Sa tuwing lalabas siya ng opisina, lagi niyang nararamdaman na may sumusunod sa kanya ng tingin. Natatakot na siya baka mamaya multo ang magpakita sa kanya. Nagmamadali siya ng maramdaman niyang may humawak sa balikat niya. "Wag nyo po akong papatayin, kunin niyo na po ang mga gamit ko at umalis na kayo.." nakapikit niyang sabi. "Gaga.." hinila ni Domeng ang kanyang buhok. "Diyos ko Domingo, kinabahan ako. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong niya "sana nagmesaage ka no" inayos niya ang kanyang sarili. "Para ka kasing abnormal. Ano bang nangyayari sayo?" "Ilang araw na kasi akong kinakabahan. Feeling ko may sumusunod sakin." "Napapraning ka na naman.. Tara.." "Saan?" "Hello? kakain.. as if naman imomotel kita!" "Yuuuck.. baka bumuka ang lupa niyan" "Alam mo nagbago ka na, pati

