IMINULAT NI Stanley ang mga mata. Nasa loob siya ngayon ng isang ambulansya. Sobrang masakit ang buo niyang katawan dahil sa bugbog na inabot mula kay Mr. Rodriguez at mga tauhan nito. Si Mr. Rodriguez ay isa ito sa mga board ng kompanya na tinanggalan niya ng karapatan dahil sa korupsyon nito sa kompanya. Halos lahat ng na-acquire nitong assets mula sa pangungurakot ay binawi niya kaya naman nanganganib na itong maghirap. Malaki siguro ang galit nito sa kanya kaya nagawa nito ang mga pagbabanta at pagtangka sa buhay niya. Isa na rin ito sa suspect nila pero hindi lang niya ma-pinpoint dahil sa dami na rin ng mga nakabangga niya dahil sa negosyo. Nang makarating siya sa gusali ay hindi na siya nagtaka pa nang makita ang pagmumukha nito. Tama nga talaga siya! Mukha itong santo na amino'y

