinakamalaking pintuan kaya hindi siya nawala.
Pagkaharap niya sa pintuan nito'y agad siyang kumatok ng tatlong beses.
“Who's it?” rinig niyang saad ng Archduke mula sa loob.
“Good evening, My Lord. It's me, Querencia.” tugon niya. Sa ilang sandali'y nakarinig siya ng pagbukas ng pintuan kaya bahagyan siyang napaatras at bumungad naman sa kanya ang bagong ligong Archduke.
Shyt! Ang yummy...
Mula sa mukha ay unti-unting bumaba ang mga mata niya sa leeg, sa matipunong dibdib, sa 8 packs abs at sa V-lines nito.
Naglalaway na siya. His body is like a man made sculpture!
Oh my....
Akmang hahaplos ang kanyang kamay sa tiyan nito ngunit agad niyang pinigil ang sarili. Naka hubad baro ang Archduke! Syete! Kailangan niyang maghunos-dili!
“I brought your shirt, My Lord!” mabilis niyang tinakpan ang katawan nito gamit ang damit na hawak niya. Nakapikit narin ang kanyang mga mata. Ayaw kasi niyang mawalan ng huwisyo kaya sasagipin na niya ang sarili niya.
She need to think something holy... something holy... Oh my goodness, his body is the only one that enter her thoughts!
Change plan! She need to calm down! She needs to calm down!
“Come in.” biglang saad ng Archduke at saka kinuha nito ang hawak niya.
Idinilat niya ang isa niyang mata. “U-uhm... It would be better if I'll stay here, My Lord.” I might hàràss you.
“Come in. It's cold outside.” he insist.
Tatanggi sana siya sa sinabi nito ngunit hinila na siya ng tuksó kaya napasunod siya sa loob ng kwarto. The outside was cold, and now, it's so hot! Literally!
“Take a sit.” saad ng Archduke habang nakatalikod at isinusuot ang damit nito.
Dammn! It's témpting her!
Sinunod niya ang sinabi ng Archduke at umupo siya sa itinuro nitong upuan. “Are you torturing me, My Lord?” walang buhay niyang sabi. She felt like her soul left her body.
Humarap na sa kanya ang Archduke habang nakasabit sa leeg nito ang tuwalya. “Why? Did it affect you?” pabalik nitong tanong sa kanya kaya napalunok siya. Is he teasing her?
Umupo ang Archduke sa katabi niyang upuan at may inabot itong papel. “It's about the accident. The King delivered a letter.” saad nito.
Kinuha niya ang papel at binasa ang mga iyon. Habang tumatagal ang kanyang pagbabasa ay unti-unti ring lumalaki ang kanyang mga mata.
“What the fu—?!” napatigil siya sa pagmumura nang biglang napatingin sa kanya ang mga mata ng Archduke. “I mean, My Lord! Siya ang nauna! Muntik na nga niyang masàgàsaan si Syriel tapos sasabihin pa niyang kami ang may kasalanan at inosente ang anak niya!” galit niyang sabi.
“Unreasonable, right?” saad nito na sinang-ayunan niya.
“Of course! It's unreasonable! He's trying to show that he cares about her daughter yet he wants you to marry her! Ano ang Prinsesang yun, pagkatapos niyang gumawa ng gulo, ipapalit niya ang sarili niya as a peace offering?!” puno ng inis niyang sabi. May balak pala ang babaeng yun na agawin ang Archduke kaya ito narito.
“What should I put as response?” biglang tanong ng Archduke na ikinatigil niya. His question confused her for a second.
“I-it's your own decision, My Lord. I'm just a guest here.” hindi makapaniwalang tugon niya. Why's he asking her about that?!
“I just want to hear you thoughts since Syriel isn't comfortable when she's around.” anito.
Alam na niya kung bakit narito ang prinsesa kaya hindi niya masabing paalisin ito ng Archduke. Wala siyang ni isang ideyang pumasok sa utak niya kaya wala siyang maisagot.
Umangat ang kanyang tingin sa mukha ng Archduke at bahagyan siyang napasinghap nang makita ang eye bags nito. Ngayon palang niya ito napansin. Hindi ito malala at parang hindi ito natulog ng ilang araw.
Walang pasabing hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito at iniharap sa kanya ang mukha. “Oh my gosh. Did you even sleep, My Lord?!” gulat at nag-aalala niyang sabi. Kaya pala napatanong ito sa kanya dahil na e stress na 'to.
“I sleep, Miss—” pínútol niya ang sasabihin nito.
“You should sleep now, My Lord. Kahit hindi mo man sabihin, alam kong pagod na pagod ka.” hindi lang halata dahil sa sobrang gwapo nitong mukha.
Hinila niya ito patayo at nagpadala naman ang Archduke. Dinala niya ito sa kama nito at sapilitang ipinahiga.
“I can't sleep.” seryosong saad nito na tila ba sinasabing tigilan na niya ito.
Lihim siyang napairap. “My Lord. Even though your body is strong, you still need to sleep.” pangaral niya rito saka ipinaunan ang hita niya. “I'll help you.” kapagkuwan ay saad niya.
Napapantastikohang tumingin sa kanya ang Archduke. “I'm not Syriel, Miss—”
“I know, My Lord. But, I just want to help.” sansala niya sa iba pang sasabihin nito.
Maingat niyang kinuha ang tuwalyang nasa balikat ng Archduke at ikinuskos iyon sa ulo nito para kahit papano ay matuyo ang buhok nito. “Please cooperate, My Lord.” saad niya.
Malalim itong napabuntong-hininga. “Fine.” pagsuko nito at ipinikit ang mga mata.
Napangiti siya nang hinayaan na siya nito. Habang kinuskos niya ang ibabaw ng buhok nito'y ginamitan naman niya ng mahika ang ilalim nito para matuyo. Sinasabayan narin niya ng masahe ang ulo nito.
Sa ilang sandali'y bumibigat na ang paghinga ng Archduke at parang nakatulog na ito. Parang ang dali lang nitong makatulog.
Maingat niyang inilipat ang ulo nito sa unan at nang napagtagumpayan ay nilapitan na niya ang mga ilaw. Pinatay niya ang mga ito upang mas lalo pang humimbing ang tulog ng Archduke.
Hindi pa siya inaantok kaya bumalik muna siya sa sofa at binasa ang mga papel. Mayron siyang itinirang ilaw kaya maayos ang pagbabasa niya.
After reading everything, she realized that the King of Pilaires are really gréedy. It píssed her. Ang anak naman nitong prinsesa ay hayok din sa kapangyarihan kaya ito dumidikit sa Archduke.
Isinandal niya ang katawan sa sandalan at saka itinukod ang kanyang kamay sa kanyang pisngi.
Inisip niya kung paano masusulosyunan ang problema hanggang sa hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
Reading the matters of Archduchy are so challenging.