Talagang pinanindigan na niya ang pagbabago. Simula hitsura at pananamit. Madami mg katrabaho niya ang nag aaya sa kanya ng date, minsan inililibre pa siya. "Hi Jeff.. para sakin ba yan?" tanong ni Monet sa isa nilang katrabaho. "Aah.. sorry Monet, para kay Marie kasi to" sagot nito. "What? ako ang lagi mong inililibre ah, bakit ngayon, iba na?" nanlalaki ang mata nito. "For the change" sagot ni Jeff saka lumapit sa kanya "hi Marie.. for you" "Oi salamat.. " kinuha ni Marie ang iniabot na value meal "Nakakahiya naman." "Gusto kitang maging kaibigan Marie" sabi pa nito sa kanya "wala kasi tayong chance before. Nahihiya kasi ako, tahimik ka lang eh." "Naku, akala mo lang yun hahaha salamat dito ha." sabi niya. "Anytime Marie. Sige dun muna ako" paalam nito. Kitang kita niya ang panl

