"Tapos?" kinikilig na tanong ni Flor. Mag isleep over ito dahil hindi pa sila nagkakausap ulit simula ng magresign ito. "Nakakahiya eh.. hinalikan ko siya" sabi niyang namumula. "Aah... iihhh" tili nito "grabe ka girl. true ba yan?" "Hmmm oo" sagot niya. "Ang bongga mo naman.. Ang gwapo ni sir Rain." "Hindi lang naman yun ang nagustuhan ko sa kanya. Nakita ko ang sincerity niya. Saka super bait niya eh." "Haist.. bakit puro gwapo ang nagkakagusto sayo." may halong inggit ang tinig nito. "Si-- si Bernard ba.. hmm" "Gwapo? aba, super!" "I mean.. mabait ba siya?" "Ang alam ko, bago ka makilala nun, babaerp yun, parang si sir Monte. Pero nagbago siya dahil sayo." "Minahal ba niya ko?" "Sobra.." "Eh, nasaan siya ngayon?" "Alam mo?" waring wala na itong maisagot sa kanya "buksan na

