POV:Marie Nakakahiya na kay Bernard pa siya magpapasama ngayon. Ilang buwang hindi niya ito kinausap tapos ngayon ,tinawagan niya lang dahil may kailangan siya. Kumakabog ang dibdib niya. Parang tambol sa lakas. Kinakabahan siya. May tumigil na sasakyan sa kanyang harapan. Ibinaba ang bintana. "Marie.." nakangiti ito sa kanya. "Ha,. hi" hindi niya alam kung ngiting totoo o ngiting plastic ang ibinigay niya sa lalaki. Hindi na niya hinintay na bumaba ito. Binuksan niya ang pinto saka siya sumakay. Medyo matraffic na, kaya mabagal ang kanilang takbo. "Kumusta ka na?" sabay nilang sabi. Natawa pa sila. "Ikaw muna" sabay pa rin sila. "Eheemm" si Bernard "lalo ka atang gumanda at sumexy ngayon" Napangiti naman siya "salamat.. ikaw?. ang payat mo ah.. kumusta ka na?" "Bumagsak nga ang

