Pagdating namin sa Mindoro, sa ospital kami dumiretso, wala na siyang inabutan. Isang linggo ng patay ang kanyang anak. Hindi pa lang mailibing ng ilan nilang kamag anak kasi hinihintay daw siya. Matagal siyang nagmukmok. Namayat talaga si Bugoy. Nagkasakit na siya. Ako naman, nagluluto luto sa labas ng kanyang bahay. Nakakaraos ang araw araw namin. Hiniram ko ang oerang hawak niya. "Bugoy, pare, kung hindi ka kakain, malulungkot ang anak mo." sabi ko sa kanya. "Gusto ko ng mamatay.." sagot niya sa akin. "Wag pare" umiyak ako sa sinabi niya. Niyakap ko siya "Ikaw na lang ang kakampi naming mag ama, pababayaan mo ba kami?" "Kaya nyo na naman. Kinarma na ako ng Diyos. Kinuha niya ang pinakamamahal kong anak.." "Nandito pa kami ni Angeli, i mean ni Dulce, mahalaga ka sa amin. Maawa ka s

