bc

Unexpected Girl [Hanna Rose Megan] SPG R18

book_age18+
400
FOLLOW
5.0K
READ
billionaire
possessive
pregnant
playboy
drama
sweet
bxg
office/work place
office lady
seductive
like
intro-logo
Blurb

Si Kenneth Monte Velgo, kilalang mapaglaro pagdating sa mga babae. Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging babaero, hindi niya pinapakialaman ang kanyang mga empleyado, kahit pa lantaran ang paghanga ng mga ito sa kanya.

Hanggang sa isang araw, hindi niya inaasahang magkakaroon siya ng ugnayan sa isa sa kanyang mga empleyado. May kakaibang karisma ito na kaagad nakaagaw ng pansin ni Kenneth.

Hanggang sa inalok niya ito na maging bahagi ng kanyang personal na buhay. Pumayag naman ito dahil sa matinding paghanga nito kay Kenneth. Habang lumilipas ang mga araw ng kanilang palihim na ugnayan, hindi inaasahan ni Kenneth na mabibihag ng babae ang kanyang pusong kailanman ay 'di pa nagmahal ng tunay.

Ngunit isang araw, biglang nawala ang dalaga—isang pangyayaring ikinagulat at halos ikabaliw ni Kenneth! Doon niya napagtantong mahal na pala niya ito.

Mayroon bang dapat malaman si Kenneth tungkol sa nakaraan ng babae? O may itinatago ba ang dalaga na karapat-dapat niyang matuklasan?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
GULAT ang rumihistro sa mukha ni Hanna. "Kenneth?" "Hi, baby.." Kahit alam niyang walang seryosong ugnayan sa kanila, hindi pa rin maiwasan ni Hanna ang pamulahan ng mukha sa tuwing nagpapakita ito ng kalambingan. Gusto niyang balewalain ang ipinapakita nito sa kanya dahil naisip niyang hindi lang siya ang babae sa buhay nito - marami sila. Ngunit hindi niya mapigilan ang sariling nararamdaman. Kahit alam niyang sanay na itong magpaikot ng babae - tinatamaan pa rin siya sa mga pakilig at galawan nito. Ang hindi niya kinaya - ang bouquet na nasa kamay nito ngayon? Sa loob ng tatlong buwang paglalaro nila ng apoy, kailanman 'di ito nagbigay ng bulaklak sa kanya - mas lalong hindi ito pumupunta ng apartment niya. "A-anong ginagawa mo dito?" halos pabulong na tanong ni Hanna sa kaharap. Bahagyang gumalaw ang kanang kilay nito. "Hindi mo ba ako papapasukin?" tanong nito. Natauhan naman si Hanna at kaagad niluwangan ang pinto. Nakagat pa niya ang ibabang labi dahil masyado lang maliit ang apartment - kasama niya roon ang kaibigang si Zandra. Ngunit ng mga oras na iyon nasa trabaho ito. Hindi lang siya nakapasok dahil masama ang pakiramdam niya. Pansin ni Hanna ang paglumikot ng mga mata nito sa kabuuan ng apartment. Hanggang sa tumitig ito sa kanya at iabot ang bulaklak. Napalunok nang wala sa oras si Hanna. Sinikap niyang 'wag kiligin sa harapan nito at baka pagtawanan lang siya nito. "Masama raw ang pakiramdam mo?" Tumango siya sabay kuha ng bulaklak sa kamay nito. "Bakit mo 'ko binibigyan ng bulaklak?" kaswal niyang tanong upang hindi siya nito mahalata. "Dinadalaw kita." At saka nito sinapo ang noo niya. Naglakad siya upang makaiwas sa mga titig nito. Labis siyang naiilang at nagugulumihan kung bakit ito nandito at nagawa pa siyang dalawin? Ang pagkakatanda niya - magiging babae lamang siya nito, ngunit walang seryosong ugnayang mabubuo sa kanilang dalawa. Walang pakialaman sa personal na buhay. Ni hindi nga siya nagtatanong sa araw-araw nitong ginagawa. "Hindi mo naman ako kailangang dalawin--" Natigilan si Hanna nang mula sa likuran, pumulupot ang mga braso nito sa baywang niya. Tila may init na gumapang sa tiyan ni Hanna. Lumakas din ang kabog ng kanyang dibdib. Hindi pa rin siya masanay-sanay kahit ilang beses na rin naman silang nagtatalik. "Miss na kita. Dalawang araw na kitang hindi nakikita. Hindi ka ba masayang naisipan kong puntahan at kumustahin ka?" Nakiliti si Hanna dahil sa paraan ng pananalita nito na dinaan sa pabulong-bulong na may kasamang halik sa gilid ng kanyang tainga. Hindi na siya magtataka at literal na mahilig ang binata. Kung hindi lang yata masama ang pakiramdam niya - baka kanina pa siya nakahubad sa harapan nito. Ganoon kaadik ang lalaking ito pagdating sa pakikipagtalik. Dahil sa bugso ng pagmamahal - mas lalo siyang nawawala sa katinuan dahil sa pagiging mainit nito sa kama. Oo, aaminin niyang gustong-gusto niya ang lahat ng ginagawa nito sa kanya. Ngunit sa kabila ng lahat ng ginagawa nito—sa kaibuturan ng kanyang puso—may kirot at sakit siyang nararamdaman. Dahil hindi niya matanggap na 'di siya nito matandaan. Kung nagawa man niyang pumayag na maging babae nito - iyon ay dahil sa maraming nakalipas na taon, nanatili pa rin ito sa puso niya kahit nagsimula ang lahat sa pagkukunwari. Kung minsan, napapaisip si Hanna kung nagpapanggap lang ba ito sa kanya na hindi siya nito naaalala o natatandaan man lang? Gusto niyang magtanong ngunit may takot siyang nararamdaman. Kung pagbabasehan sa mga galawan nito - kahit sa mga tingin at titig, hindi makita ni Hanna Rose na kilala nga siya nito. At iyon ang labis niyang ipinagtataka? Kung anong nangyari at hindi siya nito mamukhaan man lang? Samantalang siya ang unang babaeng minahal nito noon? 'yon ang natitiyak niya. Ngunit, bakit hindi siya nito natatandaan? Kailangan ba talaga nitong magpanggap sa harapan niya? Sa anong dahilan? "Hindi mo ba ako namiss?" Isang halik sa balikat ang nagpabalik ulirat kay Hanna. "Marami ka namang mga babae, bakit hindi mo --" Isang tawa ang pinakawalan nito na ikinahinto ni Hanna. Hanggang sa pihitin siya nito paharap. "Nagseselos ka ba?" nanunuksong bigkas nito sa harapan niya. Kunwa'y siyang umirap upang itago ang pamumula ng mukha. "Hindi ah. Bakit naman ako magseselos? Wala namang tayo." Pagpapaalala niya sa binata. Napakurap siya nang mapansing tila bahagyang napawi ang ngiti sa labi nito - ngunit kaagad din iyong bumalik na tila nanunudyo sa kanya. "Lagi mong sinasabing marami akong babae, bakit nakita mo na ba sila?" tanong nito sa kanya. Bahagyang kumibot ang labi ni Hanna Rose. "Hindi pa. Pero ikaw na rin ang nagsabi sa akin noon - kung gusto kong maging isa sa mga babae mo? Ibig sabihin, marami ka ngang babae - hindi lang ako nag-iisa," ani ni Hanna. Isang tawa na naman ang pinakawalan nito na tila ba nakakatuwa pa ang mga pinagsasabi niya. Hindi nito alam, na para iyong tumuturok sa kaibuturan ng kanyang puso. Ang hindi nito pagsagot - pahiwatig lamang na totoo ngang marami sila sa buhay nito. "Ang mabuti pa, ipagluluto kita. Masyado ka pa namang mainit." Muli nitong sinapo ang noo niya. "O baka mainit ka dahil nandito ako?" pilyong bigkas nito na siyang ikinapula ng mukha ni Hanna. Kunwa'y inirapan niya ito. "Baka ikaw ang nag-iinit na diyan?" wika ni Hanna sabay sulyap sa ibaba nito na tila ay bumubukol na. Muli itong natawa sabay hawak sa magkabilaang pisngi niya at walang salitang sinakop nito ang kanyang mga labi! Munting ungol ang kumawala sa kanyang bibig. Hiningal pa siya ng pakawalan nito ang kanyang labi. Ngiting-ngiti ito na tila ba nanalo sa lotto! "Sulit ang dalawang araw!" Sabay kindat nito sa kanya. Nasundan niya ito ng tingin nang dumiritso ito sa maliit na kusina. "Hindi mo naman ito kailangang gawin. Makakauwi ka na. Baka may trabaho ka pa." Sandali siya nitong nilingon. "Ako ang may-ari ng kompanya, baby. Kaya wala kang dapat ipag-alala. Dapat nga kiligin ka pa at isang CEO ang nandito para ipagluto ka." Sumilay ang simpatikong ngiti sa mga labi nito. Aaminin ni Hanna na sa tuwing tinatawag siya nitong baby hindi niya mapigilang kiligin. Ngunit ang pinakakakilig niya - ang pagpunta nito dito para lang ipagluto siya. Kung minsan napapaisip siya - ganito ba ito sa lahat ng babae nito? Maasikaso din naman at marunong din mag-alala sa mga babaeng ikinakama lang nito? Muling naramdaman ni Hanna Rose ang kalungkutan. Ibang-iba na ito sa lalaking nakilala niya noon. Kung sabagay, binatilyo pa ito noon. "P'wede ba akong magtanong?" panunubok niya. Sandali itong hindi nakakibo. Hanggang sa tumitig ito sa kanya. "Sure!" Lihim na napalunok si Hanna Rose. "Bakit wala ka pa ring asawa hanggang ngayon? Ang tanda mo na kaya?" tanong niya na may halong biro ang huling sinabi niya. Nakakaluko itong tumawa. "Bakit ko pa kailangang mag-asawa kung marami namang babae ang nagpapakita ng interes sa akin at 'di ako binibigyan ng sakit ng ulo?" Napaiwas nang tingin si Hanna. Tila siya nasaktan sa sinabi nito. Dahil ba isa siya sa mga babaeng tinutukoy nito? "At sa lahat ng naging babae ko, ikaw ang pinakagusto ko!" ngiting-ngiti pa ito. Ngunit hindi man lang siya natuwa. "Naranasan mo na bang ma-inlove? Magkaroon ng kasintahan?" tanong pa ni Hanna. Pansin niyang natigilan ito - ngunit kaagad ding umiling na ikinalunok ni Hanna. Talaga bang hindi siya nito natatandaan? "Never." Biglang natahimik si Hanna. Hanggang sa tumalikod na ito at naghanap ng mailuluto. Natitigan niya ang malapad nitong likuran habang abala ito sa kusina. May lungkot na gumuhit sa kanyang mga mata. "Ikaw, naranasan mo na bang ma-inlove at magkaroon ng nobyo?" tanong nito - ngunit nanatiling nakatalikod. Nagpakawala siya nang malalim na buntong hininga bago niya ito nagawang sagutin. "Yes." Inaasahan ni Hanna Rose na magtatanong ito kung anong nangyari at naghiwalay sila. Ngunit hindi na ito nagsalita. Na tila ba - wala rin naman itong pakialam. Lalo na't wala namang sila. Naglalaro lang sila ng apoy kapag gusto nito. Lihim nga lang 'yon kahit pa sa mismong kompanya siya nito nagtatrabaho bilang Accountant. Napahilamos si Hanna sa sariling mukha. Napapatanong sa sarili kung bakit ibinaba niya ang sarili dahil lang sa nakaraan na 'di natapos sa kanilang dalawa? Ang pagkakatanda niya - biglaan ang pag-alis ng pamilya nito sa hacienda ng lolo nito. Gusto niyang magtanong. Ipakilala ang sarili dito. Pero kailangan pa ba niya iyong gawin? Hindi ba nito natatandaan na may naiwan itong kasintahan noon? Gusto niya ring malaman kung bakit biglaan ang pag-alis ng mga ito at hindi na bumalik pa?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.7K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook