POV: Bernard Ang sakit sakit ng ulo niya. Ayaw niya pang magmulat ng mata, subalit ang nakakasulaw na liwanag na nagmula sa isang flashlight ang siyang nag uudyok na ibukas niya ang kanyang mga mata. Dahan dahan niyang iminulat ang mata, saka naaaninag ang malalabong pigura sa paligid. Unti unting luminaw ang mga hugis. Mga familiar na mukha pa rin. "Gising na siya" narinig niya ang tinig ng doctor na tumingin sa kanya. Nagmamadaling lumapit sa kanya si Ellie. "Baby, kumusta ka na?" tanong ng asawa niya sa kanya. "A--anong nangyari?" kasing hina ng katawan niya ang kanyang boses. "Bigla kang nawalan ng malay. Buti narito na ako. Bumaba daw ang sugar mo" tiningnan pa nito ang mga nakapaligid sa kanila. "Uuna na ko Ellie," paalam ng doctor "pag may problema, tawagan mo na lang ulit a

