bc

Heart's Desire

book_age18+
34
FOLLOW
1K
READ
possessive
goodgirl
sporty
basketball
love at the first sight
model
like
intro-logo
Blurb

Isang simpleng dalaga si Avy ang tanging pangarap lang nya sa buhay ay ang mapagtapos ang kapatid na si France sa kolehiyo, at ang maipagpatuloy ang therapy ng kanyang mahal na mahal na lola.

Ngunit magugulo ang kanya buhay sa isang iglap lang.

Mula ng makilala nya ang isa taong makakapagpabago sa kanyang mumunting pangarap.

Mabubuhayan kaya sya ng panibagong pangarap para sa sarili?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Free lancer model yan ang trabaho at pinagkakakitaan ni Avy. Dito siya kumukuha ng itinututos para sa pag-aaral ng kanyang bunsong kapatid na si France at sa kanyang lola Rose na sumasailalim sa therapy, dahil sa pagkakaatake nito sa puso kaya na half stroke siya. Avy's POV "Bes hindi masagwa yung damit sa akin? baka kasi makita ng lola eh?" tanong ko sa bestfriend kong si Bianca. Siya na ang lagi kong kasama kapag may mga events at pictorials ako. Wala naman kasi siyang pinagkakaabalahan dahil ayaw pa niya magtrabaho kaya siya ang mag aasikaso ng appartments ng pamilya nila dito sa manila. Habang nasa Cebu ang kanyang mama at may pamilya na din dun. Broken family sila kaya may pagka rebelde si Bianca. "Ano ka ba hindi ka pa din ba nasasanay sa trabaho mo girl, ayos lang hindi over keribels lang ang peg" sagit niya habang busy sa pakikipag chat sa mga kasamahan nyang sa SAN MANUEL FAN CLUB. Mahilig siya manood ng basketball at very fanatic siya ng PBA. "Ok models akyat na be ready in 5 minutes!" Sigaw ni Olap ang nagmamanage sa amin. Sandali lang naman yung event basta matapos mo na yung part mo pwede na kaming umuwi. Apat na beses lang naman ako lumabas sa buong event kaya madali din ako natapos. Alam ni Olap na hindi ako pwede sa mga under wear suit kaya hanggang jeans and casual lang ako. "Oh babaita eto na yung para sayo ha, sa friday magkita tayo sa office ko at may rampa ka ulit nagustuhan ka nung isang clothing line." may kasamang kurot pa na balita niya sa akin. Every after event or pictorial ibinibigay na din ni Olap yung fee ko sa kanya alam kasi nya ang sitwasyon ko. "Salamat talaga mother ha, paghuhusayan ko pa talaga." yun lang ang tanging nasabi ko sa sobrang saya dahil may rampa ulit ako. Tinapik ako ni Bianca "tara na may usapan tayo diba?!" sabay hila sa akin palabas ng Hotel Ballroom. "Olap sa friday na lang ulit ha geh bye!!" nagmamadaling sigaw niya. May dinner party kasi si JM Fajardo para sa kanilang may katungkulan sa fan club nila. Siya lang naman ang treasury ng fan club. At nangako akong sasamahan ko siya. --------------------- Nandito kami ngayon sa Kawloon Chinese Restaurant halos mga half hour ang byahe mula sa Alabang kung saan yung event ko kanina. "Bes make your self comfortable ha, hindi kita maasikaso lam mo na si JM yan ang star player ng buong team." paalala pa nya sa akin. "oo bes ok lang ako, wag mo ako alalahanin basta kuha mo na lang ako ng isang table na medyo malayo sa inyo ha." paninigurado ko sa kanya. Ayaw ko naman maistorbo pa siya kaya mag online ako para maka chat ang kapatid ko. "I know nagpareserve na ako para sayo." sabi niya. habang tinatahak na namin yung sinasabi nyang table ko. May nakita akong mga nakaupo sa long table at kinawayan sila ni Bianca, sila na siguro yung nga kasamahan nya. Nadaanan ko din ng tingin ang napakalaking taong kasama nila siguro siya si JM yung star player na sinasabi ni Bianca. Napaiwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata namin, feeling ko matutunaw ako sa mga titig nya kaya ramdam ko ang pag init ng pisngi ko. Umupo na ako at hindi na muling tumingin sa kanila, iniwan na din ako ni Bianca. Naririnig ko ang mga tawanan at hiyawan nila. Pero mas pinili ko ang magfocus sa pakikipag usap sa kapatid ko. Lumipas pa ang ilang oras at sa wakas nagkalakas loob din akong tumingin sa kanila. Wrong timing nagtama na naman ang mga mata namin at umiwas ako agad. "Hi Miss, nag iisa ka ata pwede ka bang saluhan sa table mo?" biglang eksena ng dalawang lalaki at naupo na sila agad. Hindi ko namalayang nakalapit sila sa akin, agad kong dinial ang number ni Bianca para makita nya kalagayan ko. Dahil sa totoo lang takot na takot na ako at parang aatakihin na ako ng hika ko. Nakita ko si Bianca na tumayo agad. "ahmm excuse me sir pero may kasama po ako at nasa isang group meeting lang po siya." pagta-try kong explain sa mga lalaking ito na amoy alak. "pero kanina ka pa namin pinagmamasdan Miss wala kang kasama niloloko mo ba kami" sagot nung isang lalaki at aktong hahawakan pa ata ako ng may biglang humarang na malaking braso sa aming dalawa na ikinagulat din niya. "sino ka bang taranta-" hindi nya natuloy sabihin kaya napaangat ako ng tingin sa nagmamay ari ng braso. "JM Fajardo pare, girlfriend ko lang naman ang binabastos nyo ata" malumanay na sagot nya. Ma-autoridad ang boses ngunit malumanay. Na nagpakabog ng dibdib ko kaya halos hindi ako makahinga. Hindi ko na namalayan kung ano ang nangyari, hindi ko na kasi nakita sa harapan ko yung dalawang lalaki kanina. Hawak ko na din ang aerosol sprayer ko. Halos hindi malaman ng bes ko ang gagawin nya. Nahimatay pala ako kaya nandito kami ngayon sa sasakyan ni JM. "Bes.." tawag ko kay Bianca dito kami nakaupo sa backseat, may driver pala si JM. "Bes ok ka lang ba, medyo traffic lang dadalahin ka na namin ng ospital." natatarantang sabi ni Bianca Naupo ako at inayos ang sarili ko. Nahihiya ako kay JM na nakatingin din sa akin. "wag na bes ok lang ako, natakot lang ako kanina. ano nangyari hindi ko na alam." tanong ko sa kanya. "sigurado ka ba ok ka?!" tanong nya din "oo bes ok na ako." at nginitian ko pa siya. "ok na daw siya papa JM, darecho uwi mo na lang kami." sabay kindat pa nya dito. "sigurado ka ba Avy?" tanong nya sa akin. " Opo sir, ok lang ako" nginitian ko din siya gaya ng kay bes, pero nagbaba ulit ako ng tingin dahil sa mga titig nya sa akin. Inihatid nga nya kami sa bahay. Pagkababa ko ay nagpasalamat na ako at nagpaalam na papasok na sa loob ng bahay. Iniwanan ko na silang dalawa ni Bianca at mukhang hindi pa papasok ang kaibigan kong iyon dahil kita ko sa awra ng kanya mukha ang kasiyahan. Paano ba naman inihatid kami ng idol nya na si JM Fajardo. I'm pretty sure hindi ako patutulugin ng isang ito agad at magkukwento ito sa mga ganap nila ngayon sa labas.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
4.1K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
572.1K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
794.7K
bc

Dominating the Dominatrix

read
53.4K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
29.9K
bc

The Lone Alpha

read
123.6K
bc

Bad Boy Biker

read
5.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook