IT'S BEEN A WEEK since he saw Alexa at the Monticello's villa. Isang linggo na ring nagpuputok ang butsi niya dahil sa kaalamang may asawa na ito at anak. Anbilis naman nitong mag-move on sa kanya samantalang siya limang taon na siyang nagdadalamhati sa ginawa niya rito noon. Why blame her? Kung binigyan mo siya ng pagkakataon noon na magpaliwanag malamang ikaw sana ang asawa niya ngayon at ikaw ang tatay ng anak niya. Pinukpok niya ang sariling ulo dahil sa sinabi. Tama ito. Bakit ba kasi hindi ang side ng isip niya na ito ang pinairal niya noon? Magmove on ka na rin dahil wala ka ng pag-asa roon. Hindi siya makapagconcentrate sa ginagawang trabaho dahil ito na lang ang alam ng isip niya. He kept calling Brandon but hindi ito sumasagot sa tawag niya. Malamang busy ito. Even Grace? Busy d

