Kung pwede lang ilabas niya ang kanyang kaluluwa sa bintana habang nakasara ay ginawa na niya. Mahimbing ng natutulog ang kapatid niyang taklesa sa back seat. Gusto man niyang matulog, pero ang presensiya ng kanyang diwa ay nakafocus pa rin kay Bernard. Medyo siniraan niya ito ng konti sa kapatid niya. Kaya nakakahiya, matapos siyang tulungan, yun lang ang mapapala nito. Ang traffic ay hindi makisama sa kanya, madami ng nag uuwian at marami ng mga bus na nasa kalsada. Tumikhim si Bernard bago nagsalita. "Totoo bang babanatan ako ng kapatid mo?" tanong nito sa kanya. "Huh?" nagkunwari siyang naalimpungatan. "Wag kang umarte na natutulog ka, kita kita sa salamin ng bintana, bukas na bukas ang mga mata mong maliliit." "Teka, ano bang sinasabi mo ha?" nagkunwari akong galit para hindi n

