POV: Marie Ilang buwan na ang nakakaraan simula ng maaksidente siya. Pero mga pangit na alaala ang dumarating sa isipan niya. Naalala niya ng ipagtabuyan siya ni Bernard at sumama kay Ellie ang lalaki. Masaya siya sa trabaho niya sa San Miguel corporation. Ngunit masakit kapag naaalala niyang niloko siya ng lalaki. Unti unti ng naghihilom ang lahat sa kanya,at nabubura ang pagmamahal na inilaan niya kay Bernard. 'Ganito ba talaga dapat ang maramdaman ko?' Pumasok ang nanay niya sa kwarto. Ngumiti ito sa kanya. "Malungkot ka na naman?" tanong nito. "May naalala lang po ako, bakit po?" "May bisita ka" "Sino po?" "Puntahan mo na lang siya sa ibaba." Sinunod niya ang ina. Lumabas siya ng kwarto. Pagbaba niya ng hagdan, May taong may dala ng bouquet. Nakatago ang ulo nito. "Anong mer

