MATAMANG TINITIGAN ni Stanley ang brown envelope na hawak. Naglalaman ito ng impormasyon na hinihingi niya patungkol kay Alexa. Personal na iniabot sa kanya ito ng kaibigan niyang si Francis Elijah kaninang umaga nang pumasok siya. Inabangan siya nito sa labas ng building kanina dahil may importante raw itong lalakarin kaya hindi ito nagtagal. Nang maiabot nito ito sa kanya ay umalis din agad ang lalaki. Kanina pa niya ito tinititigan ngunit hindi niya magawang buksan dahil nag-aalala siya sa kung ano ang laman nito. Paano kung mali pala ang sapantaha niya? Paano kung talagang may pamilya na ito at tuluyan na siyang nilimot? Well kasalanan din naman niya dahil siya ang nagtaboy rito at hindi niya ito binigyan ng pagkakataon. He sighed. Tinitipon niya ang lakas ng loob para buksan ito. Ini

