"Oo!" "Wala!" Magkasabay sila ng sagot ni Bernard. Na stress siya bigla sa kapatid. Napakataklesa talaga. "Kaibigan siya ng boss ko" sabi niya kay Marlon sabay kurot sa tagiliran "wag kang matanong" bulong niya sa kapatid. "Aaaaah... aaaahraaay" sigaw ni Marlon na ikinalingon ng mga tao sa kanila. Pinandilatan niya ang kapatid. "Bakit?" nag aalalang taning ni Bernard. Inapakan niya ang paa nito na noon ay nakasapatos pero heels niya ang itinusok niya sa hinlalaki nito. "Aaaah... aray ku pu" halos maiyak ito sa sakit "nadali ni ate ang ingrown ko.. ang sakit" "Gusto mo ipapadoctor kita?" offer ni Bernard. "Naku, hindi na.. mamasahihin ko na lang siya sa bahay" sabi niya. "kumain ka na.. ay.. wala pa palang pagkain. Wag mo kaming intindihin." Isa isa ng dumating ang inorder na pagk

