"Grabe talaga tong Martin na to.. pati ganitong bagay pinapatulan!" ipinosas ako ni Bugoy sa isang poste saka siya lumabas. Pagbalik niya, may dala siyang gatas. "Padedehin mo muna ang anak mo" sabay abot nito ng bote sa akin. "Salamat.. salamat Bugoy" agad niyang ibinigay sa bata ang dede. Gutom na gutom ito. "Hindi ka maaaring bumalik sa kung saan ka galing. Hindi mo kilala si Martin" sabi niya sa akin. "Papatayin mo ba ako?" naglakas na ako ng loob na magtaning sa kanya. "Oo, kailangan eh" kaswal lang ang sagot niya sa akin. "Kahit ako na lang, wag na ang anak ko, pakiusap.." lumuluha na akong nakikiusap sa kanya " bata pa ang anak ko. Kailangan pa niyang mabuhay." "Paoatayin ako ni Martin kapag hindi kita tinuluyan" napailing ito. "Mabuti kang tao Bugoy, bakit mo ito ginagawa

