Nagulantang siya sa pag-iisip ng bigla nalang naghiyawan ang mga ito. Parang nanalo ang mga ito sa lotto at siya ang premyo ng mga ito. Nagtaas baba ang dibdib niya. Easy lang sa kanya ang eksenang ito ngunit nais muna niyang masiguro ang kaligtasan ni Stanley bago siya gumalaw. Nakangisi na ang mga ito habang nakatingin sa kanya at panay pa ang kiskis ng mga maruruming palad habang nagsimulang lumapit sa kanya. Walong kalalakihan ang naririto dahil ang iba ay sumama sa amo ng mga ito upang harapin si Stanley. Lahat ay nakangisi sa kanya, ngising aso, at mukhang takam na takam sa kanya. Daig pa niya ang buto na lalawayan ng mga kutong-lupang ito. Lintik na hinayupak. Pinalibutan siya ng mga ito. Ang iba ay may pasayaw-sayaw pa at pagiling- giling sa harapan niya. "Paano ba yan, Miss Be

