POV: Bernard Masaya siyang nabuo ang pamilya niya. Hanggang langit ang nararamdaman niyang kaligayahan. Dinala ng mama niya ang kanyang tatay at kapatid sa U.S, sa mga kapatid nito. Subalit durog na durog ang puso niya. Pakiramdam niya, galit sa kanya ang mundo. Bumalik siya sa dating gawi. Inom at babae. Mahirap kalimutan ang gaya ni Marie. Araw araw niya itong naaalala. Tiis na tiis na siya. Nagtatyagang makita ang babae kahit sa malayo at malaman kung may boyfriend na ito. Deserve niyang masaktan, dahil masama siyang klase ng lalaki. Mahina siyang karelasyon. Pinilit niyang magbago, pero siguro, ramdam pa ni Marie ang sakit ng pagkawala ng kanilang anak. "Hi, alone?" bati ng isang babae sa kanya. "Yeah, game ka ba?" tanong niya dito bago lagukin ang huling patak ng iniinom na br

