NAGISING si Alexa sa isang hindi pamilyar na lugar. Nasaan na nga ba siya? Wala siyang makita. Kinurap-kurap niya ang kanyang mata upang bahagyang gumalaw ang telang nakapiring. Pinakiramdaman niya ang paligid. Walang kahit ano mang kilos sa paligid. Tahimik ito at walang tao. Pilit siyang nagpupumiglas sa upuan kung saan siya nakagapos upang lumuwang angpagkakagapos sa kanya. Iginalaw-galaw niya ng katawan nagbabakasaling lumuwang ang pagkakatali niya rito at kailangan niyang bilisan ang ginagawa habang wala pa ang mga dumukot sa kanya. Bahagyang masakit din ang buo niyang katawan dahil sa pagkakabangga niya kanina ngunit hindi naman niya ininda ito. Mas grabe pa ang natatamo niya sa ibang misyon kumpara sa natamo niyang mga galos sa katawan. She can do better than this. Aside from the

